The Sand Princess

4 3 1
                                    

Pinagmamasdan ko ang kagandahan ng paligid ng biglang may babaeng lumitaw galing sa buhangin, napaupo ako sa sobrang gulat.

"Eto na ba ang aking bagong tahanan?" Bigla itong bumaling sa akin, maganda ang kanyang pangangatawan at itsura, nakasuot s'ya ng tube, fit dress na gawa sa buhangin?

A-ano bang nangyayari sa akin? bakit ako nakakakita ng ganito? Sabi ko naman sayo Nico tigilan mo na ang pagpupuyat, kung ano-ano tuloy ang nakikita mo.

Tinitigan n'ya ako ng nagtatanong umiling lang ako, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

"Kung ganon..." bigla itong naglakad papalapit sa akin ngunit...

"Mi-miss, diyan ka lang nagkakalat ka," pagpipigil ko dito,nagtatanong itong tumingin sa kanyang likuran,

Ngunit parang wala lang sa kanya at nagtuloy-tuloy pa rin sa pagpasok sa loob ng aking bahay, napasabunot na lamang ako, magiging pabrika pa yata ng buhanginan ang bahay ko, sh*** naman.

"Hmm, eto pala ang bagong tahanan na ipinagkaloob sa akin ni ama," bulong n'ya. Huh? Bahay ko ito, hindi n'ya ito bahay.

"A-ano palang ginagawa mo dito at anong pangalan mo?" Tanong ko at kumuha ng baso para uminom.

"Ako si Sandia, Prinsesa ng mga buhangin," halos mabulunan ako sa iniinom kong tubig, ano daw? Prinsesa ng buhangin? may ganon ba?

"Ahhh," sasakyan ko muna ang kabaliwan nito.

"Ano palang ginagawa mo dito?" umupo ako sa katapat nitong upuan.

"May, misyon lamang ako na dapat gawin at kapag tapos na ay aalis na ako," nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita s'ya, sobrang ganda n'ya, para s'yang d'yosa, ang pula ng labi n'ya at makapal.

"Saan ka pupunta?" tanong ko dito ng makita ko itong palabas ng bahay, gabi na ahh.

"Sa labas ako matutulog, hindi ako sanay matulog sa higaan ng mga mortal," bago nagpatuloy sa paglabas.

Napakamot ako sa ulo ko, hayst bahala ka nga sa buhay mo, antok na ako.

"Huyy, bakit d'yan ka natulog? gumising ka nga," inis na wika ko at niyugyog ang balikat ni Sandia nakahiga s'ya sa buhanginan sa may bakuran ng bahay ko.

"Umaga na, gumising ka na," inis ko kong sabi.

"Ano bang ginagawa natin dito," tanong ko sa kanya bigla na lang n'ya akong hinatak dito sa may tulay, katanghaliang tapat.

"Tuturuan ko ng leksyon ang mga mortal na sumisira sa kalikasan," anya, nakatingin s'ya sa mga lalaking naghuhukay ng buhangin, galing sa dagat.

"Huh? Hayaan mo na ang batas na maningil sa kanila," sagot ko, ngunit hindi na s'ya sumagot.

Bigla kaming lumitaw sa mga taong nagka-quarrying, bahagya pa silang nagtatawanan.

"Sinisira n'yo ang kalikasan ng hindi naman dapat, dapat kayong parusahan!" galit na wika ni Sandia.

Biglang nagtawanan ang mga lalaki na animo'y nakikipag biruan lamang si Sandia.

Kinumpas ni Sandia ang kamay n'ya dahilan upang maglaho at maging buhangin ang lalaking halos mamatay na sa katatawa.

Pinaghalong takot at kaba ang aking nararamdaman, bahagya akong naparalisa, bigla rin tumahimik ang paligid.

Makikita mo ang takot at kaba sa  mukha ng mga lalaking halos lumuwa na ang gilagid sa sobrang pagtawa kanina. Bigla silang nagsitakbuhan ngunit isa-isa rin silang naging buhangin.

Gulong-gulo ako, hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin, papaano ang pamilya ng mga lalaking ginawa n'yang buhangin? tiyak na may pamilya ang mga lalaking iyon, yung mga anak papaano?

"Hindi ba tapos na ang problema natin?" anya, tumingin ako sa kanya ngunit wala akong makitang pagsisisi sa mga mata n'ya, parang masaya pa s'ya.


Nagulat ako ng bigla na lamang may buhangin na lumabas sa mga palad n'ya at tinapat ito sa dagat, meron s'ya malaking bola na hinagis sa tubig.

"Pa-para saan yon?" tanong ko at tumingin sa kanya ng parang walang nangyaring pagpatay, pagpatay na rin yon para sa akin.

"Tinatamad na ako ehh, kaya gumawa na lamang ako ng bola na buhangin, unti-unting dadami ang buhangin at hindi na ito uunti kahit kailan," bulong n'ya.

Pag-uwi namin sa bahay ay nagulat ako ng may malaking tao na nagpakita, mukha itong galit at bigo, may korona ito at parang hari, malaki ang pangangatawan.

Biglang yumuko si Sandia kaya napayuko rin ako sa takot na baka gawin din akong buhangin kapag hindi ako sumunod sa gusto nila.

"Ama, ano ang iyon sadya dito?" Tanong ni Sandia.

"Anak, alam kong alam mo ang pinunta ko rito hindi ba? hindi ba labag sa batas ang iyong ginawa?" malumanay na sabi ng hari, parang hindi tama na nakikinig ako sa usapan nila, ngunit natatakot ako na baka maabala ko sila sa pag-uusap kung aalis ako?

"Ngunit ama, hindi sila marunong makinig, pinagtatawan pa nila ako," malungkot na wika ni Sandia.

"Hindi ba sinabi ko sayo na kailangan mo ng mahabang pasensya, hindi ito katulad ng mundo natin anak," tumataas na ang boses ng hari.

"Bilang parusa kailangan mong manatili rito ng ilang pang kabilugan ng buwan." Bigla na lamang naging buhangin ang mahal na hari, halong frustrated at galit ang makikita sa magandang mukha ni Sandia.

              The end

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now