ninety eight

326 22 22
                                    


*˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚ [ ryujin — • ] ˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚*

tahimik akong naghihintay sa waiting area pero internally, gusto ko nang magwala. graduation day ngayon pero wala akong tulog dahil sa dm ni beomgyu kagabi. buong gabi kong inisip kung anong mangyayari ngayon at medyo inaantok na rin ako.

hindi ako mapakali, wala pa rin sina yeji ngayon dahil maaga pa. wala tuloy akong makausap.

napatingin ako sa pinto dahil may papasok, baka si beomgyu at tama ako. mukha rin siyang walang tulog... pero gwapo pa rin. hehe. mabagal siyang naglakad papunta sa'kin nang nakita niya ako.

"good morning, ddaeng." nag-nod ako bilang pagbati. may inaabot siyang kape at agad ko namang tinanggap. "medyo malamig ngayon, mainit pa yan. inumin mo na."

"salamat." sagot ko. mukha pa siyang nahihiya. umupo na kami sa vacant seats sa waiting area. medyo konti pa lang din ang tao.

"ryuddaeng, gusto ko munang mag-sorry..." he let out a deep sigh. "totoong umiwas ako sayo. it's just nung nakita ko kayo ni felix nung extramural, hindi ko maintindihan yung naramdaman ko."

nung extramural? so, mali nga yung guess ko. "mali yun, dapat kinausap muna kita ng maayos. ano lang kasi, naisip ko na baka gusto mo pa rin si felix kaya naisipan kong lumayo."

"pero malinaw na yung isip ko ngayon." he smiled. ayaw kumalma ng puso ko. does he mean na nagselos siya kay felix nung nag-usap kami?

"ba't ka nag-react ng ganun? ang unfair naman nun, gyu." i pouted. gusto kong sa kanya mismo manggaling. "ryujin naman."

"ilang araw kong inisip kung anong problema.. kung ako ba yung problema. pwede bang next time, 'wag ka nang mag-sikreto sa'kin? can you keep your promise?"

"hindi na ako magpo-promise... gagawin ko na. i'll tell you everything, next time. i'm really sorry, ddaeng." mahinang sabi niya. nakurot ko bigla yung cheeks niya since ang cute niya. nagulat ata kaya bigla akong natawa pero pinaseryoso ko ulit yung mukha ko.

"next time? hindi mo pa nga ako tinatanong." i blurted out. ang tagal niya kasing magtanong. bigla niya akong hinila tapos niyakap.

"ddaeng, i missed you so much."

"me too." kumalas siya sa yakap. nagulat ako nung bigla siyang lumabas ng walang paalam. ano yun? yun na yun?

pagkatapos ng ilang minuto, pumasok siya ulit ng area pero may dala siya. bouquet of roses, favorite ko pa. lumapit siya sa'kin tapos inabot yun. "shin ryujin, can you be my girlfriend?" sabi niya tapos tumungo. nahihiya pa talaga.

"teka, pag-iisipan ko." inangat niya ulo niya tapos tumingin sa'kin na parang naguguluhan. "ano ba ako sayo, beomgyu?"

"mahal kita." deretso ang tingin niya sa'kin kaya agad nag-init yung mukha ko. "ako ba?" tanong niya pabalik. cornered na ako!

agad kong kinuha yung bouquet para itakip sa mukha ko. "i love you too."

gusto ko na ulit sumigaw kasi malamang namumula ako. hinila niya naman yung bouquet pabalik. "ano ulit? hindi ko narinig." at talagang nag-kunwari pa siya para ulitin ko.

"i love you too, choi beomgyu." ngumiti siya nang malaki pagkatapos. ginulo na naman niya yung buhok ko pero nagulat ako dahil tinulak niya palapit yung ulo ko tapos... hinalikan.

"uy, layo! ano ba hindi pa naman ako nagbasa ng buhok ngayon kasi ang aga nga tapos—" napatigil ako dahil nakangiti lang siya.

"okay lang. mahal pa rin kita." tapos ako naman yung namula. i can't believe this.

"i can't believe that you actually got jealous because of felix."

"hindi rin ako makapaniwala."

"you know what? when i saw him that's when i finally knew."

"na ano?" tanong niya.

"that i really like you... and for your peace of mind, kahit naman bumalik pa siya o may dumating mang iba, i'll still choose you."

GORGEOUSNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ