Thread~17

17 2 1
                                    


• PAIN •

Kyle,

"Kyle sigurado ka ba talaga sa ginagawa mo? Alam ko namang walang masama sa pagtulong, pero ginagawa mo ba talaga 'to para sa kompanya o para kay Melanie?" Tanong sakin ni Dylan. Nasa bar kami ni Levi ngayon at kasama  rin namin siya umiinom. Nag-away sila ni Elyzza kaya dito siya nagpapalipas oras.

"Dylan, alam ko namang wala na kaming dalawa, itong ginagawa ko ay para lang sa kompanya. Alam kong sa oras na malaman niya ito ay maguguluhan siya, pero liliwanagin ko sakanya ang lahat. I'm starting to move forward kahit mahirap, kailangan ko tanggapin ang lahat dahil may pamilya na sila ni Rile. They have a child already, nakakatawa diba? Hindi manlang natin nabalitaan na buntis pala siya" I said sarcastically at deretso ininom ang alak na gumuhit naman sa lalamunan ko.

"Hindi mo manlang ba kakausapin si Melanie? Kung bakit hindi niya sinabi sayo ang lahat?" I sighed heavily and answered.

"Para saan pa? Para ipamukha sakin na may anak na sila ng gagong yun? Isa pa yang si Riley eh, kunyari pa na hindi siya gusto pero bibigay din pala, hindi ko siya masisisi... Hindi naman talaga mahirap mahalin si Melanie" I said and I felt the painful feeling in my heart.

Its so f*cking hurts damn it!

"Kyle kausapin mo si Melanie para maliwanagan ka, hindi yung nag a-assume ka ng mga bagay na hindi ka naman sigurado. Mas mabuti ng sakanya mismo manggaling ang mga paliwanag tsaka ka magpaka layo layo. Sa haba ng pinagsamahan niyo, I think she deserves a proper way of saying goodbye" He suggested and I scoffed a bit.

"Bakit? Nagpaalam ba siya ng iniwan niya ko? Hindi naman diba? Tsaka ano namang pakialam niya kung aalis ako? Kasama naman niya si Riley, para namang ikakamatay niya pag nawala ako" I said. Dylan just sighed and tap my shoulder.

"Kyle hindi niya ginustong iwan ka, alam mo yan. Hindi na siya nagpaalam dahil hindi ka naman niya talaga iniwan, kailangan lang niya lumayo pansamantala para sa kaligtasan mo"

"Tanginang dahilan yan! Kaya ko naman protektahan ang sarili ko, kaya namin protektahan ang isa't isa hanggat magkasama kami. Pero wala siyang tiwala sakin at basta nalang ako iniwan. Sumuko siya agad habang ako nakikipaglaban parin. Tsaka, ano pa bang silbi kung magpapaliwanag siya? Mahal pa ba niya ko? Maibabalik pa ba namin ang nakaraan na nasira na? Sirang sira na ang puso ko Dylan sa paulit ulit niyang pag iwan sakin, kung magpapaliwanag pa siya baka hindi ko na kayanin" Pag amin ko at uminom ulit ng isang basong alak, para bang kahit magpakalunod ako sa alak ay hindi maiibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Ang hirap tanggapin ng lahat. Kahit gustong gusto ko marinig ang mga paliwanag niya hindi ko magawa. Gusto ko marinig pero ayokong intindihin. Naalala ko bigla yung mga panahon na pinag uusapan pa namin ang pagbuo namin ng pamilya. Sa panaginip ko nalang pala mararanasan yon.

"Kylie gusto ko kambal ang magiging anak natin. I don't care wether it is a girl or boy, basta kambal sila" Aniya and I smiled as I hugged her.

"Bakit naman kambal ang gusto mo?" I asked.

"Kakaiba kasi ang bond ng kambal eh, I want that strong bond for our children. Alam mo ba pangarap ko mag kakambal noon? Sayang nga lang dahil isa lang daw ako nabuo sabi ni Mom. I still remember when she said that, I really miss her she become the best Mom kahit saglit ko lang siya nakasama" She said. A cupped her face and gave her a peck on the lips.

Thread of Love (SERIES 5) [COMPLETED]Where stories live. Discover now