💖Chapter 8💖

18 3 0
                                        

Day 3

Palabas na ako ng kwarto at inaasahan kong magkakasalubong ulit kami sa pagbukas ng pinto pero nakasara pa rin ang pintuan ng kwarto niya. Isinara ko ulit ang sa akin. Baka kasi palabas na rin siya ng kwarto. Kaya lang dalawang minuto na akong naghihintay, hindi ko pa rin narinig ang pinto niya kaya lumabas na ako.

Nang makarating ako sa kusina, biglang lumapad ang pagkakangiti ko nang makita ko siya.

Nagluluto.

Sando lang ang suot niya ngayon. Kulay puti at naka-khaki shorts habang suot ang kulay asul na apron. Mukhang sa pagkakatayo niya, ang galing galing niyang kumilos sa kusina.

Pero nang silipin ko ang ginagawa niya, hindi ko maintindihan kung nagluluto ba siya ng itlog o ng uling. Mabuti talaga't may smoke extractor sa kusina at hindi kumalat ang usok sa buong bahay.

"Good morning." medyo awkward ang pagkakangiti niya. "Umabot ba sa taas ang usok?"

Umiling ako. "Gusto mo, ako na d'yan?"

Ang cute niya nang tumango siya. "Gusto sana kitang ipagluto pero wala palang tutulong sa akin dito kaya napilitan akong gawin 'to mag-isa." paliwanag niya habang inaabot sa akin ang spatula.

"So, totoong first time mo 'yung crepe cake?"

His nose slightly twitched. Kinilig na naman ko.

"Okay lang yan. I got you."

Umabot yata haggang tenga ang ngiti niya tapos, bigla na lang siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Walang salita. Walang script. He just hugged me.

Parang huminto ang mundo ko.

Kung hindi lang dahil sa sunog na itlog, baka nahalikan ko na siya. Nangamoy kasi ang pesteng kawali kaya sabay kaming napalingon.

Inulit ko ang paghahanda ng breakfast at pagkatapos noon, diretso kami sa sumunod na task.

Ang pangingisda.

Katulad noong manggaling kami sa amusement park, nag-van din kami papunta sa isang camping site. Duon yata kami mag-stay dahil nasa task namin ang gumawa ng kanta naming dalawa habang nasa tapat ng bonfire.

Sa tingin ko, maganda ang ratings ngayong linggo dahil may budget kami pang-camping. Ang nasa plan kasi noong si James pa lang at yung ka-date niya ang nasa show, magbabago lang ng locatio sa 7th day.

Iyon ang final date.

Pero sa aming dalawa, pangatlong araw pa lang, change location na.

Pagdating namin s acamping site, may mga naka-install ng camera at mga produkto ng kung anu-anong kumpanya.

May nakita akong brand ng manok at brand ng kung anu-anong inumin.

"Mukhang ang dami na nating sponsor ah." Nakangiti niyang bulong habang naglalakad kaming magkasama papunta sa magiging bahay namin sa camping site.

Mas relax ang aura niya ngayon. Hindi kaya dahil nasa open space na kami at hindi na masyadong mahahagip sa camera ang anumang gagawin naming makakasira sa ratings?

Bigla akong napadasal na sana, mali ako.

Ayokong malaman na umaarte lang siya sa nakaraang dalawang araw. Hindi ko kakayanin.

Kaya lang, napansin ko agad na inasikaso niya lang ang sarili niyang gamit nang makapasok kami sa bahay. Nakita rin siguro niyang wala pang camera duon dahil nag-aasikaso pa ang ibang staff.

Hindi ko na ginawang big deal. Ano naman ngayon kung hayaan niya akong magbuhat ng sarili kong gamit? Gamit ko naman 'yon.

"Ate Sera!" nagulat na lang ako nang lapitan ako ni Angela at hawakan sa kamay. Naroon din kasi sila ni Cass at nagse-set-up habang nakaupo pa rin sa sulok ng bahay kubo si Yuno.

"Nakakakilig kayong dalawa! Bagay na bagay kayo!" kumento niya.

Napangiti lang ako.

"Naku, mag-iingat ka pa rin ah. 'Wag mong masyadong ibigay ang puso mo. Naku... Kahit naging kaklase mo siya, hindi mo pa rin alam ang kung sino talaga siya." babala naman ni Cass.

Umirap lang si Angela. "Ang bitter mo naman, Ate Cass! Hayaan mo na lang siyang ma-in love. Mukha namang totoong in love na sa kanya si Yuno."

"I doubt! Ang daming babae niyan! Kung nakikita mo lang 'yung mga babaeng natalo mo sa social media! May mga umaapela. May mga nagpapakita pa ng text message ni Yuno na naiinis kasi ikaw ang nanalo."

"Edit 'yun!" reklamo ni Angela. "Palibahasa social media lang ang alam mong gamitin sa cellphone mo."

"'Wag na nga kayong mag-away. Baka mapagalitan pa kayo ni Direk." saway ko sa kanila.

"Basta mag-bihis ka na. 'Yung pinakamaayos mong bikini. Magsu-swimming kayo mamaya." sabi ni Cass.

Sinunod ko na lang ang sinabi niya.

Habang nasa CR ako, narinig ko ang boses ni Yuno. Mukhang may kausap siya sa cellphone. Well, hindi ko rin alam kung bakit siya pinayagang gumamit ng cellphone pero baka nakuha niya ang rights para duon dahil sa pagpapataas niya ng popularity at ratings ng show.

"Five days. Hanggang duon na lang ako."

"Yuno naman! Seven days ang show na 'yan! Tapusin mo na lang." Naririnig ko ang kausap niya. Malamang na naka-video call sila.

"Sabi mo maganda ang ratings. Bakit hindi ako pwedeng umalis agad? Ayoko ng umarte dito. Napapagod na ako sa routine naming dalawa! Ayoko na sa show na 'to! Okay?"

"Ganyan talaga ang gagawin mo porque nakapagbayad na sila?"

"Hindi sa ganoon. I think she's already falling for me."

"Matagal na nga siyang may gusto sa'yo! Diba sinabi ko na sa'yo lahat nang dapat mong malaman tungkol sa kanya? Ano bang problema mo?"

"That fact is making everything complicated." biglang may invisible knife na tumarak sa puso ko. Alam niya lang ang lahat tungkol sa akin dahil sinabi sa kanya. Malamang ang impormasyon ay galing lahat kay Ate. "I don't love her. Yes, she's pretty but you can't love a person just because of their looks!" Ouch.

Hindi niya ako mahal. Wala siyang totoong feelings sa akin.

Duon na ako naiyak pero tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya ako marinig.

"Daj, gumawa ka ng paraan na makaalis na ako dito. Ginawa ko na ang gusto mo. Pero hindi ako aabot duon sa final episode. 'Yung kailangan naming magdesisyon kung itutuloy ito off-cam. Ayokong makasakit ng tao! Ayokong isipin ng lahat na may gusto ako sa kanya kahit wala. Magmumukha lang kaming tanga sa huli kung paabutin ko duon tapos hindi ko naman pala siya gusto. Naiintindihan mo ba ako?"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at nagising sa pangangarap ko sa kanya ng gising.

Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil ang rupok ko masyado para mahulog sa kanya sa loob lang ng dalawang araw naming pagsasama sa bahay.

Kahit ayaw kong tanggapin, tama ako sa naisip kong nagkukunyari lang siya dahil nasa loob kami ng iisang bahay na may maraming mata ang nakatingin sa amin. Hindi rin pwedeng tanggalin ang suot naming lapel mic sa bahay. Ngayong nasa ibang location na kami kung saan mas lumuwag ang paggamit ng mga cameras at audio devices, lumabas ang totoo niyang nararamdaman.


OPPA SERIES V1 (Book 8): Mr. Popular [COMPLETED]Where stories live. Discover now