Thread~01

21 0 0
                                    


• TRUTH & PAST •

Melanie,

Nitong mga nakaraang linggo, I started to avoid Kyle.

Iniiwasan ko sya dahil, I'm starting to feel that our relationship is getting deeper which is something I'm avoiding to happen. Pero kahit anong iwas ko sakanya ay palagi naman syang lumalapit sakin.

Ngayon ay recess na at naisipan kong sa library nalang dumaretso dahil wala akong ganang kumain.

Pumasok na ko sa library at hinanap ang librong binabasa namin ni Kyle noon.

Nahanap ko naman yun agad at umupo sa sahig at sumandal sa shelf at binuklat ang libro.

Habang binubuklat ko ang libro ay hindi ko maiwasang maluha. Dahil bawat pahina, bumabalik sakin lahat ng alaala namin ni Kyle non.

Pinunasan ko na ang mga luha ko at tumayo na. Tinabi ko na ulit sa shelf ang libro at naglakad na palabas na ng library.

Paglabas ko ng library ay nagulat ako ng makita si Kyle na nakasandal sa may pader at nakatungo.

Tumungo nalang din ako at dali daling naglakad papalayo pero nahawakan nya ang braso ko.

"Bakit mo ko iniiwasan?" Seryoso nyang tanong.

"H..hindi kita iniiwasan, m..marami lang t..talaga akong ginagawa" palusot ko.

Agad akong naglakad palayo.

"Sandali!" Rinig kong sabi nya.

Tumigil ako sa paglalakad pero hindi ko parin sya nililingon.

Narinig ko ang paglalakad nya papalapit sakin. Bigla nya kong hinarap sakanya.

Nakatungo lang ako dahil ayokong magtama kami ng tingin.

Nagulat naman ako ng inangat nya ang baba ko dahilan para magtama ang mga mata namin.

Bigla syang dahan dahan na lumapit sa mukha ko.

"Don't Kyle" sabi ko bago pa nya ituloy ang gagawin nya.

"Why?" Tanong naman nya.

"Just don't" sabi ko ulit at hindi ko na napigilan ang pagluha ko.

"Kung hindi talaga ikaw ang Melanie na kilala ko noon... You will let me do this" aniya.

Napapikit nalang ako sa sinabi nya.

"I love her, kaya nung nawala sya ng parang bula? Parang nawalan ng kaligayahan yung buhay ko. Pero nung nakita kita, bakit ganito yung nararamdaman ko? Sa tuwing kasama kita, parang pakiramdam ko, sya yung kasama ko? Alam kong isang taon lang kami nagsama bilang mag kaibigan noon pero, hindi nya alam na matagal na kong may gusto sakanya" aniya.

Mas lalo akong napaluha pero pilit ko itong pinipigilan.

"Bakit ko ba sinasabi sayo 'to? Hindi ka naman si Melanie diba? I'm sorry kung naabala kita. Kung ayaw mo kong kausapin, hindi na ko lalapit sayo" aniya at naglakad na palayo sakin.

Thread of Love (SERIES 5) [COMPLETED]Where stories live. Discover now