Ang lumang gusali

3 2 0
                                    

Sa isang madilim na iskinita ay may lalaking tumatakbo, patingin-tingin si Ben sa likod, natatakot na baka may nakasunod sa kanya.

-
Sa isang banda ay nasa 'di kalayuan si  Carlo habang pinagmamasdan ang pagpatay ng kasamahan n'ya sa lalaking pinapaligpit sa kanila ng isang customer.

Naririnig n'ya ang pagmamakaawa at daing nito. "P-parang a-awa nyo n-na! Ahhh!a-aray! A-ang sakit!" Walang katapusang daing nito.

"Hahaha!" Tawa ng isang kasamahan ni Carlo na nagngangalang Justine, habang patuloy ang pambubugbog sa walang kalaban-laban nilang biktima.

"P*tang inang awa yan! Makakain ba yan?!" Sigaw ni Bongbong at buong lakas na sinipa ang biktima niya, patuloy pa rin sila sa pambubugbog.

May biglang narinig si  Carlo na kaluskos na nanggaling sa kaliwang bahagi ng kinatatayuan n'ya.  Agad s'yang napabaling doon. May nakita s'yang anino. Agad nagtungo si Carlo doon. Ngunit wala s'yang nakitang tao. Nilibot n'ya ang buong paningin sa paligid may nakakuha ng atensyon niya, isang bagay na kumikinang, natatamaan ito ng kaunting liwanag na nanggagaling sa buwan.

Kinuha ito ni  Carlo at tinitigan, isang panglalaking bracelet at may naka ukit na pangalan doon.

Ruben Jr.

Parang pamilyar ang pangalang ito, sa isip-isip niya.

Agad nagtungo si Carlo sa mga kasamahan n'ya. Hindi pa rin tumitigil ang mga ito sa pambubugbog sa lalaking wala nang buhay.

"Tama na yan," sabi n'ya sa mga kasamahan. May pahabol pang sipa at tadyak ang mga kasamahan ni Carlo bago hingal na tumingin sa kanya.

Mukhang balisa at problemado si Carlo na naging dahilan ng pangungunot ng noo ng kanyang mga kasamahan.

Iniangat ni Carlo ang kanyang kamay na may hawak na bracelet.

Nagtaka ang mga kasamahan ni Carlo,
konting katahimikan ang namayani sa kanila ng biglang basagin ni ...Justine"Nalint*kan na!" Nang nagets ni Justin ang ibig sabihin ni Carlo at nagets na rin ng mga kasamahan niya.

"Hanapin nyo!Hindi pa nakakalayo ang hayop na yon!" Nanggagalaiting sigaw ni Bugnoy, napahawak sya sa noo nya. Iniisip niya ang pwedeng mangyari kung saka sakaling kumanta ang nakasaksi sa kanilang ginawa.

Nagsitakbuhan naman sina Carlo para hanapin si Ruben. Naghati sila sa dalawa, apat sila at naiwan ang pinakang boss nila na si Bugnoy.

3days later.
Nakahiga si Ben(Ruben) sa kaniyang higaan ng may mapansin siyang dumaan sa harapan n'ya, sinundan n'ya ito at dinala s'ya sa labas. Nasa labas na s'ya, purong kadiliman ang kanyang nakikita at ang malamig na hangin ang tumatama sa kaniya. Tumingin siya sa kanan at kaliwa, ngunit wala s'yang nakita, humarap s'ya sa likod para sana bumalik na sa loob ng bahay ng mapatalon s'ya sa gulat.

May nakita si Ruben na lalaki na punit-punit ang damit at dugu-duguan. Nagulat s'ya sa nakita niya, bumalik na naman sa kanya ang pilit na niyang kina-kalimutan.

Ngunit biglang nagtaasan ang kanyang balahibo ng makarinig s'ya ng boses na humihingi ng tulong, tumingin-tingin si Ruben sa paligid ngunit wala s'yang nakitang tao, napatigil s'ya sa paglingon ng may maramdaman siyang presensya sa likod.

"Tulungan mo ako," mahinang bulong nito. Malapit na s'ya sa pagsigaw ngunit pilit n'yang pinakalma ang sarili.

"A-anong kailangan mo?" Pinagpapawisan na s'ya ng malamig at nanginginig na rin ang kalamnan n'ya.

"Ituro mo sa pulis ang pumatay sa akin. Ituro mo sa kanila," bulong ng multo sa kanya.

"A-alam m-m-mong h-hindi ko ya-yan kayang gawin!" Mahinang wika n'ya at umiling iling. Nakataya dito ang buhay ng pamilya ni Ruben.

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now