Red Pen

2 2 1
                                    

"Wala namang kwenta 'yang ginagawa mo!" inis na pinunit ni Mayumi ang papel na naglalaman ng sinulat ko.

"Basura naman 'yan! at ikaw pabida ka nanaman!" sigaw n'ya.


"Nag-aaksaya ka lang ng ballpen at papel! Simula pa lang, pangit na!" Pinunit ni Mayumi sa harapan ko ang kwentong pinaghirapan ko, ba-bakit ginawa n'ya ito?

"Akala mo sisikat ka, dahil sa walang kwentang pagsusulat mo, for your information mga magaganda at may utak lang ang sumisikat, hindi mga pangit, kaya itatak mo d'yan sa kokote mo na, hindi ka sisikat! Mga hateful words lang ang maririnig mo sa mga tao, kasi pangit ka, bobo at ang pangit ng story mo." Tinapon n'ya ang punit- punit na papel  sa mukha ko.

Hindi ko na napigilan ang umiyak, ang sasakit ng mga salitang sinabi n'ya, nagpapaulit-ulit ito sa utak ko.

Ang arte-arte mo naman Zhyleen, normal lang 'yan sa mga manunulat, lahat naman siguro ng mga manunulat , naba-bash, naiinggit lang si Mayumi sa'yo. A-ano namang kakainggitan ni Mayumi sa akin kung nasa kanya na ang lahat?

Walang kwenta! Basura! Pangit! Bobo! Umiling-iling ako, mawala ka na! tama na! Naglakad ako papunta sa kusina, kinuha ko ang kutsilyong nakapatong sa lamesa, hinawakan ko ng mahigpit at tinapat sa palapulsuhan ko.

Ayoko na, sawang-sawa na ako, ang sakit-sakit na. Susunod na ako kay Mama at Papa, miss na miss ko na sila, ayoko na dito, puro sakit at paghihirap ang nararanasan ko.

Gagawin ko na sana ng marinig ko si Mayumi. "Ano na nanaman yang inaarte mo, ha? Magpapakamatay ka? Sige, pero wag dito," anya bago umalis.

Natauhan ako, ayokong magpakamatay, hindi ko alam kung saan ako mapupunta, kung sa impyerno ba o sa langit, pero kapag nagpakamatay daw deretso sa impyerno, yiee, paano ko naman makakasama si Mama at Papa kung sa impyerno ang bagsak ko? Mas mahirap pa sa impyerno kasi masusunog ang kaluluwa ko.



Pumunta ako sa palengke, inutusan ako ni Aunt Cean na bumili ng mga gulay at prutas. Nagtaka nga ako kasi tuwing umaga n'ya ako inuutusan, pero ngayon hapon, lanta at napagpilian na ang mga gulay kapag hapon na, hindi ko talaga minsan maintindihan ang trip ni Aunt Cean.

"Neng, wag mong pisilin," agad kong binitawan ang kamatis na hawak ko. "Pasensya na po Aunt," sagot ko, hindi ko naman pinipisil, hinawakan ko lang.

"Neng, tabi naman, nakahara ka sa daan." Agad akong napatabi.

"Pasensya na po Aunt." Napatingin ako sa walang emosyong mukha ng matanda, ngumiti lang ako ng nag-aalangan.

Marami kasing tao kapag hapon, dahil bagsak presyo na ang mga bilihin sa palengke. May nadadaitan akong malagkit at may naaamoy akong kakaiba.

Pagkatapos kong makabili ng mga gulay ay nagpunta ako sa mga frozen food, paborito kasi iyon ni Mayumi.


"Isang kilong tender juicy po, tatlong tocino, ham at longgonisa." 'Yan ang mga kinakain  ng maldita na iyon, mga unhealty foods, sapilitan pa sa gulay.

Napatingin ako sa kalapit kong ale, nahulog ang isang libo galing sa bulsa n'ya, hindi ako nagdalawang isip na pulutin iyon at kinuhit ang matanda na abala sa pagpili ng frozen food din, ngunit nagulat ako ng iyon din ang matanda sa gulayan.

"Aunt, nahulog 'yung pera mo." Tinitigan lang ako nito ng seryoso, parang hinuhusgahan ako, pangit ako pero hindi naman ako magnanakaw.



"Pwede mo ba akong ipagdala?" anya agad akong tumungo, mukhang mahihirapan ako, nakakaawa naman ang matanda,

Ang bigat, nangangalay na balikat ko. "Kaya mo pa ba, Hija?"

"Oo, naman po hehe," nakangiti kong tugon.

"Aunt, ano pala pangalan n'yo?" nahihiyang wika ko, baka isipin n'ya na piling close ako.

"Cean."

"Whoaa, talaga po, Cean rin pangalan ng Aunt ko," masaya kong tugon.

"Talaga," walang emosyong wika nito.

"Opo, hehe," bigla akong nagka energy at nalibang.

"Ganyan talaga minsan nagkakapareho ng pangalan ang mga tao," seryoso  anya, tumungo-tungo ako, dati nga may dalawa akong kaklaseng kapangalan ko.

"So kilala mo na ako," nakangiting anya.

Ngumiti ako, "Cean po," sagot ko, biglang bumalik sa pagiging walang emosyon ang mukha nito.

"Hala! Aunt may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" nag-aalalang tanong ko.

Umiling lang ito.

"Gusto mo bang maging manunulat?" Umiling ako na tila takot.

"Hindi po, hehe, para lang sa magaganda iyon at matatalino," nakangiting sagot ko, hindi na ako naapektuhan, dati lang yon.

"Sino nagsabi n'yan sayo?" kunot noong tanong nito, umiling lang ako, kahit na ganon kasama si Mayumi, mahal ko ito dahil sila na lang ni Aunt ang pamilya ko.

"Kung sino lang, hehe."

"Wow! Bahay mo ba ito Aunti?"gulat na tanong ko

"Pasok na tayo, alam kong kanina ka pa pagod." 

Pagpasok sa loob ng bahay ni Aunt parang pumasok ako sa museum, ang daming mga lumang gamit.

"Aunt, bakit ang daming typewriter?" tanong ko.


"Ahh, iyan mga bigay ng tagahanga ko noon," anya, nanlaki ang mata ko,

"Manunulat ka ba dati Aunt?" tanong ko.

Tumungo lang ito. "Talagaaa!" sigaw ko, Wow! Ang saya, biruin mo yon, nakatagpo ako ng isang manunulat.


Hinawakan n'ya ang balikat ko at tumingin sa akin ng seryoso.

"Ang pagiging manunulat ay wala sa itsura, kung hindi nasa puso mo ang pagiging manunulat." Sandali n'ya akong iniwan at pagbalik n'ya ay may dala na s'yang kulay pulang kahon, kumikinang kinang pa ito.

"Sa tingin ko ay natagpuan ko na ang karapat-dapat para rito," anya.

Binigay n'ya sa akin ang kahon, ingat na ingat ko itong binuksan, napahanga ako, kulay pulang ballpen at kumikinang kinang pa ito.

"Para sa akin ba ito?" Paglingon ko ay halos mahimatay ako.

"Aunt Cean, ba-bakit ka nandito nasaan si Aunt Cea--" Ngunit nagulat ako ng magbago ang itsura nito,

Ibig sabihin si Aunt Cean at si Aunt Cean sa palengke ay iisa.

                           The End 

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Oct 13, 2020 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

One Shot CollectionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt