Chapter 12

4.3K 148 6
                                    

"Ayos ka na diyan, Nilo?" tanong ni Ella na asawa nito habang inaayos ang pagkakahiga ng asawa sa kama. Kakauwi lamang nila muli sa bahay nila mula sa ospital. Mabilis lamang sila sa ospital dahil gustong-gusto na ring makauwi ni Nilo.

"Ayos na," sagot nito.

Nakatayo naman sa sulok ng kwarto sina Aspen at Katrina. 

"Dito rin ba yan matutulog, Katrina?" tanong ni Nilo sa anak habang nakatingin ng matalim kay Aspen.

"Uhmm, Tatang, gabi na rin kasi. Mahirap na kung magbyahe pa siya," sagot ni Katrina.

"I can sleep on the couch, Sir," Aspen answered quickly. 

Katrina just stared at the man beside her. Tatlong araw na itong nakasunod sa kanya mula sa ospital hanggang dito sa bahay nila sa probinsya. She can't help but be amazed with his perseverance to be liked by her father.

Hindi na ito naka-suit now. He was just wearing a white Uniqlo shirt and shorts na nadampot nila sa malapit na mall. Ganoon din siya. Wala kasi silang naihandang damit sa biglaan nilang pagpunta ng probinsya.

But even in casual clothes, napakagwapo pa rin nito. 

"Basta bawal kang matulog sa kwarto ng anak ko," Nilo reminded. 

"Tatang, magpahinga na kayo," Katrina answered. 

"Sige na. Magpahinga na kayo," utos ni Ella at itinaboy na ang dalawa palabas ng sala.  

And now they were left alone in the sala. Tinitigan ni Aspen ang matigas na long couch doon. Gawa ito sa kawayan. 

"Nagpresenta ka pa kasing matulog dito sa sala. Wala kaming malambot na sofa. Teka lang, bibigyan kitang kumot at unan," Katrina said and went to her room.

To her surprise, nakasunog pala si Aspen sa kanya. "Can I just sleep here?"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Tatang?"

"God, we're gonna have a baby. Ngayon pa ba nila tayo pagbabawalan?"

"Gusto mo bang palayasin ka dito ni Tatang?"

"Okay, fine. By 5am, gigising ako para makalipat sa couch para isipin nila na doon ako natulog magdamag," suhestyong ni Aspen.

"Nagigising si Mama ng madaling araw. Baka lumabas yun at makita kang wala diyan sa sala."

Aspen just groaned in annoyance. "Baka hindi ako makatulog ng maayos doon."

Katrina got a pillow and an extra blanket from the closet. "Eto! Makakatulog ka na ng maayos." At iniabot kay Aspen ang mga iyon.

****

It was already 3AM at tatlong oras na siyang nakahiga sa dilim but Katrina really couldn't sleep. Iniisip niya ang lalaking nasa sala nila ngayon na maaaring pinapapak na ng lamok. Nagi-guilty siya na nakahiga siya sa kama habang nasa kawayang upuan lamang iyon. Hindi pa naman sanay iyon matulog ng walang aircon.

At last, bilang hindi rin siya makatulog, magkukunwari siyang kukuha lamang ng tubig pero gusto niya sanang silipin ito. 

She tiptoed out of her room and quietly opened her door to go out.

Madilim rin sa sala. Maliit lamang iyon kaya kitang kita niya ang baluktot na pigura ni Aspen habang natutulog at balot ng kumot. She slowly went nearer para silipin kung tulog na ba ito.

Hindi naman ito gumagalaw so nilapitan pa niya.

"Like what you see?" biglang tanong ng natutulog na lalaki sa kanya.

She automatically stepped backward sa gulat pero nahila na kaagad siya nito para pumaibabaw. And she landed softly on his chest. 

"Anong ginagawa mo sa dilim? May binabalak ka ba sakin?" nanlolokong tanong ni Aspen sa kanya.

She shook her head and whispered back. "Iniisip ko lang kung nakatulog ka ba. Hindi kasi ako makatulog. Nakokonsensya ako na iniwan kita dito."

"Hindi rin ako makatulog. This couch is so hard," kumento nito. "And this one is hard, too." 

She felt him press himself on her to make her feel his hard-on and she softly slapped him on his biceps. "Ano ba! Umayos ka nga."

"Sorry," he said. "Can't help it."

"Doon ka muna sa kwarto ko. Lumabas ka na lang bukas ng umaga bago pa magising sina Tatang. Tara!" yaya niya at nagpatiuna na pabalik sa kwarto niya.

In the dark, she saw him follow behind her and closed her bedroom door. Maliit lamang ang kwarto niya. There was just a bed big enough to squeeze in two people. Kaya ng humiga sa tabi niya ang binata ay magkadikit na magkadikit sila.

What's worse ay nang tumagilid ito paharap sa kanya at niyakap siya.

"Ano ba!" pabulong na saway niya dito.

"What? I'm trying to be comfortable," sagot nito. "Your bed is so small. I need to find a comfortable position." His arms were around her. 

She just decided to shut her mouth dahil kapag nagsalita siya ay alam niyang ipipilit pa rin ng binata ang gusto nito. He was now hugging her firmly at naramdaman niya ang mabigat na paghinga nito. Mukhang malapit na rin itong makatulog.

"Good night," she whispered.

He didn't answer. He was already asleep.

****

"Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito sa kwarto mo!" 

The voice boomed all over the room at naalimpungatan si Katrina sa sigaw na iyon. She slowly opened her eyes to scan her surrounding. Her Tatang and Mama were standing in front of them habang nakahiga siya sa kama...

And she looked to her right and saw Aspen who was just waking up from his slumber as well. Fuck! Nakalimutan nilang gumising ng maaga. Bakit nga ba hindi niya naisip mag-alarm?

"Tang," simula niya. "Na-natulog lang naman kami."

"I  didn't do anything to your daughter, sir. I promise," magalang na sagot nang ngayon ay gising na gising ng si Aspen. 

"Bakit nakayakap ka pa sa anak ko, ha?" galit muling tanong ng matanda. 

"M-masikip po kasi ang kama. Kailangan naming magsiksikan," he briefly answered. "I'm sorry, sir."

"Binuntis mo na nga ang anak ko, tapos ngayon naman lalapastanganin mo pa siya sa sarili naming bahay?"

"I'm sorry, sir. I didn't do anything last night. I swear. I was just so tired that I fell asleep," sagot muli ni Aspen at dahan-dahang lumayo kay Katrina para tumayo. 

"Huminahon ka, Nilo," paalala ni Ella sa asawa.

"Sumama kayong dalawa sakin ngayon," anyaya ng Tatang ni Katrina. 

"Saan po tayo pupunta, Tang?" Katrina was getting nervous. Nilapitan siya ng Tatang niya para hilahin sa braso palabas ng kwarto.

"Sa munisipyo!" mabilis namang sagot ni Nilo. 

Nagkatinginan sina Aspen at Katrina. 

"Kailangan na ninyong makasal sa lalong madaling panahon! Hindi ako makakapayag sa ginagawa mo sa anak ko," may bahid ng galit na babala nito sa binatang nasa harapan nito ngayon. "Maaaring mayaman ka at may pinag-aralan. Hindi kagaya namin. Pero hindi ako makakapayag na gamit-gamitin mo lamang ang anak ko."

"S-Sir, I..." Aspen was dumbfounded. He looked at Katrina to ask for help. But even she didn't know what to do.

They can't get married. That's what they both know.

****

A/N: Dear readers, thank you so much sa walang sawang pagtatanong kung kailan ang next update? Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta. Busy lang talaga nitong mga nakaraang linggo. 

But just wanna greet everyone a HAPPY DECEMBER. Let's all make the most of this last few weeks of 2020! :)

Hideaway [Completed]Where stories live. Discover now