Chapter 13

4.4K 145 4
                                    

Nasa maliit silang dining table ngayon at nagsisiksikan doon habang seryosong-seryosong nakatitig ang Tatang niya kay Aspen.

Katrina was trying to breathe. Natatakot siya ngayon sa ekspresyon sa mukha ng Tatang niya. Mukhang hindi ito titigil sa pamimilit sa kanilang magpakasal sa lalong madaling panahon.

"I... I'll make it right with your daughter, Sir," magaling na sagot ni Aspen. "I don't think she deserves to be dragged to the city hall nang labag sa kalooban niya. She deserves a grand wedding."

Tinitigan niya ng masama si Aspen. Pinapaasa na naman nito ang Tatang niya.

He suddenly grabbed her hand at itinaas iyon. 

"Pangako ko po sa inyo. Magpapakasal kami ni Katrina. I'll make it right with your daughter, Sir. Just trust me," he announced as sincerely as he could.

Katrina gauged the reaction of her parents. Tumango lamang ang Mama niya samantalang wala pa ring reaksyon ang Tatang niya. 

"We just came from a check up bago kami dumiretso ng Pampanga. And here's the baby's ultrasound." May kinuha si Aspen sa wallet niya. It was a photo of their baby from the ultrasound. Meron pala itong maliit na kopya noon. Ipinakita ito ni Aspen sa mga magulang niya. "That's our baby, Sir. Your future grandchild. So please... kahit para na lang sa kanya. Give us time. I'll marry Katrina, Sir."

Inabot ng Tatang niya ang maliit na litrato at pinakatitigan iyon. 

Nakita niyang halos maiyak ang Mama niya sa nakita. "Congratulations, anak. Masayang masaya ako para sa'yo."

Seeing the baby changed hi father's reaction. Nakita niya ang pagkontrol ng emosyon ng Tatang niya. "Sige, pagbibigyan kita. Siguraduhin mong aayusin mo ang kasal ninyo ng anak ko sa lalong madaling panahon."

"Yes, Sir. Thank you!" 

Iyon lamang at tumayo na si Nilo at bumalik na sa kwarto  nito para magpahinga.

"Bigyan nyo pa siya ng kaunting panahon. Matatanggap din niya ang lahat ng 'to, anak," mahinahong payo ng Mama niya.

"Salamat, Ma." Napatungo na lamang siya at hinila muli ang kamay niya na hawak-hawak ni Aspen.

"Kailan kayo babalik ng Maynila?"

"We need to be back as soon as we can, Tita. Masyado na akong matagal na nawala sa opisina. I can leave Katrina here if she wants at susunduin ko na lang siya sa susunod na weekend."

"Sasama na ako sayo," Katrina said. Kailangan niyang makausap ng sarilinan si Aspen. Kailangan nilang makahanap ng paraan para hindi matuloy ang pagkukunwari nilang ito.

"O sige. Humayo na kayo at mag-ingat sa daan. Magpaalam din muna kayo sa Tatang niyo."

****

It was thirty minutes of silence on the road. Pagkakain ng panghalian ay nagsimula nang baybayin ni Aspen ang daan pabalik ng Maynila.

Katrina was silent and was calculating her first words.

"Did I do something wrong?" tanong bigla ni Aspen. "You've been awfully quiet."

She just shot him a glare. Nagtanong pa talaga ang walanghiya.

"What?" tanong muli ni Aspen.

"You just made my parents hope for something na alam natin parehong hindi mangyayari."

Aspen just shrugged. "We'll figure it out. Huwag ka ng mastress doon. Ako na ang bahala."

"Bahala saan? Kung paano natin to lulusutan? My parents are expecting us to get married. Hindi naman natin pwedeng palabasin na namatay ka kaya hindi matutuloy ang kasal. Your family is well-known and so are you!"

Hideaway [Completed]Where stories live. Discover now