Thread~12

22 1 0
                                    


• HOPE •

Melanie,

We are going to a business trip this coming Saturday. Tatlong araw lang kami sa Egypt, we are just going to visit the famous maker of Comforters there. Duon kasi namin ino-order ang mga comforter na meron kami sa mga condominiums. Riley will be with me and some of our close share holders in the board, including the Elfanco's. Ayoko na dapat sumama pero Dad said I needed to attend the trip para mas maganda ang expression ng iba sa kompanya namin. Again, they always used me for the reputation of our company... walang pinagbago.

"Mommy hindi po ba talaga kami pwede sumama sa inyo ni Daddy? We want to explore Egypt too," Tanong ni Keraleine sakin kaya lumuhod ako para pantayan siya at yakapin siya ng mahigpit. I am going to miss my two girls.

"Gusto ko rin naman sana kayo isama kaso hindi talaga pwede dahil trabaho ang pinunta namin doon hindi bakasyon. Do you understand Keraleine? Remember you are a big sister so take care of Maiyzne for me, okay? Huwag matigas ang ulo kay yaya ha? Palagi ko kayong tatawagan, Mommy and Daddy will be gone just for 3 days at pag uwi namin may pasalubong kami sa inyo I promise. I love you so much, always remember that..." I said. Si Riley naman ay buhat buhat si Maizyne at nagtatampo din dahil hindi nga sila sasama sa amin ng Daddy nila.

"Maizyne, be a good girl habang wala kami ng Mommy mo ah? Huwag ka masyadong magpapagod and have enough rest always. Susunod ka sa Ate at yaya mo palagi okay? Maraming pasalubong sila Mommy at ako sa inyo pag uwi namin. We love you don't ever forget that..." Ani ni Riley and kissed Maizyne on her forehead. Binuhat ko naman si Keraleine at lumapit sakanila.

"Maizyne remember what Daddy told you okay? I know you both are always a good girl kaya kampante kami ng Daddy niyo na aalis. We love you both so much, saglit lang sila Mommy at Daddy doon at babalik kami agad. Syempre ma mi-miss namin agad ang mga baby namin..." I said and they both giggled which is adorable. I kissed both Keraleine and Mezyne at iniwan na sila sa kanilang yaya. Katulad ng dati ay binilinan ko si yaya sa mga bata.

Nilagay na ni Riley sa likod ang mga bagahe namin at ako naman sumakay na sa passenger seat. Kumakaway sa amin sila Keraleine sa mula sa loob ng bahay habang kami naman ni Rile ay nasa sasakyan na. We bid our waves to them at pinaandar na ang kotse.

"Your going to miss them huh? Hayaan mo tatlong araw lang naman tayo mawawalay sakanila" Rile said and held my hand again. Palagi niya ginagawa yan kaya hinayaan ko nalang siya.

"Alam mo namang hindi ako sanay na mahiwalay sakanila ng ganito katagal. Dati naman talaga hindi ako sumasama sa mga business trips natin but now pilit ako pinasama ni Dad kaya hindi ako makatanggi. Hay! They will always made decisions for me, they will never change," I said while taking out my frustrations. He just sighed.

"Well, the hopes of your parents going to change is really impossible. But it is still possible for you to set yourself free from them, I know you will. You will never give up easily" He said and I smiled at him.

"Thanks for encouraging me always Rile, what will I do without you to be honest? Baka kapag naghiwalay na tayo ay hindi na ko masanay na hindi tayo palagi magkasama." I admitted at napatingin naman siya sakin ng nakangiti.

"I thought you don't like me? Why are you saying this such things that making me hope that someday you could like me back?" He said in confusion and I chuckled.

"I never said I didn't like you Rile. I like you as a man, a friend that I know will never leave me behind" I said and he chuckled and bite his lip while looking away to me.

"Damn Mel, your giving me cringes stop it" He said and I laughed. Kinikilig ang mokong. I leaned to him and pinched his cheeks.

"Kinikilig ang isang Riley Madigan, what a rare revelation huh? How adorable of you my husband." I said at nakita ko namang natigilan siya at tumaas naman ang kilay ko.

"Bakit? Asawa naman talaga kita diba? May mali ba sa sinabi ko?" I said and he just stared at me seriously. He shook his head and remained silent for a while. Nagtaka naman ako sa inasta niya. Ano bang nasabi kong mali? Why did he suddenly changed his mood? I just ignored it and also remained silent in the whole ride.

Nakarating na kami sa airport. Riley volunteered to get our tickets kaya naghihintay nalang ako sa waiting area dito. I ordered some milk tea at binilhan ko narin si Riley na mas mataas pa ang sugar level sakin. He always wants his drinks sweet, mabuti nalang talaga at masipag mag work-out kaya hindi tumataba. While sipping my drink ay nahagip ng mata ko ang naglalakad si Kyle with his shades on, his with a unknown girl who is pretty somehow. Kyle is holding her hands while walking and they are both smiling. I guess the rumors are right, he is seeing someone already.

A felt a sudden ache in my chest. I just shook my head and looked away, baka mahalata pa niyang tinitignan ko sila at bigyan niya ng malisya. Move on Melanie, dahil siya ay nagsisimula ng kalimutan ka kaya maki cooperate ka naman. But my curiousness is killing me. Ka ano ano niya yung babaeng yun? Kaibigan niya ba or Girlfriend? Saan sila nagkakilala? Shit! stop thinking about it Melanie! Clear your thoughts for fucks sake!

Nabalik naman ako sa ulirat ng may nambatok sa noo ko. It was the one and only Riley Madigan. Sinamaan ko agad siya ng tingin, ang sakit kaya!

"Oh bakit? Binatukan kita dahil parang wala ka sa earth ngayon, saang planeta ka ba nag gagala ha?" Aniya kaya inirapan ko nalang siya at hinila na ang maleta ko at marahas kinuha ang plane ticket ko bago siya iwan doon.

"Hoy intayin mo ko! Takte ka ako kumuha ng ticket mo tapos iiwanan mo ko!" Sigaw niya at naglakad kasabay ko. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy maglakad papuntang immigration. Sinuot ko na ang sunglasses ko, si Riley ay kanina pa suot ang kanya kaya napapansin kong pinagtitinginan siya kanina pa. Ang lakas din talaga ng appeal ng lalaking 'to. I'm a bit glad na asawa ko sya. Kumbaga kung looks lang naman ang pagbabasihan naka jackpot ako.

Nakapila na kami sa boarding at nagulat naman ako ng bigla niya hatakin ang bewang ko.

"Ano ba!?" Suway ko sakanya at tinignan niya ko, kahit naka shades siya ay kita kong naka taas ang kilay niya.

"Baka iwanan mo nanaman ako eh, tsaka kanina ka pa pinagtitinginan pinapakita ko lang sakanila na off limits ka na." Aniya at binalik na ulit ang atensyon sa pila. Inirapan ko nalang siya at uminom nalang ulit ng milk tea ko. Ano ba yan paubos na yung akin. Hihingi nalang ako nung kay Rile. Nakapasok na kami sa boarding at pasakay na kami ng eroplano. The flight attendants greet us and they help us find our seat.

Umupo na kami at agad naman pinatong ni Rile ang ulo niya sa balikat ko habang umiinom ng milk tea niya.

"Rile may head rest ang upuan mo, yoon ang patungan mo ng ulo mo hindi ang balikat ko ang bigat kaya" Suway ko nanaman sakanya at inangat naman niya ang ulo niya para tignan ako ng nakataas nanaman ang kilay.

"Ayoko sa head rest,matigas. Gusto ko sa balikat mo comportable ulo ko" Sagot niya at binalik ang ulo niya sa balikat ko. Napasinghap nalang ako sa inis at hinayaan nalang siya. Bigla naman nahagilap ng mata ko ang upuang katapat namin. I was shock when Kyle is sitting there with his girl. The girl is resting its head on Kyle's shoulder and they are holding hands. Nabaling din ang tingin ni Kyle sa pwesto namin and our eyes met. Ilang segundo ang tinagal noon hanggang sa ako na ang umiwas ng tingin at agad inagaw ang milk tea ni Rile at uminom doon.

"Hoy milk tea ko yan eh! Huwag mo ko ubusan!" Puna niya at hindi ko nalang siya pinansin.

Hanggang ngayon hindi parin ako mapakali at alam kong mali ang iniisip ko.

That should be me...


***

Enjoy Reading :)

Thread of Love (SERIES 5) [COMPLETED]Where stories live. Discover now