Katakut-takot na sermon ang inabot ko kay Ate pagtapak ko pa lang sa doormat. Mabuti at pinaalis ko na si Travis at nagpumilit akong ibaba na lang sa kanto, kasi kung nagkataon na nagpahatid pa ako sa mismong labas ng bahay namin, baka pati si Travis eskandaluhin ng Ate ko at imbes na sila ni Sofia ang magkatuluyan e baka ma-shotgun wedding kami ng wala sa oras.
"Nasaan 'yang ka-date mo na 'yan? Bakit hindi ka mang lang inihatid? Ano, Sera??? 'Yan ba ang itunuro sa atin nila Mamang at Papang? Sumusobra ka naman yata?! Pinag-alala mo ako ng husto!"
"Alam ko ng nag-alala ka, Ate. Pero 'wag naman masyadong OA? Hello??? 28 na ako!" pinagsisihan kong sumagot pa ako dahil ibinato niya sa mukha ko ang nilukot niyang papel.
"Bakit? Porque ba kumikita ka na tinatanggalan mo na ako ng karapatang pagalitan ka?"
"Ate?" niyakap ko na siya. "Kalma. Sorry, hindi ako nakapag-text kasi na-lowbat na 'yung cellphone ko. Saka nalasing ako dahil hindi ako sinipot ng ka-date ko. Mabuti na lang, tinulungan ako ng katrabaho ko noon at ng girlfriend niya. Sila ang nag-uwi sa akin kagabi. Hindi sila makakuha ng address sa akin kaya dinala ako ni Travis sa bahay nila Sofia. Wala namang nangyari, okay? Kalma."
Mukhang nakumbinsi naman siya sa paliwanag ko. "Basta 'wag mo na 'tong uulitin. Sera, kahit ano pang edad mo, Ate mo pa rin ako. At nangako ako kayla Mamang na hinding-hindi kita pababayaan."
"Alam ko po, Ate. Sorry. Hindi na mauulit, okay? Bati na tayo?"
Tinapik niya ang likod ko. "Oo na. Basta sa susunod, dito mo papuntahin para naman alam namin kung sino ang hahanapin sakaling may sumalbahe sa'yo."
Noon pa naman sinasabi ni Ate na bata pa rin ang tingin niya sa akin. Palibhasa paslit pa lang ako nang umalis siya sa bahay para makipagsapalaran sa Maynila tapos nang mamatay ang mga magulang namin at kinailangan ko ng tumira kasama siya, nangako siyang magiging Nanay at Tatay siya sa akin kaya hindi ko siya masisi na mag-react siya ng ganoon.
Mabuti na lang at hinayaan na niya akong makapagpahinga kinuha ko ang pagkakataon na iyon para ma-message si CrispyChick3n.
Gusto kong isiping may mabigat siyang dahilan kung bakit hindi siya naka-sipot sa una naming date. Pero wala akong natanggap na kahit ano'ng klase ng sorry.
Ni hindi na siya nagparamdam.
Lumipas ang isang linggo, wala pa rin. Kaya nagdesisyon akong magpahinga sa online dating habang nagmu-move on ako. Sobrang big deal kasi sa akin ang nangyari. Masyado akong na-attached sa kausap ko sa saglit na panahon dahil umasa akong baka siya na ang lalaking hinahanap ko. Alam niyo 'yun? The connection is legit.
Pagkatapos ng dalawang linggo, nakatanggap ako ng project galing sa opisina. Kailangan ko lang magsulat para sa isang reality show.
Dream Date. 'Yan ang title. Every week, magkakaroon ng guest celebrity na tutupad sa mga pantasya ng mga ordinaryong Pilipina.
Siyempre it's a dating reality show kaya isang linggo kada-guest ang ang airing. Titira sa iisang bahay ang celeb at ang winner ng date for the week. Siyempre, nagpupunta ako sa set para tingnan kung paano nila ginagawa ang sinusulat kong scenes tapos sa gabi, magre-revise ako ng katakut-takot. Puyatan na naman ito.
Para sa unang episode, si James Pangilinan ang guest. Isang sikat na singer. The guy is an epitome of a badass hunk. RNB ang forte niya at isa siya sa mga singers na pinakikinggan ko kahit hindi pa nagsisimula ang project kong ito. Magaling siya pero sadyang babaero.
Hindi niya matago ang pagiging pabling dahil kahit sino na lang sa amin na mga staff, nilalandi niya.
Iba naman kasi ang pagiging nice sa pagiging fuckboy and I super know the likes of him.

BINABASA MO ANG
OPPA SERIES V1 (Book 8): Mr. Popular [COMPLETED]
ChickLitIt was a perfect date gone wrong. Started: 20September2020 Finished: 4December2020 All rights reserved © 2020 Oppa Series 8: Mr. Popular written by Suzie Kim