💖Chapter 2💖

24 5 0
                                        

Ilang oras na akong nakaupo sa pesteng restaurant na 'to at paulit-ulit na akong sinalinan ng wine ng waiter kakahintay ko sa manok na 'yun.

Ayan tuloy!

Masakit na ang ulo ko at nababadtrip na ako sa kanya kasi wala man lang siyang pasabi kung napano siya at bakit hindi siya nagpakita.

"Ma'am, would you like to order now?" 'yan ang kanina pa tanong ng waiter na 'to sa 'kin. At dahil medyo tipsy na ako, hindi ko na nakontrol ang bunganga ko at sinagot din siya ng tanong.

"Kuya, pangit ba talaga ako?"

Napangiti ang waiter. "Ma'am you're one of the prettiest lady inside this restaurant."

Hindi ako nakuntento sa sagot niya. Malamang kapag sinabi niyang pangit ako, bubuhusan ko talaga siya ng wine! I asked again. "Ka-indian-indian ba ako?"

"He probably had a reason, Ma'am."

"No! Hindi mo naiintindihan, Kuya! First date ko 'to after lockdown!" pagsisintir ko kahit alam kong wala naman siyang pakialam. Gusto ko lang naman ng may makausap ngayon. "First date ko 'to pagkatapos ng madaming taon. Pero ganito lang ang nangyari? Hindi ako sinipot?"

Napalakas ang boses ko kaya sinaway ako ng waiter. Lasing na ba ako? Baka nga. Ang bigat na ng ulo ko.

Nakaramdam din naman ako ng pagkapahiya pagkatapos kong makita ang mga judgmental na tingin ng iba pang customer duon.

Bigla na lang may lumapit sa akin. Pamilyar pero hindi ko maalala ang pangalan niya. "Sera? Are you okay?" napangiti ako nang maalala ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Travis ito.

"Travis?"

"Yeah. Uhm, I'll take care of her. Thanks." pagkasabi niya noon, umalis na ang waiter na sumasalo sa rants ko.

I suddenly felt as if I wanted to lay down right there. Inaantok ako na ewan.

"Madami ka na yatang nainom na wine." may sinenyasan siya sa likod ko na parang nanghihingi siya ng bill. "I'll take you home. Do you think you can tell me your address?"

Mas lalo akong nalungkot sa sinabi niya. "Ayokong umuwi! Gusto kong balatan ng buhay ang CrispyChik3n na 'yun!"

Natawa siya sa sinabi ko. Aawayin ko sana siya nang biglang ilapag ng isa pang waiter ang itim na leather folder kung saan nakalagay ang resibo. Pinahinto ko siya sa pagdukot sa wallet niya saka ko kinapa ang wallet sa pouch ko.

"Ikaw ba uminom niyan? Ako diba?! Ako magbabayad."

"You can pay me back later. Halika na." Inalalayan niya na ako pagkatapos niyang maglagay ng isang libong piso sa iniabot ng waiter.

Hindi ko maiwasang ma-fall sa kanya dahil sa pagiging gentleman niya. Aba, lasing na ako pero kinikilig ako sa paraan niya ng pagkakaalalay sa akin. Ang lambing pa ng pagkakatanong niya sa akin. "Saan kita ihahatid?"

"Duon na lang ako sa bahay mo, please?" unang beses kong ginawa ang kagagahang 'yun pero tinawanan niya lang ako.

Maingat niya akong inupo sa back seat nang marating namin ang kotse niya at duon kinumutan niya ako dahil nga naman ang ikli ng suot kong dress.

Magpapasalamat sana ako sa ginawa niya nang may naunang magsalita sa akin. "How is she, hon?"

Nakita kong ngumiti si Travis. "She's okay. Mabuti at nakita mo siya."

Lumingon pa ang babaeng kausap niya sa akin kaya nagkunyari akong tulog. "She's really pretty, ano? Kung hindi mo siguro siya tinulungan duon, baka tinangay na siya ng ibang masasamang loob. Saan mo nga siya nakilala ulit?"

OPPA SERIES V1 (Book 8): Mr. Popular [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon