Chapter 2

5.6K 173 5
                                    

"Katrina!" sigaw ng isang matandang babae ng mamataan siyang papasok ng maliit na apartment na iyon. "Ano? Nakapag-impake ka na ba ng mga gamit mo. Aba'y kung hindi ka pa rin magbabayad, lumayas ka na dito! Tatlong buwan ka ng nganga, ha?"

Katrina stared hard at her landlady. Nakatuwalya lamang ito ng katawan at halatang maliligo pa lang. Hinigpitan niya ang hawak sa shoulder bag niya at ngumiti. 

"Magbabayad na po ako, Aling Melay. Nakasweldo na ako at kailangan ko lang iwithdraw sa bangko ngayong araw. Didiretso po ako kagad sa bahay ninyo pagkauwi ko mamaya para iabot ang bayad."

Gulat na gulat ang matandang ale sa tinuran ni Katrina. "Aba at sa wakas! Ano? Sinong lalaki ang naloko mo?"

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Katrina.

"Aminin mo na. Um-oo ka na doon kay Josie na gusto kang ipasok sa club no ?"

Natigilan si Katrina at hindi makasagot sa ibinibintang ng matandang babae ngayon sa kanya.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ko naman ipagsasabi sa mga kapitbahay kung ganoon na nga ang trabaho mo."

"H-Hindi ho...," pagtutol niya. 

"Eh ano? Saan ka naman nagnakaw ng labinlimang libong pambayad mo sa upa mo ng tatlong buwan?" mataray na tanong nito sabay taas pa ng kilay.

"Na... naka-advance po ako sa trabaho. Sige po. Mauna na ako. Dadaan po ako sa bahay ninyo mamaya!" Iyon lamang at dali-daling pumasok si Katrina sa apartment niya at nagsarado ng pinto.

Napaupo siya bigla habang nakasandal sa pinto at dali-daling kinalkal ang loob ng lumang bag. And there it was, folded in her waller was a cheque payment by the handsome, rich man na kasama niya buong gabi.

"One hundred thousand pesos," pagbasa niya sa cheque. And drops of tears suddenly fell on the paper. Fresh tears. Hindi siya makapaniwala sa nagawa niya ng nagdaang gabing iyon. She said yes and sold herself to a drunk, rich man outside a bar.

Hindi niya alam kung anong nangyari sa utak niya ng gabing iyon. All she knew was that she needed money desperately. Desperately... that's the right word. Palalayasin na siya sa apartment na tinitirhan niya ngayon at hindi siya makakatapos sa semestreng ito dahil hindi siya makabayad ng tuition niya. Ayaw niyang umuwing talunan pabalik sa probinsya dahil ipinaglaban niya sa mga magulang niya na makakapagtapos siya sa Maynila sa kursong gusto niya. And she pursued Accountancy in the leading Philippine university. Walang pera ang mga magulang niya kung kaya't sarili siyang kayod at sikap para makapagtapos.

But she also remembered the kisses of that man... it was gentle and filled with so much longing. And her heart started racing wildly again.

Nandiri siya lalo sa sarili. How can she be attracted to a man that treated her like a cheap woman? Kaya hindi na niya hinintay pang magising ito. She left the man as soon as she woke up at dinala niya ang chequeng ibinigay nito sa kanya ng gabing iyon.

Ganoon naman siguro talaga kapag desperada ka para sa pangarap.

You'll do anything just to prove to the world na kaya mong abutin iyon.

****

"Come home right at this fucking instant!" sigaw ng ama ni Aspen over the phone. He just woke up in a hotel room at hindi maalala kung anong nangyari at kung paano siya nakarating doon kagabi.

Nagising na lamang siyang tumutunog ang telepono niya sa tabi ng kama.

"You just got back from the US at puro paglalasing na naman ang inaatupag mo? Akala ko ba nagtino ka na?" patuloy pa rin ang sermon ng ama niya.

Hideaway [Completed]Where stories live. Discover now