Siloro

3 3 2
                                    

Si Flora at Siera ay matalik na magkaibigan, hindi hadlang sa kanila kahit na Prinsesa si Siera at Alilang kanin naman si Flora sa Palasyo.

Marami silang pagkakapareho, pareho silang maganda; pareho silang may ginintuang puso; at pareho ang tinitibok ng kanilang mga puso. 

"Anong ginagawa natin dito Siera?" tanong ni Flora, bigla silang sumulpot sa hardin ng Palasyo, dahil sa kapangyarihan ni Siera.

"Shhhh," bulong nito at luminga-linga sa paligid, na animo'y may hinahanap.

Nagtaka man si Flora ay hinayaan na lamang ang kaibigan, maya-maya ay nakita n'ya si Pedro, napakagwapo talaga nito, matangkad, maganda ang pangangatawan, may dala itong malaking gunting.

Bigla s'yang napatingin kay Siera ng tumili ito," makita ko lamang si Pedro ay buo na ang araw ko, tara na." Bigla silang naglaho at napunta sa silid ni Siera.

Dumeretso sa harap ng salamin si Siera at nagsuklay ng buhok, nakangiti ito habang ginagawa iyon.

"Ba-bagay ba kami ni Pedro?" tanong n'ya kay Flora, ngumiti ng pilit si Flora at tumungo.

"Ba-bagay kayo ni Pedro..." ngunit hindi kayo pwede, dahil nasa batas ng Palasyo na ang Prinsesa ay para lamang sa Prinsipe, isang hardinero lamang si Pedro.

"Tapatin mo nga ako, may gusto ka ba sa Mahal na Prinsesa?" prangkang tanong ni Flora kay Pedro, nasa hardin sila ng palasyo.

Nagulat si Pedro at hindi alam kung ano ang tamang sasabihin.

"Oo," sagot nito.

"Ngunit alam mo ang pwedeng mangyari sa'yo at sa Mahal na Prinsesa , kung itutuloy mo ang kahibangan mo, kahit kailan ay hindi kayo pwede." Umalis na si Flora pagkasabi ng mga katagang iyon.

Walang masamang intensyon si Flora, gusto n'ya lamang mapabuti ang dalawang taong mahalaga sa kanya.
Ang Prinsesa, pwede itong ipatapon sa malayong kaharian dahil sa pagsuway sa batas, at si Pedro naman ay ipapapatay ng Hari.

Unti-unti ng kinakalimutan ni Pedro ang Mahal na Prinsesa, tama si Flora, walang magandang kalalabasan ang paghanga n'ya sa Mahal na Prinsesa, pareho lamang silang mapaparusahan.

Sa paglipas ng panahon ay nagkamabutihan si Flora at Pedro, walang tutol sa pag-iibigan nila, malaya sila, ngunit tinatago nila ito kay Siera, napag desisyonan nilang dalawa na kapag nakaipon na si Pedro ay aalis sila papunta sa ibang Palasyo.

Nag-usap si Flora at Pedro na magkita sa kanilang tagpuan, sa ilalim ng malaking puno katapat ng maliit na talon.

Naghintay si Pedro ng ilang sandali, at kalaunan ay dumating na si Flora, sinalubong n'ya ito ng halik at yakap, biglang sumulpot sa harap nila si Siera.

Parehong nagulat si Pedro at Flora.

"Anong ibig sabihin nito?" may hinanakit na wika ni Siera sa dalawa.

Magsasalita na sana si Pedro ngunit agad itong pinutol ni Siera.

"Ikaw, anong ibig sabihin nito? alam mo namang mahal ko si Pedro, anong ginagawa n'yo?" May hinanakit na wika ni Siera sa kaibigan.

"Mahal na Prinsesa, hindi naman kita mahal, s'ya ang mahal ko at isa pa hindi tayo pwede," pagsabat ni Pedro.

"Manahimik ka!" biglang tumalsik si Pedro sa pader at nahulog sa tubig, nagulat si Flora, lalapitan na sana n'ya si Pedro ngunit hindi s'ya makagalaw.

Bigla si Florang naglaho, napunta s'ya  sa dagat, naghalo ang puti at pula sa kalangitan.

"Wala kang kwentang kaibigan, tinuring kitang kapatid, higit pa sa
kapatid, pero ano ito? anong ginagawa n'yo? Alam mo namang gusto ko si Pedro." Luminga-linga si Flora sa paligid, ngunit hindi n'ya makita si Siera.

Takot na takot ang nararamdaman n'ya. Katapusan ko na ba? Naitanong n'ya sa sarili.

"Isinusumpa ko, habambuhay kang mag-iisa, diyan ka na mamatay," biglang naglaho ang boses.

D'yan ka nagkakamali, hindi ako nag-iisa.

       End.

One Shot CollectionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ