Ang paglaya ng alipin

2 2 0
                                    

"Jade, na-nalampasan na natin, nandito na tayo sa pinaka huli. Makalalaya na tayo," masayang wika ko, biglang nawala ang pagod ko.

"Kailangan mo lang magtiwala sa akin, poprotektahan kita hanggang sa makakaya ko, ako ang maglalabas sa'yo dito, pinapangako ko na hindi ko hahayaang masaktan ka hanggang sa aking huling hininga, " masuyong wika ni Jade, nakatitig s'ya sa akin, kaya tumitig din ako sa kanya pabalik, amus-amosan ang gwapo n'yang mukha, may mga putik, dugo at gasgas doon, hindi nakalampas sa paningin ko ang mata n'yang pagod na pagod na.

"Naiintindihan mo?" tumungo-tungo ako ng hindi pinuputol ang titigan namin.

"Sa natitirang lima, inuulit ko, isa lang ang matitira, isa lang ang makalalaya," sigaw galing sa itaas kung saan nakaupo ang Hari at mga tao sa buong kaharian.

Bigla akong nakaramdan ng takot, alam kong isa lang sa amin ang mabubuhay, ngunit nananalig ako na makakayanan naming dalawa ito ni Jade.

"Kaya natin to, makalalaya tayo, mabubuhay tayo," I encourage him as I said those words na alam n'ya impossibleng mangyari.

Biglang nagdilim ang paligid, sobrang dilim, kung kanina  ay may nakikita pa akong mga puno at mga taong nagsisigawan at nagkakatuwaan na animoy mga laruan lamang kami.

"Kailangan n'yong talasan ang inyong pandinig at paliksihin ang inyong galaw. Isa...dalawa...takbooooo."

Magkahawak kamay kaming tumakbo ni Jade, nararamdaman ko ang lamig sa kamay n'ya at panginginig, determinado akong makalalaya kami ng buhay.

"Kapag sinabi ko sa'yong yumuko ka yuyuko ka," anya habang tumatakbo kami, halos hindi ko maintindihan ang sinasabi n'ya dahil sa ingay ng pagtakbo namin at ng paligid.

Tumungo lang ako kahit alam kong hindi n'ya ako nakikita, dahil madilim nga at mabilis ang pagtakbo namin.

"Siiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii, kokak, kokak" ingay nang kuliglig at mga palaka ang naririnig namin sa paligid.

Tinalasan ko ang aking pandinig at pilit pinapalakas ang katawan kahit kanina pa ako pagod na pagod dahil sa dami na naming napagdaanan, kung hindi dahil sa kanya ay kinina pa ako patay.

May narinig akong sigaw galing sa unahan namin, "yukoo!" sigaw ni Jade, agad akong yumuko, may palasong tumama sa harapan ko. Muntik na ako.

Pagod akong tumayo muli at tumakbo na naman.

"Ahhhh," may narinig akong sigaw sa kung saan.

"Dalawa nalamang ang natitira," anunsyo ng tagapagsalita, tiyak na kaming dalawa ni Jade ang tinutukoy ng tagapagsalita.

"Nandito na tayo sa pinakadulo, kumapit ka sa bewang ko at pumwesto sa likuran ko." Utos n'ya, agad ko itong sinunod pagkadating namin sa dulo, ng tumigil kami ay halos mapaluhod ako, sobrang nanginginig ang binti ko,  sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod. Nauuhaw ako, nagulat ako ng biglang natumba si Jade.

"Ja-Jade," nakaramdam ako ng takot, a-anong nangyari, dahil madilim ay hindi ko s'ya makita, kinapa-kapa ko s'ya.

"Ja-Jade, wag mo akong takutin ng ganyan, nandito na tayo sa dulo, malaya na tayo," pagod na wika ko, natatakot na ako, hindi ko kayang mag-isa, nasanay akong nandito s'ya palagi sa tabi ko.

"La-Layana," agad akong lumapit sa ulo ni Jade, nakaramdam ako ng saya, nanghihina ang boses n'ya, hinawakan ko ang mukha n'ya.

Bigla akong napaiyak, "Ja-Jade, akala ko, iiwan mo na ako," masayang sabi ko. "Tinakot mo ako sa parteng 'yon, malaya na tayo Jade, makauuwi na tayo," masayang wika ko.

Naramdaman kong umiling s'ya dahil hawak ko ang mukha n'ya. "Ayaw mo? gusto mo dito? gusto mong maging alipin ulit? gusto mong iwanan kita dito?" nagbibirong tanong ko, tumungo-tungo s'ya.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba, parang may gusto s'yang sabihin ngunit hindi n'ya masabi-sabi.

Biglang nagliwanag ang paligid, napahawak ako sa bibig ko sa sobrang gulat at biglang tumulo ng tumulo ang luha sa mata ko, hindi ko mabanggit-banggit ang pangalan n'ya.

"Jusko! Jade," nanghihinang wika ko at niyakap ito, sobrang dami ng dugo sa katawan n'ya at sa mukha, ngumiti s'ya kahit hirap na hirap na s'ya pinahid ko ang luha sa mata ko para makita ko s'ya ng malinaw, gusto ko pa s'yang makita ng matagal ng humihinga pa s'ya dahil maya-maya ay mawawalan na s'ya ng buhay.

Ang kaya ko na lamang gawin ay ang umiyak, hindi ko na kayang magsalita, wala na rin akong lakas.

"Masaya akong mamamatay dahil natupad ko ang pangako ko." Bulong n'ya.

"Umalis ka na Layana, kailangan mo ng umalis, baka magbago pa ang isip nila at ikulong ka nila dito, mawawalan ng saysay ang pagbubuwis ko." Anya.

"Bakit mo ba ako tinataboy? gusto ko pang masilayan ka, gusto ko pang makasama ka, ayokong umalis, pinangako ko sa sarili ko na aalis ako dito na kasama ka." Umiiyak na wika ko.

"Umalis ka na, gagabayan kita, ituturo ko sayo ang daan."

"Ayoko, ayokong umalis, dito lang ako, gusto ko bago ka mamatay ay ako ang huli mong makita."

"Pagod na ako Layana, gusto ko ng magpahinga, maawa ka sa akin."

Tumayo ako kahit ayokong umalis sa tabi n'ya, pasuray-suray akong naglalakad papalapit sa malaki at itim na kabayo, pinahid ko ang mukha ko na puno ng luha at dugo.

May mga bagay tayong ayaw gawin ngunit kailangan.

Sumakay ako sa kabayo at agad na umalis, hindi na ako lumingon pa, baka magbago pa ang isip ko at hindi na ako umalis.

Malamig ang simo'y ng hangin, matataas na puno ang aking nakikita sa paligid, tumigil ako sa ilog na  nadaanan, tinali ko muna ang kabayo sa malapit na puno, para makapahinga at makakain na din s'ya ng mga damo.

Nagpunta ako sa ilog, naramdaman ko ang lamig nito ng maghugas ako ng kamay at mukha, malapit ng magdilim, magpapahinga na muna ako bago maglakbay, malayo-layo pa ang lalakbayin ko. Pakiramdam ko wala na akong kaluluwa, naiwan ko na ng sapilitan akong umalis.

"Huh!" Napanaginipan ko si Jade, magkasama daw kaming umalis, ngunit nakaramdam na naman ako ng sakit na nauwi sa pag-iyak. Jade, miss na miss na kita.

Maaga kaming naglakbay, nakaramdam ako ng takot ng biglang, nagwala ang kabayo at nahulog ako sa batuhan, ang sakit ng katawan ko. Nagtatakbo ang kabayo, paano na ako, iniwan na naman ako. )

                             The end

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now