My Bestfriend.

9 3 3
                                    

Nagbago ang lahat sa akin mula ng dumating siya. Nakalimutan ko ng maging malungkot; hindi na ako nagpapaapekto sa mga tao sa paligid ko; hindi ko na kailangan ng atensyon ng magulang ko; hindi ko na rin naisip na magpakamatay.

"Ma, san galing yan?" Kunot noong tanong ko habang nakatingin sa cute na aso, kulay ginto ang balahibo nito at katamtaman ang laki.

"Do'n sa ka-teacher ko," aniya at pumasok sa loob ng bahay.

Binalik ko ang tingin sa cute na aso at tinawag ito habang sumesenyas akong lumapit.

Pero hindi ito lumapit sa akin at nagtago ito sa ilalim ng upuan. Mukhang natakot ko 'ata.

"Oh, Anak painumin mo muna ng gatas." Inabot ni mama sa akin ang isang bilog na tupper ware na may lamang gatas.

Tumayo ako, kinuha iyon at nilapit sa asong nagtatago.

"Anong ipapangalan natin sa kanya,ma?" tanong ko pagkabigay nung tapper ware at tumingin sa kanya.

"Butchuy," aniya, tumungo ako at tumingin ulit sa cute na aso.

Sa paglipas ng panahon ay naging matalik kaming magkaibigan, hindi ko na kailangang makisama sa mga bata rito sa amin.

Ako ang nagpapaligo, nagpapakain at  naggugupit sa kanya. Kasiping ko s'yang matulog at palaging kausap. Tuwing nasa school ako ay palagi kong banggit-banggit si Butchuy sa mga kaibigan ko.

Kasama ko s'ya sa panonood ng KMJS tuwing gabi, nakatatakot kasi ang sound effect doon.

Pero dahil walang perfect na moment ay...

...nagulat ako sa nakita ko at agad lumapit. Nginangatngat lang naman ni butchuy yung charger na hiniram ko kanina sa kapitbahay.

Nalintikan na! Mangiyak-ngiyak na hinablot ko sa bibig ni Butchuy 'yong charger at tsinek iyon. Patay! Putol ang cord.

Tumingin ako kay Butchuy na galit at may luha sa mata. Kita ko sa mata n'ya ang takot.

Inis na inis ako! Pagagalitan ako ni mama at mababayaran n'ya ang charger!

"Bakit kasi nanghihiram ka pa ng charger eh may charger ka naman na?" galit na tanong nya.

"Hindi ko po kasi makita 'yong charger ko kaya po nanghiram ako," natatakot na sabi ko at hindi makatingin kay mama.

Sobrang kinakabahan ako, to the point na hindi ko na marinig ang sinasabi niya.

"Pabaya ka kasi tapos sinisisi mo pa si  Butchuy! Anong alam n'yan?" Hindi ako nakaimik.

Sa kanya ko sinasabi lahat ng hinanakit ko sa buhay. Palagi n'ya akong inaabangan sa pag-uwi. Malambing si Butchuy at hindi nangangagat hindi katulad ng dating mga aso namin.

S'ya lang 'yong kahamagan ko; palagi ko  s'yang nasasaktan sobrang cute n'ya kase. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya  sasaktan.
Palagi kase akong nanggigigil sa kanya.

Pero dumating ang araw na ayaw ko ng dumating parang normal na araw lang pero...

"Nasaan na si Butchuy?" tanong ni papa na hawak-hawak ang pakainan ni Butchuy.

Oo nga, kanina ko pa hindi napapansin si Butchuy. Hindi n'ya ako inabangan sa may gate. Kasi tuwing dumadating ako sinasalubong n'ya ako ng damba.

Kinakabahan na ako at natatakot biglang kumati ang mata ko.

Kinalma ko ang sarili ko at hindi nag-isip ng negatibo.

"Baka po nasa ilalim lang ng kama," kalmanh sagot ko kay papa.

"Tingnan mo nga!" aniya at agad kong kinuha ang flashlight at sinilip ang ilalim ng kama.

Pero wala akong nakita.

"Baka nasa taas," dagdag agad niya pa. Agad akong umakyat sa taas.

Hindi naman si Butchuy umaakyat sa taas e. Gusto ko sanang sabihin kay papa pero sinunod ko na lang.

Hinalughog ko na ang buong taas pero wala akong nakita. Hinanap ko na s'ya sa buong bahay pero wala akong nakita.

Napapaiyak na ako. Anong gagawin ko?

"Pa, wala po akong nakita kahit saan," nanghihinang wika ko.

"Hanapin n'yo sa labas," utos n'ya sa amin ni mama.

"Pupunta ako sa Tihiro." Agad lumabas si papa (roon dinadala ang mga asong nahuhuli).

Nanghihina man ay lumabas ako at hinanap si Butchuy. Tumutulo na ang luha ko. Paano kung hindi namin s'ya mahanap?

Umuwi na ako, hating-gabi na. Ang layo na ng napupuntahan ko.

"Wala sa Tihiro," bugad ni papa sa akin pagkadating ko.

"Hindi naman daw sila nanghuli ng aso," dagdag n'ya pa.

Dumeretso ako sa kuwarto at umiyak ng mahina. "Nasaan ka na ba Butchuy?" umiiyak na wika ko.

Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko kasalanan ko kung bakit s'ya naglayas, kasi naman palagi ko siyang nasasaktan, hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Pumasok ako kinabukasan na parang zombie magdamag akong umiyak at sinisi ang sarili.

"Anong nangyari?" sabi ni Jello ng makita akong tulala. Iniisip ko pa rin si Butchuy. Kasalanan ko kung bakit s'ya naglayas.

Biglang bumuhos ang luha ko. Sobra akong nanghihina at ang bigat-bigat ng dibdib ko.

"Naglayas kasi si Butchuy," mahinang wika ko, sobrang hina.

"Tulungan mo akong mahanap si Butchuy."  Parang binabawian ako ng hininga kapag nilalakasan ko ng kaunti ang boses ko.

"Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Miss na miss ko na s'ya. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na wala s'ya."

Tinapik-tapik n'ya ang likod ko." Siguro nagi-guilty ka lang kaya sobra kang nasasaktan," aniya.

Ginawa na namin ang lahat pero...
...wala pa ring nangyayari.

Pinost ko na sa facebook, naglalagay na rin kami sa mga poste ng missing dog pero wala pa rin.

Sobrang lungkot, feeling ko it's stay forever.

Ang tahimik ng bahay kapag wala s'ya. Minsan hinahanap ko s'ya pero sinasabi sa akin ni mama na wala na si Butchuy. Wala na akong kasamang manood ng KMJS; wala na akong mapagsasabihan ng problema balik na naman ako sa dati.

                         The End

One Shot CollectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora