Nagising akong kumportable ng nakahiga sa kama ko. Napalitan na din ako ng damit at amoy mabango. Ang alam ko, uminom kami kagabi ni Ate.
Siguradong siya ang nag-asikaso sa akin. Nagulat na lang ako nang maramdamang may nakayakap sa akin. Si Gigi. At nasa paanan ko si Gon. Ang kambal talaga, mukhang tumulong sila sa Mama nila para maihiga ako sa kama.
Jowa? Sinong may sabi na kailangan ko nun? I am getting enough love from these two angels at mas lalong umaapaw ang pagmamahal ni Ate sa akin pati na ang asawa niyang si Kuya Tad na nakahanap daw ng the best bunso sa akin dahil hindi sila magkasundo ng bunso niyang kapatid. Bakit ako maghahanap ng pagmamahal sa mga lalaking sex lang ang habol? My family is better than anybody else.
Paano pa kaya kung buhay ang parents namin? Edi talagang tatandang dalaga na ako? Pero kidding aside, alam kong wala na akong ibang gusto sa buhay kung hindi ang makaipon para sa retirement namin ni Ate. Iyon na lang! Iikutin naming magkapatid ang mundo at forever nila akong magiging bagahe ni Kuya Tad. Hahaha.
Dating would be my last resort. Para kasi akong napaso sa dating-dating na 'yan nang hindi ako siputin ng manok idagdag pa ang nangyari kahapon sa akin sa shooting.
Hindi naman ako totally galit sa mga lalaki. Galit ako sa mga katulad ni James at ni Manok.
And I am just probably afraid that I might met another version of those two idiots.
Kaya ngayong banned ako sa shooting, ilalaan ko ang oras ko sa mga pamangkin ko.
Sobrang tuwa nila nang pagbaba nila, may nakahanda ng pancakes sa lamesa. Si Ate rin, kumakain na ng niluto kong fried rice at tapa.
"Nasaan na ang cellphone mo, Sera?" tanong ni Ate. Ang weird ng tanong niya habang ngumunguya.
"Bakit? Aanhin mo?" tanong ko saka sumabay na sa pag-aalmusal nila.
"May sinalihan kasi ako kagabi... malay mo tawagan tayo..."
"Ano 'yun, hon? Dapat sinali mo din ako." singit ni Kuya Tad.
"Tumigil ka d'yan. May balat ka sa pwet!"
Ngumuso na lang si Kuya dahil hindi naman talaga siya nananalo sa Ate ko. Mahal na mahal niya kaya ang kapatid ko.
"Bakit number ko ba binigay mo hindi na lang number mo?"
"Oo. Ano namang masama? Saka hindi ako qualified. Sa pamilya natin, ikaw lang 'yung pasok sa banga."
"Si Ate talaga. Ang hilig mo sa ganyan. Tapos scam naman pala. Dinamay mo pa ako."
"Ipapahamak ba naman kita? Wala ka talagang bilib sa Ate mo, ano?"
I just rolled my eyes.
"Tita, nasaan nga? Ako na ang kukuha."
"Gigi? Pati ba naman ikaw?" gulat na tanong ko sa pamangkin kong parang kasabwat ng Mama niya.
"E tita, 'yan nga ang nagsabi kay Mama na isali ka dun sa ---" hindi ko na naintindihan ang mga sunod na sinabi ni Gon dahil binusalan na ni Ate ng nilamukos niyang pancake ang bibig ng binatilyo niyang anak.
Lalo tuloy akong nahihiwagaan.
Bumalik agad si Gigi sa lamesa hawak ang cellphone ko.
"Saglit lang daw 'yun e kasi niraraffle 'yung pangalan. Sana swertehin ka!"
"E ano nga kasi 'yun, Ate? Alam mo ng malas ako sa mga raf---" hindi na natapos ang sentence ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Pinindot na agad ni Gigi ang answer button pati na ang loud speaker button bago inabot sa akin ang cellphone.

YOU ARE READING
OPPA SERIES V1 (Book 8): Mr. Popular [COMPLETED]
ChickLitIt was a perfect date gone wrong. Started: 20September2020 Finished: 4December2020 All rights reserved © 2020 Oppa Series 8: Mr. Popular written by Suzie Kim