💖Chapter 6💖

17 6 0
                                        

Day 1

Magkatapat lang ang kwarto naming dalawa pero nakakagulat pa ring sabay kaming nagbukas ng pinto sa araw na iyon. Mga isang minuto kaming nagkatitigan bago ko na-realize na chaka ako sa umaga. Napatakbo tuloy ako papunta sa banyo nang wala sa oras.

I know how I exactly look like in the morning. Bloated. Mukhang wasted, oily ang mukha at hindi fresh ang breathe. Sana hindi niya napansin ang lahat ng imperfections na 'yon. Nakakahiyaaaa!

Pagkalabas ko sa banyo, naroon na siya. Magkapatong ang mga braso sa dibdib habang nakasandal sa pader katapat ng pinto ng CR. Damn. Bakit ba kasi isa lang ang CR??? He smiled. Ang unfair ng mundo! Bakit siya, hindi pa nakakapaghilamos pero mukha siyang sasabak sa photoshoot dahil sa perpekto niyang ngiti! Ang daya!!!

"Good morning!" bati niya.

"Good morning." nahihiya pa rin ako nang gumanti ng bati. "I'll cook. Kahit ano ba ang gusto mo?" sabi ko para lang maiwasan siya ng tingin.

"What about fried rice? I'm not sure if my memory serves me right but I can remember that you fed us with your amazing fried rice. Tama ba ako?"

Amused na sinundan ko siya nang tingin nang pumasok siya sa banyo. Hell yeah! Totoong natikman na niya iyon noon. "Ang galing ng memory mo ah. But was it really good?"

"Good? That's understatement!"

Tumawa na lang ako.

Naaalala niya ako. Walang halong ka-shit-an 'to. Hindi ko tuloy maitago ang ngiti ko habang nagluluto.

It was during the English month at ang buong klase namin ang in-charge sa program sa school. May play kaming ginawa at dahil ako ang naka-assign sa back stage, kasama sa task ko ang pakainin ang lahat ng actors. Kasama sa mga actors na iyon si Yuno.

Sobrang in love ako sa kanya noong mga panahong 'yon kaya sinisiguro kong masarap ang ipapakain ko sa kanilang lahat. Iyon siguro ang dahilan kung bakit iyon ang naaalala ni Yuno.

Naramdaman kong naglakad na siya palapit sa akin. Ang hindi ko lang inaasahan ay iyon pagpatong ng baba niya sa balikat ko.

Inamoy niya mula duon ang niluluto ko.

"Hmmm... scrumptious!" pagkasabi niya noon, naupo na siya sa upuan niya.

"Pwede bang magluto ka na lang all day? Tingin ko hindi ko pagsasawaan ang luto mo ngayon."

Natawa ako.

"Bakit, sa tingin mo ba hindi ko kayang kumain mag-hapon? That's super easy!"

"Baka magalit ang fans mo. Pumasok kang hunk dito tapos after ng isang linggo, balloon ka na? Hindi maganda 'yon."

Ngumiti lang siya.

We both know that we had to go on a date for the next 6 days. Sa 7th day naman ang aming break up. Iyon ang buong tema ng reality show na ito. Kaya after breakfast na sobrang na-enjoy niya, nag-ayos na kami.

May nag-appear na kasing task sa TV.

"Face your fears." Iyon ang title ng task.

Pupunta kami ngayon sa lugar kung saan namin dapat harapin ang fears namin.

I can't think of a place. Sa tagal kong nabubuhay sa aking safe zone, nakalimutan ko na kung saan ba ako takot.

At mukhang wala kaming parehas alam sa pupuntahan namin. Basta na lang kaming sumaka sa van na may mga naka-install na camera at bahala na ang mga staff kung saan kami dadalhin.

Habang nasa van, tahimik lang si Yuno. Nakatingin sa labas ng bintana. Alam niya sigurong ika-cut naman ang part na 'yon ng biyahe. Mas mabuti na ring hayaan namin siyang magpahinga. I did the same thing. Tumingin na lang ako sa malayo sa labas ng bintana.

OPPA SERIES V1 (Book 8): Mr. Popular [COMPLETED]Where stories live. Discover now