💖Chapter 5💖

19 5 0
                                        

Halos matunaw ako nang ngumiti si Yuno sa akin.

Tumayo pa siya para lang tulungan ako sa mga dala kong gamit. Isang linggo lang ako duon pero 'yung pinadala ni Ate, OA. Parang ayaw na niya akong bumalik sa bahay.

Gusto kong maniwala na masaya siyang makita ako. Pero alam naming dalawang may camera na kaya hindi ako sigurado, pwede kasing umaarte na siya. Ang mga staff ang nagsabing may mga naka-install ng camera sa bahay hindi nga lang namin alam kung saan nakalagay ang mga iyon.

"Wow. Hindi naman nila ako nasabihan na mukha palang anghel ang makaka-date ko ng isang linggo." pagkasabi niya noon, biglang nag-init ang mga pisngi ko pero naroon pa rin sa sulok ng utak ko ang bahaging ayaw maniwala sa kanya. Alam ko kung gaano siya kagaling umarte. Naglahad siya ng kamay bago ako umupo. "Yuno." pagpapakilala niya sa sarili.

Tinanggap ko ang kamay niya. "Sera."

He was slightly shocked.

"Kilala kita. Sikat ka kaya." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Are you Sera Guillen?"

To be honest, biglang parang nagwala ang puso ko. Gusto kong excited na sumigaw sa harap niya ng... Yes, ako 'to! Naaalala mo ako?! Pero pinigilan ako ng maturity ko. I just calmly look at him and said, "Yeah."

"Oh my... alam mo bang magkaklase tayo dati?" mukhang seryosong nagulat siya nang ma-realize na dati kaming magkakilala. His smile widen. So, naaalala niya pa ang pangalan ko. "That explains why you look so familiar when I first saw you."

Hinga, Sera. Hinga! "I-I didn't expect you'd still remember me."

"Why? Ikaw ang pinakamagandang transferee na nakita ko noon sa school." muntik na akong mapahawak sa dibdib ko para pigilan ang puso ko sa pagwawala.

He's now good at this. Sweet talk. Noon, sobrang pormal niya at sobrang bait. Hindi mo iisiping nakikipag-flirt siya sa'yo kapag nakipag-usap siya dahil sobra siyang magalang. Tumawa na lang ako sa sinabi niya. "Baka gutom lang 'yan. I will prepare something from the kitchen, ililig-" just before I finish my sentence, he's already beside me snatching the bags from my hand.

"Ako na ang mag-aakyat nito. Gawin mo na ang gagawin mo sa kusina."

Ayaw kong marinig niya ang tibok ng puso ko kaya mabilis akong lumayo sa kanya. "S-Salamat." then I awkwardly walk towards the kitchen.

Gaya ng sinabi niya, inakyat niya ang mga gamit ko kaya nagsimula na ako sa kitchen. Sobrang galing ng pagkaka-install sa mga hidden camera, wala akong ideya kung nasaan ang mga matang nakatingin sa akin kaya ang hirap mag-express ng feelings.

Ang dami kayang fans ni Yuno. Ang inisin sila ang pinakahuli kong gustong gawin. Wala akong laban sa isang batalyon ng mga babaeng nakapila para sa pusisyon ng girlfriend sa buhay ni Yuno.

Mahal ko ang buhay ko at hindi pa ako handang mamatay sa mga kamay nila.

Kakaisip ko sa mga pwedeng mangyari sa akin kapag may mga fans ni Yuno ang magalit sa anumang maling ikikilos ko sa bahay na iyon, hindi ko na namalayang nasa likod ko na siya. Kung hindi pa siya nagsalita. "Do you need help?"

"No. Kaya ko."

"Ang swerte ko naman, magaling ka sa kitchen."

"I saw your vlog. Ikaw din naman, magaling ka sa kitchen. Lalo na nung ginawan mo ng crepe cake ang Mama mo."

Natawa siya. "Iyon ang unang beses kong ginawa 'yun. Pero salamat at pinanuod mo."

Nilingon ko siya saglit para ngitian, but that came out so awkward. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagluluto ko.

Tahimik siyang nanuod sa likod ko. Hindi ko alam ang mga ginawa niya pero paglingon ko nang matapos akong magluto, naka-set na ang table.

Ang neat niyang tingnan habang inaayos ang mga kubiyertos. Siguro dahil kasi sa maputi siya at gwapo talaga. Inihanda niya ang paglalagyan ko ng kaserola sa lamesa.

Maingat niyang kinuha sa kamay ko ang hawak kong kaserolang bagong hango lang sa stove saka niya iyon inilapag sa lamesa. Our first meal together NANG KAMI LANG.

Hindi naman kasi ito ang unang beses na nakasabay ko siyang kumain.

Madaming beses. Sa pantry ng school namin noon, halos araw-araw kaming sabay na mag-lunch. Kaya lang, kasama din namin duon ang mga kaklase namin.

I can't really tell kung magka-tropa kami kasi madami siyang kaibigan. Sumasama lang naman ako sa circle of friends niya dahil naroon si Tiffany, ang pinakamabait kong kaibigan. Never kaming nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap nang kami lang kaya hindi ko masasabing naging close kaming magkaibigan. Isa pa, nakuntento na kasi ako noong hinahangaan siya sa malayo. Hindi ko pinangarap ang maka-date niya! Lalo na itong makasama siya sa iisang bahay sa loob ng anim na araw.

"Hmmm... Will you marry me?" sabi niya pagkatapos maubos ang kanin sa plato. Muntik na akong masamid kaya mabilis akong uminom ng tubig.

I won't lie. The sound of his laughter is like a music to me. Kaya napakalma din nito ang puso ko. "A-ano?"

"Hahaha. I mean, sobrang galing mong magluto. I wanted to marry someone who can feed me and my kids well."

"That's not a bad idea." iyon na lang ang sinabi ko dahil naka-ere ang episode na ito. If I will turn him down immediately, people will judge me and probably ask if I am pretty enough to say no to this handsome actor. Lafang na ito. Malamang na sabunutan ako ng mga fans niya.

"I would really like to know you more. I mean, naaalala kita noong high school tayo. You were being bullied. Napaka-bait at tahimik mo kasi. And that's all I can remember. Hindi ko alam kung bakit wala tayong chance noon na maging malapit sa isa't isa."

"It was probably because I was too timid back then." I smiled.

Napangiti din siya at iyon ang pinaka-matamis na ngiting nakita ko. Pati ang mga mata niya naka-smile din. "Yeah. I know. And I was the outgoing one. Masyadong busy sa pakikipagkaibigan sa iba."

"Well, that made you so popular."

"Ayaw mo bang popular ang ide-date mo?"

Natigilan ako sa itinanong niya. Kailangan ko na namang mag-ingat dahil nasa Philippine TV kami at kung hindi ako sasakay sa flow ng show, mawawalan ng interes ang mga manunuod.

"I can simply---"

"Okay lang. I mean, sumali ako dito kasi gusto kita. Sayang naman ang oras natin kung hindi ko naman pala tanggap kung ano ka."

Those were the right words to say. That made him smile... a genuine smile. I can tell. Nararamdaman kong walang halong acting ang ngiting iyon. "Now you're making me regret that I didn't try harder to get close to you back in school."

"That's fine. We have this whole week to get to know each other."

My inner self is screaming. Hindi ako handa sa ganitong relasyon at lalong hindi sa katulad ni Yuno na sikat. Sana lang matapos ang linggo na ito para makabalik na ako sa dati kong buhay sa likod ng camera. I hate spotlights!

OPPA SERIES V1 (Book 8): Mr. Popular [COMPLETED]Where stories live. Discover now