Ang misteryo ng makinilya

4 3 1
                                    

Nanunuot sa aking balat ang lamig ng sariwang hangin, nakatayo ako sa harap ng lumang bahay, pasikat pa lamang ang araw ng makarating kami sa probinsya.

Ito ang pinaka-magandang bahay na nakita ko sa buong probinsya kahit may kalumaan na ang disenyo nito.

Pagkapasok namin sa loob ay namangha ako, kahit walang nakatira ay napanatili pa rin ang kalinisan ng bahay.

"Mommy, aakyat na po ako sa itaas, saan ang kwarto ko?" tanong ko.

"Sa panghuling kwarto anak, nasa ilalim ng lamesa ang tsinelas." Agad akong umakyat at pumasok sa panghuling kwarto.

Malaking kabinet ang bumungad sa akin, kama, sofa, at lamesa, agad kong binaba ang mga gamit ko at nagpunta sa lamesa, hindi ako sanay maglakad ng walang tsinelas.

May bigla akong nakita... typewriter na nasa loob ng babasaging kahon, naalala ko ang kwinento ng mga kaklase ko, hahawakan ko na sana iyon ng marinig ko ang boses ni Mommy na tinatawag ako, "Julia, kakain na,"  bumuntong hininga ako at kinuha ang pakay kong kunin.

Bumaba na ako, naghahanda na si Mommy at Daddy ng pagkain, naiayos na rin nila ang hapagkainan, napatingin si daddy sa akin at agad akong umiwas, naiinis ako! palagi na lang n'yang kinokontra ang mga gusto ko! I want him gone!

"Dadating pala ang Kuya mo bukas ng umaga," ani Mommy bago sumubo ng pagkain.

Nakaramdam ako ng saya, finally! after 4 years, makakasama ko ulit si Kuya, he is my only brother, magkapatid kami sa Ina.

Bigla kong naalala yung typewriter, "magligpit... ka at mag hugas." Umakyat na si Mommy at Daddy sa taas, habang nagliligpit ay napatingin ako sa sala, parang may nakatingin sa akin.

Umaakyat na ako sa taas, katatapos ko lang maghugas, narinig ko ang boses ni Mommy, may pinag-uusapan sila at bahagyang nakabukas ang unang pintuan.

"Ano kayang magyayari kung malaman ni Raze ang lahat," narinig kong wika ni Mommy.

Ano ang dapat malaman ng kapatid ko?

"Ibaon na lang natin sa hukay," segunda ni Daddy.

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na sa paglalakad, masamang makinig ng usapan ng iba.

Tinanggal ko sa kahon ang typewriter at pinatong sa lamesa, naalala ko ang sinabi ng kaklase ko tungkol sa typewriter na nasa loob ng babasaging kahon, ang lahat daw ng ita-type mo doon ay magkakatotoo, pero hindi ako naniniwala sa mga ganon, sabi-sabi lang naman iyon.

"Gusto kong mawala ang daddy ko para wala ng hadlang sa mga gusto ko." I type, hindi naman siguro magkakatotoo ito.

Pagkatapos kong i-type ay binalik ko na ito sa babasaging kahon at nahiga na sa kama, maaga pa akong gigising bukas para salubungin ang kapatid ko.

Masaya akong natulog, makakasama ko na ulit ang kapatid ko, kahit ilang araw lang.

Maaga akong gumising at bumaba na ngunit napasigaw ako sa nakita ko...

Nakita ko si daddy na wala ng buhay at naliligo sa sariling dugo.

Ang gulo-gulo ng nararamdaman ko, ngunit isa lang ang malinaw, kasalanan ko, kasalanan ko ang lahat.

"Anak anong nangyayari?!" patakbong bumaba si mommy at napatakip ng bibig sa nakita.

Gusto kong sabihin ngunit natatakot ako.

Naimbestigahan na ng mga pulis, may nakapasok daw na magnanakaw, may senyales daw na nanlaban si Daddy sa suspek.

Sobrang sakit para sa akin, ang hirap tanggapin.

Hapon na ng makarating si kuya...nagtaka ako, akala ko ay umaga s'ya darating.

"Bakit ngayon ka lang anak?" niyakap ni Mommy si Kuya at gumanti naman ng yakap si Kuya.

"Pasensya na ma, may inasikaso pa ako." Agad namang tumungo si Mommy.

Kumunot ang noo ni Kuya ng makita ang caution tape sa palibot ng kusina.

"Ano pong nangyari, si Papa po?" tanong nito, biglang umiyak si Mommy, pinigilan kong mapaiyak.

"Wa-wala na ang Daddy n'yo," biglang umiyak ng malakas si Mommy, napatulala at nagulat si Kuya.

"Pa-paano?" Kinwento ni Mommy ang lahat, kahit hindi n'ya, masyadong masabi.

Nahiga na lamang ako sa kama, ang pagod ng araw na ito, ang dami kong iniisip, dapat hindi ko na lang ginalaw yung typewriter, dapat naniwala ako sa kaklase ko...

Nagpunta ako kinabukasan sa kwarto ni Mommy, manghihiram sana ako ng suklay ngunit...

Para na akong mababaliw sa nakikita ko, sinampal-sampal ko ang aking pisngi.Nanginginig ang mga binti ko at nanlalambot ako.

"Maaaa!" sigaw ko at agad lumapit kay Mommy, ayoko! hindi! "Maaaaa!" Wala na si Daddy...pati ba naman si Mommy?

Niyakap ko si Mommy at umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako, sa madalim na lugar, wala akong makita at nakatali ako.

Biglang bumukas ang pintuan, hindi ko makita ang itsura nito dahil naka-cap ito at...Ku-Kuya, alam ko ang tindig ng katawan ng kapatid ko.

"Ako nga," anya. Nagulahan ako.

"Ku-kuya ano ba? wag kang magbiro ng ganyan!" boses nagbibiro ngunit natatakot ako.

A-anong ibig sabihin nito?

Raze Pov
Mula ng malaman ko ang lahat ay nagbago ako, napuno ng galit ang puso ko, isa lang ang gusto ko, ang ipaghiganti ang tunay kong ama.

Napagdesisyonan kong pumayag sa alok nila kahit marami akong ginagawa.

Pinatay ko ang ama-amahan ko, nanlaban pa ito ngunit napatay ko rin. Nagpunta ako sa sementeryo, inubos ko ang oras at pinangakong ipaghihiganti ko s'ya, nararamdaman ko ang sakit na naramdaman n'ya ng mga panahong iyon, nung simula nagalit ako sa kanya pero ngayon, gusto ko na s'yang ipaghiganti! walang kapatawaran ang ginawa nila! kaya walang kapatawarang parusa rin ang dapat ngunit...

Mga magulang ko pa rin sila, kahit na anong mangyari, naging parte  pa rin sila ng aking buhay at kung ano ako ngayon ay dahil sa kanila.

"Alam mo ba kung anong ginawa ng mga magulang mo sa tunay kong ama?" Umigting ang panga ko.

Umiling s'ya, naawa ako, hindi dapat s'ya damay pero s'ya ang bunga, bunga ng kawalanghiyaan nila!

"Binaliktad nila ang ama ko!" Nahihirapan na akong magsalita.

"Pinakulong nila ang ama ko para maging malaya sila. Nag-cheat ang magulang mo!" sigaw ko, kung hindi dapat sa Ama n'ya, buo pa ang pamilya ko at buhay pa ang Ama ko.

Biruin mo, ikaw na nga ang niloko, ikaw pa ang nakulong, diba ang sakit?

Pinagpalit ni Mama ang Ama ko dahil mang-mang, walang alam at  maliit ang ama ko.

Para makalimutan ko na ang lahat, kahit masunog pa ako sa impyerno, ginilitan ko si Julia sa leeg, pinanood ko ito, hanggang sa mamatay, pinaghiganti na kita, Ama at ginilitan ko ang sarili ko.

                 End

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now