Ilista sa tubig

6 3 0
                                    

"Ano na naman  ba ang ginagawa mo?" Nakapemawang na ani Sheila.

Si Shiela ay Kabungguang balikat ko.

"Eto balat sibuyas pa rin." Naglakad na ako palayo.

Hmm, hindi ko mapigilang masaktan kapag nakikita ko s'ya na kasama ang bagong kasintahan n'ya.

Ang sakit-sakit pa rin kasi... kahit matagal na...

Dinala ako ng mga paa ko sa 'di maliparang uwak na park.
Naupo ako sa isang bench.

Naaalala ko pa ang lahat...kung paano siya nanligaw sa akin.

Bigla akong natawa ng maalala ko ang rason n'ya kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin. Ginawa n'ya pang dahilan ang pagiging maykaya ko at ang pagiging mahirap n'ya.

Sa isang kisap mata ay nagbago ang lahat at nawala s'ya sa akin.

May narinig akong chismiss na ang kasintahan  ni Alruiz (dating kasintahan ko) ngayon ay nagngangalang Lourize.

Hindi ako naniwala dahil chismiss lang naman iyon at naniniwala akong mahal pa rin n'ya ako.

Ngunit tuluyan niya ako binaon sa hukay naging masaya na s'ya sa piling ng iba, kaya dapat maging masaya na rin ako.

Kumukulo na ang tiyan ko. Dumaan ako sa 'di mahulugang karayom lugar pauwi.

--
Maayos naman kami nung umpisa. Malambing s'ya at mabait. Palagi n'ya akong tinatanong kung kumain na ako at matulog ng maaga. Palagi n'ya rin akong sinasamahan sa mga lakad ko.
Lagi s'yang nandiyan para sa akin, ako yung pinipili n'ya palagi. Mahal na mahal ko na s'ya, naranasan kong maging kompleto at kontento.

It feels like coming to a place of needing nothing yet having everything.

"Kailangan mong magpursigi, para kapag mag asawa na tayo...hindi  tayo maghihirap sa future." Hinawakan ko ang nakangiti niyang mukha, makita ko lang s'yang masaya, masaya na rin ako. Nakikita ko sa mata n'ya ang pag-ibig.

Hinalikan ko s'ya sa pisngi at bumulong,"I love you." Ginantihan n'ya ako ng yakap at hinalikan ang ulo ko. "I love you rin baby."

Ang sarap balik-balikan ang masayang nakaraan, parang kahapon lang. Nandito ako sa plaza kung saan una kaming nagkakilala at alam kong nahulog na agad ako sa kanya.

"Tara na." Hinikit ako ni Sheila at dinala sa isang Hugot Lab," ang paborito naming kainan.

Papasok na sana ako pero napatigil ako. Si Ruiz at Lou magkahawak ang kamay, seryoso sila pero kitang-kita ang saya.

Bigla akong nakaramdam ng kakaibang sakit, pinaka masakit na naramdaman ko sa buong buhay ko, parang namamanhid na ako sa sobrang sakit, tumulo na nang tumulo ang luha ko. Hinang hina na ako, nanginginig ang tuhod ko, ang bigat-bigat ng dibdib ko, hirap na hirap na akong huminga.

Gusto kong tumakbo paalis ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko, gusto ko pa silang makita kung gaano sila kasaya.

Dati nasa akin ang lahat ng atensiyon niya. Ang sakit-sakit maiwan ng walang dahilan, ng hindi mo alam kung saan ka nagkulang o nagkamali.

Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang luha ko, mula ng maghiwalay kami hanggang ngayon umiiyak pa rin ako, feeling ko mababaliw na ako sa pangungulila at sa sakit.

Inangat ko ang paningin ko sa kanila at nagulat ako ng makita ko s'yang nakatingin sa akin, may awa akong nakikita sa mata niya.

Nakita ko kung paano sya bumulong sa babae at nakangiti namang tumungo  ang babae.

Biglang may lumagitik sa puso ko. Aalis na sana ako ng may humawak sa braso ko.

Hinikit n'ya ako sa isang sulok na walang tao.

Miss na miss na kita. Gusto ko sanang sabihin ngunit alam kong mali.

Pilit akong ngumiti at nagpumiglas ng kaunti, hawak n'ya pa rin kasi ang braso ko ngunit nanghihina ang kamay n'ya.

Gusto kong hawakan at punasan n'ya ang mukha ko, gusto kong sabihin n'ya sa akin na biro lang ang lahat.

Napatawa ako, hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon ay niloloko ko ang sarili ko kahit na kitang-kita ko.

Bahagya akong nagulat ng may naramdaman akong kamay sa mukha ko at agad ako nag-angat nang tingin.

Walang emosyon ang mukha n'ya ngunit may luhang tumutulo sa mga mata n'ya.

Halo-halong emosyon ...ang nakikita ko doon lungkot, hirap, sakit, pangungulila at awa.

Bakit, sobra na ba akong nakaka-awa?

"P-patawarin mo ako," sabi n'ya ng nag-aalinlangan.

Parang may gusto s'yang sabihin pero hindi s'ya makahanap ng tamang salita.

"Ganon-ganon na lang ba 'yon!" Bigla ko nalang naisigaw sa kanya.

Nagulat din ako sa inasta ko ngunit agad kong binalik sa dati.

"Masaya ka na, habang ako halos mabaliw na sa pangungulila gusto kong sisihin ang sarili ko ngunit wala akong makitang dahilan!" Sigaw ko na halos malagutan na ako ng hininga.

Huminga ako ng malalim at tumingin ng matalim sa kanya.

"Wala kang kwenta, wala kang bayag!" Sinugod ko sya, pinag susuntok at hampas ko ang dibdib n'ya. Wala s'yang ginawa, hinayaan n'ya lamang akong gawin ang gusto kong gawin.

"Hmp, hindi ko naman sinasadya ang lahat, hindi ko ginustong mangyari ito pero wala akong magagawa dahil nangyari na. Magsisi man  ako alam kong huli na ang lahat," umiiyak na aniya

Nagugulohan ako, "anong pinagsasasabi mo? Sinasabi mo ba sa akin na nagsisisi ka dahil minahal mo s'ya? Anong dahilan yan!" Galit na sigaw ko.

Wala nang luha ang pumapatak sa mata ko, wala na akong sakit na nararamdaman. Ubos na ako, ubos na ubos na ako!

"Gustong-gusto na kitang kalimutan katulad ng ginawa mo, pero ang hirap, sa tuwing sinusubukan ko nasasaktan ako, ayoko nang masaktan. The pain is too much to take!"

"Naka buntis ako," bulong nya.

Biglang na blangko ang isip ko.

"Kaya nanlamig ako, akala ko kasi kapag ganoon magsasawa ka at iiwan ako pero hindi ka umalis." Nagsisising anya.

"Bakit hindi mo sinabi," mahinang sabi ko nahihirapan na akong huminga.

"Sabihin mo sa akin, kaya mo ba 'yong sabihin sa babaeng pinangakuan mo ng lahat."

"Mahal na mahal kita, sana ang mga nangyari sa atin at ang ating naging relasyon ay makayanan mong ilista sa tubig upang hindi ka na masaktan. Mapatawad mo sana ako sa aking nagawa." At umalis na sya.

 
                        The end

       

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now