Chapter 9

4.4K 161 5
                                    

"Sigurado ka na ba talaga, Katie?" taimtim na tanong ng kaibigang si Selena sa kanya.

Katrina was holding her documents to file for LOA.

"This means you won't graduate in the same year as us."

Tumango lamang siya sa kaibigan. Naglalakad sila ngayon papunta sa office ng admin para idrop off ang LOA request documents niya. 

"Bakit kasi ginawa mo pa 'yon? Of all men, isang dugong bughaw pa?"

"Hindi ko naman ginusto na ganito ang mangyari. It was just a one-time thing." Katrina didn't even bother telling her best friend na nakipag-sex siya kay Aspen Alcaraz for money. Baka kasi bumaba ang tingin sa kanya ng kaibigan niya. All Selena knew was she slept with him just because she was drunk and it was a one-time thing.

Selena just shook her head. Galing din ito sa mahirap na pamilya pero nagwoworking student din para lamang matustusan ang pangangailangan niya para makatapos. Nasa probinsya din ang mga magulang nito kagaya niya. Ang kaibahan nga lang, Selena was more of a fighter compared to her. At galit ito sa mga mayayaman dahil pinalayas sila noon sa lupain ng isang mayamang pamilya. 

Tumatak iyon sa isip niya kaya isinumpa niya na igaganti niya ang ama at ina sa pagkapahiyang naranasan ng mga ito noon. 

"Those rich men, all they want are our bodies. Sige nga, pananagutan ka ba ng lalaking iyan? Ibinabahay ka nga niya pero ano? Pang-sex ka lang, ganoon?" galit na galit na tanong nito.

"We're not having sex now!" tutol niya sa sinabi nito. "Pinatira lang niya ako sa bahay niya para masubaybayan. Iyon lang. We'll visit an ob-gyne later for a checkup... Alam naman natin pareho na hindi ko kayang buhayin ang batang 'to ng ako lang. Ni hindi nga alam nina Tatang na buntis ako ngayon."

"Tanga-tanga mo kasi, girl!" They both stopped in front of the admin office at mabilis na idrinop off ang documents. 

Pagkatapos niyon ay nagpaalam na si Selena dahil may klase na ito na kailangang puntahan. It was already 3PM at susunduin siya ni Aspen by 3:30 para sa doctor's appointment nila. Pero bago siya umalis ng university, bigla siyang nag-crave ng isaw. 

So Katrina went to the usual isaw place in the campus na palagi niyang pinupuntahan for merienda. 

"Kuya, tatlong stick po," order niya sa matandang lalaking nagbebenta. Marami-rami din itong kostumer ngayong araw.

"Kuha ka na lang diyan, ineng," sagot ng matanda.

So Katrina got herself three sticks of isaw at isinawsaw iyon sa paborito niyang sawsawan. She was enjoying herself ng may tumawag sa pangalan niya sa likuran niya.

"Katie, ikaw pala 'yan," the baritone voice said.

She turned around to see her friend Peter. Basketball varsity ito at mukhang may training ngayong araw dahil naka-jersey na ito. "Hi!" she greeted.

"Ngayon na lang ulit kita nakita. Parang wala ka yata sa klase the past few days," he said and smiled. "Libre kita. Manong, ako na magbabayad ng order ni Miss Ganda."

"S-Salamat," she said. "N-Nagkasakit kasi ako. Actually, kailangan ko munang mag-LOA dahil... kailangan kong bumalik ng probinsya."

"Bakit? May nangyari ba sa pamilya mo?"

She couldn't think of anything to say. 

"Katrina!" tawag sa kanya ng isang lalaking nakatingin ngayon sa kanya ng may nagbabagang mga mata.

She looked at the direction of that new voice and saw Aspen in a dashing navy blue suit. Galing kasi itong meetings sa opisina sa pagkakaalam niya. 

Hideaway [Completed]Where stories live. Discover now