Thread~19

13 0 0
                                    


• FREE •

Melanie,

Nakalabas na ng ospital si Keraleine. Mabuti nalang at naagapan namin ang pagtaas ng lagnat niya. Ilang araw narin ang nakalipas mula ng huli kami nag usap ni Kyle. Hindi ko alam kung may lakas pa ko ng loob na harapin siya. Alam na niya na may anak ako at alam kong iisipin niya na si Riley ang ama ng mga anak ko. Gusto ko sabihin sakanya ang katotohanan pero natatakot ako, natatakot ako sa mga sasabihin niya... Sa mga isusumbat niya sakin. Baka sa sobrang galit niya ay ilayo niya sakin ang mga anak ko sakin. Hindi ako makakapayag at hindi ko rin kakayanin.

"Maam! Hinuli po ng mga pulis ang Mom at Dad niyo! Nakahanap na daw po ng ebidensya na nagpapatunay na sila ay nagbebenta ng mga pekeng gamot at droga" Kaagad ako napatayo sa sinabi ng sekretarya ko sa sinabi niya. Kaagad ko tinanong kung saang prisinto sila kinulong at kaagad ako pumunta doon. Paano nangyari yoon? Hindi pa namin nabubuo ang imbestigasyon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Kasiyahan na tuluyan na ko makakawala sa mga masasamang pinag gagawa nila sa buhay ko, sa pag kontrol ng kalayaan ko, sa pagwaldas ng mana ko mula sa magulang ko, sa lahat lahat ng pasakit na naramdaman ko sa mga kamay nila. Pero kahit na sa kabila ng lahat ng yon, inaamin ko na minahal ko parin sila kahit na hindi ko sila totoong mga magulang. Utang ko nga sakanila ang buhay ko. Hindi parin nila ako pinabayaan kahit hindi ko ni minsan naramdaman sakanila ang pagmamahal ng isang magulang. Awa? Hindi ko alam kung maawa ako sa lagay nila ngayon, pero kailangan nila pagbayaran ang mga kasalanang ginawa nila sa akin at sa mga magulang ko. Nakarating na ko sa prisinto at kaagad sila bumungad sakin ng parehong naka posas ang mga kamay.

"Anak, ilabas ko kami dito. Wala kaming alam sa sinasabi nila, hindi namin magagawa yon! Naniniwala ka naman samin ng Papa mo diba? Tutulungan mo kami diba? Anak? Melanie?" Pagmamakaawa sakin ni Mom. Wala akong emosyon na pinapakita sakanila.

"Mr and Mrs. Deludyo nakasaad na po sa korte ang mga matibay na proweba na nagsisiwalat na kayo po ay nagbebenta ng pekeng gamot sa iba't ibang pabrika dito sa pilipinas. Nakapangalan sa inyo ang isang warehouse na naglalaman ng nagkakahalagang daan daang milyong droga at naabutan din po namin ang mga tauhan niyo na inaatasan ninyo na mag deliber ng mga ilegal ninyong produkto" Paliwanag ng pulis.

"Hindi! Hindi kami pwede makulong! Pinaghirapan namin ang mga pera na meron kami! Melanie ilabas mo kami dito ngayon din!" Utos sakin ni Mom pero wala parin akong emosyon na pinapakita sakanya.

"Melanie maawa ka samin ng Mom mo, paano nalang ang kompanya kung wala kami? Hindi pwedeng bumagsak ang kompanya natin Melanie-" Pinutol ko na ang sasabihin ni Dad.

"Awa? Naawa ba kayo sakin noong nag mamakaawa ako sainyo noon? Pinakinggan niyo ba ko nung mga panahon na may problema ako? Sabihin niyo nga kailan kayo nagpakita ng awa sakin? Ngayon hihingi kayo sakin ng tulong? Tinulungan niyo ba ko nung kinalaingan ko ng tulong? Hindi diba!? Oo kayo ang nagpalaki sakin pero ni minsan hindi niyo ko tinuring na anak! Puro mana lang naman na galing sa magulang ko ang habol niyo! Mom, Dad pagod na pagod na ko sundin ang mga gusto niyo, buong buhay ko palagi ko nalang kayo sinusunod... Ngayon hahayaan ko naman ako ang magdesisyon para sa sarili ko. Nararapat lang na pagbayaran niyo ang mga kasalanang nagawa niyo, nang matauhan kayo sa lahat ng mga masasamang ginawa ninyo. Sisiguraduhin ko rin na hinding hindi na kayo ang magdedesisyon ng buhay ko at wala narin kayong karapatan sa kompanya ng magulang ko. Binabawi ko na ang lahat ng nararapat sakin. Salamat sa pagiging magulang sakin Mom at Dad, hanggang sa muli nating pagkikita sana sa araw na yon kaya ko na kayo patawarin" Kaagad ko na sila tinalikuran. Paulit ulit sila nagmakaawa at tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko yon pinansin.

Nagmaneho ako papunta sa puntod nila Mama at Papa. Madalas ko parin sila dinadalaw pero natagalan lang ngayon dahil masyadong maraming nangyayari at abala ako sa imbestigasyon ni Mom and Dad. Inilapag ko ang bulaklak sa puntod nila at tinanggal ang mga tuyot na dahon na nakatabing sa lapida nilang dalawa. Nagsindi din ako ng kandila at umupo sa tabi ng kanilang puntod.

"Mama, Papa hanggang ngayon hinihiling ko na sana nandito kayo ngayon sa tabi ko. Alam niyo po ba masaya na ko po ngayon, totoong masaya na po ako dahil sa wakas nakalaya na ko. Kung hindi po sana nangyari ang aksidenteng yon hindi po sana tayo aabot sa ganito. I miss you Mama at Papa" I wiped my tears at hinawakan ko ang key chain na nakasabit sa bag ko. It was Kyle's key chain, hanggang ngayon nasakin parin ito. It always flashes a lot of our memories together.

"There's only one more person for me to be able to fully be happy. His my childhood friend, a guy that somehow become my arrange marriage fiance dahil pinagkasundo niyo kami, a student that became my friend and my companion, a man that I fell inlove with all my heart. I love him so much Mama and Papa, you managed to tie our threads together but struggles happen and it tangles us and accidentally broke us apart. I want to tie our threads together again Mama and Papa, can you please help me? I can't live nor be happy without him. He is the only one who knots my heart completely, our strings of love will be engraved by our memories. Your grandchildrens need there father, and we wanted them to have a complete family"I wipe again my tears and stood up.

"I will bring him back Mama and Papa, I love you both so much. Pagbalik ko po sainyo dito ay kasama ko na ang mag aama ko" My phone suddenly rangs at si Riley ang tumatawag.

"Hello Riley?" I answered the call.

"Melanie I already heard what happened to your Mom and Dad. I guess I should congratulate the both of us, malaya na tayo, malaya ka na sa mga kamay ng mga magulang mo. What are your plans now then? Should we break up right away then?" He said and I was a bit saddened when I heard the last words he said. He chuckled and he continues to speak.

"Don't worry matagal ko ng inayos ang annulment papers naten. Ipapadala ko nalang sayo at pirma mo nalang ang kulang doon, once you signed it were completely over Melanie. Thanks for the years that you had been my wife, you really made me feel that someone cares for me and will never leave me sad. About my feelings for you, I think I am sorting it out in the right place, and that is to stay what we have right now...as friends my Ex-wife. I already moved out our house, sa sarili ko ng condo ako titira, I will still visit our sweet babies, pamangkin ko parin naman sila kahit papaano. I am thankful that I had a chance to be there father for a short period of time, pinaramdam nila sakin kung paano ako maging ama. They still don't know the truth but I know you are the right person to tell them, I'm sure they understand because the are smart and they love you so much" He said and I can't help to smile. Riley had really become my great friend throughout the sufferings I've been though. I still felt at ease eventough I am in the tight grip of my parents.

"Riley, all I could say to you is thank you... I really mean it. You had been a great husband to me and a supportive father to my children. I wish you could spend some time with them if you have time, ipapahiram ko sila sayo kung gusto mo sila makasama. Alam ko namang napamahal narin sayo sila Keraleine at Maizyne" I said.

"Hindi ko pinagsisihan ang lahat ng ginawa ko para sainyo Melanie. Enough with the drama ang get your freaking man. Nasa airport na siya at aalis, wala na atang balak bumalik dahil akala niya nag ka anak ka sakin, yung g*go talagang yon hindi nag iisip" Kaagad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"What!? Anong oras flight niya!? Ohmygosh that man really palagi nalang padalos dalos ni hindi manlang ako binalak kausapin!" I ran towards my car and fastly turned on the engine. I said my thanks to Riley at paulit ulit na tinatawagan ang telepono ni Kyle pero hindi siya sumasagot! Damn you Kyle Elfanco!

Hindi ako papayag na iiwan niya lang kami ng mga anak niya ng ganito. I will tie you back in me my Kylie, you will never torn our strings together ever again.

***

Enjoy Reading :)

Thread of Love (SERIES 5) [COMPLETED]Where stories live. Discover now