April 2, 2021
Halos pabalik na ang lahat sa dati pagkatapos ng isang taong quarantine. Malaya na ulit huminga ang mga tao kahit walang suot na facemask kahit saan sila magpunta at pwede na ulit magyakapan.
Natapos na ang pandemya kaya gagawin ko na ang ultimate assignment na ibinigay ko sa sarili ko noong nangangarap pa lang ako last year na babalik na ang Pilipinas sa dati gaya ng ibang bansang naka-recover na mula sa pandemic.
I will finally date a guy again.
Nakilala ko siya sa isang dating app. Modern version iyon ng blind dating kasi literal na hindi ko pa nakikita ang ka-date ko. Nag-uusap lang kami palagi sa messaging portal ng app at hindi pa kami nagpapalitan ng number namin.
Mabuti na lang talaga at nagyaya na siyang makipagkita pagkatapos ng pandemic kasi sa wakas, pakiramdam ko, magkaka-jowa na ako.
Mahirap ng mapag-iwanan. Ngayong araw, twenty-eight na ako. Hindi ako bumabata. Kailangan ko din naman ng taong makakasama habang-buhay at ang nangyari sa amin ni Bob ay matagal ng tapos.
Ikakasal na nga siya. So, bakit ako single pa rin?
"Oy, Sera. 'Wag mong kakalimutan 'yung kuryente ah. Nand'yan sa ibabaw ng ref 'yung share namin ni Kuya Tad mo."
"Okay. Alis ka na?"
"Oo. Sige na. Bye bunso." I just rolled my eyes. Hanggang ngayon, iyon pa rin ang tawag niya sa akin. "Gigi! Gon!" sigaw niya kaya nagkukumahog na bumaba ang kambal kong mga pamangkin. "Ano na? Ang kukupad niyo! Kanina pa naghihintay ang Papa niyo sa labas!"
"Bye, Tita Ganda!" dinaanan ako ni Gon at hinalikan sa pisngi.
"Oy, Gon. Wag puro babae ang inaatupag sa school ah!" bilin ko.
Yumakap naman si Gigi sa akin. "Good luck sa date mo mamaya, Ta!" humahagikhik niyang sabi kaya pinisil ko ang pisngi niya.
Thirteen years old na ang dalawa at sila ang patunay na matanda na talaga ako dahil noong kunin ako ni Ate mula sa probinsya sixteen years ago, boyfriend pa lang niya si Kuya Tad. Nag-iinarte pa siya noong ayaw niyang magpakasal at magkaanak dahil kawawa naman daw ako. Namatay na ang parents namin at siya na lang ang meron ako, kukunin pa ni Kuya Tad.
I rolled my eyes when I remembered her speech. Alam ko naman kasing gusto niya din talaga si Kuya Tad kaya pinilit ko pa talaga ang lukaret kong Ate na huwag niyang sayangin ang pagkakataon na magkaroon siya ng sarili niyang pamilya kasi ako, okay lang naman ako kahit saan ako mapunta.
And luckily, Kuya Tad is as kind as an angel. Tinanggap niyang kasama ako sa lahat ng plano ni Ate kaya parang ako 'yung panganay nila.
Pinag-aral nila ako habang nagsisimula rin silang mag-ipon para sa pamilya nila. Binigyan nila ako ng tirahan, pinakain at minahal.
At sa sobrang tagal ko ng single, baka naman pwede na akong sumubok ulit?
Nang makaalis na sila Ate, inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos.
I need to work hard on my appearance. Hindi naman ako pangit, pero hindi din naman ako ganoon kagandahan kaya kung gusto kong maging jowa ang lalaking kausap ko --- kailangan ko ng pangmalakasang outfit.
Ang dami ko ng na-order sa online shopping kaya ang tagal kong nag-desisyon. Paglabas ko ng kwarto, naka-cocktail dress na ako. Sa restaurant daw kami kakain kaya hindi naman siguro masamang magsuot ako ng dress na fitted sa balakang na hanggang tatlong pulgada bago magtuhod ang ikli.
Hindi na din ako nailang kahit hantad ang braso ko dahil manipis naman na ang mga iyon kaka-exercise ko.
Isa pa, bonus points ang pa-clevage ng dress na ito. Ang tanging kaya ko lang namang i-flaunt ay ang hubog ng katawan ko. Bukod duon, I am just an average girl.

YOU ARE READING
OPPA SERIES V1 (Book 8): Mr. Popular [COMPLETED]
ChickLitIt was a perfect date gone wrong. Started: 20September2020 Finished: 4December2020 All rights reserved © 2020 Oppa Series 8: Mr. Popular written by Suzie Kim