Thread~11

23 0 0
                                    


• CUDDLE •

Melanie,

Kaagad ko naitulak palayo si Rile ng marinig ko ang tawag ni Maizyne sa labas. Nagkatanginan naman kaming dalawa ni Rile. He just smiled at me.

"Sige lumabas ka na, magbibihis na ko." He said at tumango nalang ako at dinaluhan si Maizyne sa labas. I immediately gave her a sweet smile, trying my best not to feel or look tense towards her. Baka nakita niya ang ginagawa namin ni Rile kanina!? Oh God please no. Masyado pa siyang bata para makakita ng mga ganoong bagay. Goodness! Kailangan namin mas mag ingat ni Riley sa susunod, kung posible man na maulit ang nangyari kanina.

"Sorry Baby, nagbibihis pa ang Daddy mo kasi katatapos niya lang maligo. Tara sa baba nalang natin siya antayin." Anyaya ko sakanya at binuhat siya. Tinawag ko narin si Keraleine at sabay na kami bumaba. Habang tinitirintas ko ang buhok ni Keraleine ay biglang bumalik ang nangyari sa amin kanina. It was the first time we kissed like that. Why did I respond? Why can't I stop him? Am I been longing for that? I shook my head. Ganoon na ba ang pag ka miss ko kay Kyle kaya ko hindi mapigilan si Rile kanina? I kind of felt that he is Kyle at a second. I know this feels wrong, nalinaw ko naman ang sarili ko kay Rile and I don't want to give him false hopes.

Napatingin naman ako sa hagdan ng nakita kong pababa na si Rile. Kaagad siya sinalubong ni Maizyne at binuhat niya naman ito kaagad. Sa totoo lang hindi masama na maging ama nila Keraleine si Rile, but I know they had to meet there real father when the right time comes.

"Lets go?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako at hinawakan na ang kamay ni Keraleine. Sabay kami lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ni Riley. Nagmaneho na siya at hindi ko maiwasan na hindi mapatitig sa mukha niya. Kung tutuusin ay gwapo talaga si Riley, he has this features of a playboy but he is a kind man. Bigla naman siya napatingin sakin at ngumisi.

"Stop staring at me baka bigyan ko ng  malisya yan" Aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin at umiwas na ng tingin. Nagulat naman ako ng bigla niya hawakan ang kamay ko.

"Can I hold your hand? Don't worry walang malisya to, I promise." He said and I just sighed.

"Riley-" He cut me off.

"Please Melanie pagbigyan mo na ko kahit ngayong araw lang. Gusto ko itrato mo ko na totoong asawa mo. Gusto ko maramdaman ang pagmamahal ng asawa ko kahit ngayong araw lang kasama ang mga anak ko. Could you just let me, please?" He pleaded at nanatili lang akong nakatingin sakanya. I just slightly smile and nodded at him. Kung yoon ang gusto niya ay pagbibigyan ko siya.

Nakarating na kami sa park at pagkababa namin ay kaagad tumakbo sila Maizyne at Keraleine sa playground. Nilatag ko na ang picnic blanket na baon namin sa damuhan at nilagay din doon ang picnic basket. Masaya lang akong nakaupo habang pinapanood sila Riley na nagtatakbuhan kasama ang mga anak ko. Sana nga siya nalang talaga ang naging ama nila. Masyado nang naging malapit sila Maizyne at Keraleine kay Riley, hindi ko alam kung mapapatawad nila ako sa pagtago sakanila ng katotohanan tungkol sa tunay nilang ama. I was also thinking about Franzei, seryoso ba talaga siya dito? Hindi ko alam kung sineseryoso ni Franzei ang mga sinasabi ni Riley sakanya but if she does I need to step back because Riley deserves someone like Franzei...not me.

"Guys, halina muna kayo dito kumain na tayo!" Anyaya ko sakanila. Kaagad naman sila dumalo sakin at binigyan sila ng tig- iisang topperware na may laman na macaronni salad. Pinupunasan ko naman ng pawis sila Keraleine at nang mapansin ko na pawis na pawis din si Rile ay pinunasan ko rin siya.

Thread of Love (SERIES 5) [COMPLETED]Where stories live. Discover now