Edited part...
Lucas POV
Pinakiramdaman ko ang aking sarili, feeling ko sobrang init ng loob ko, skbrang bigat din ng katawan ko na parang binugbog ng ilang tao. Hindi ko na kaya ang init na 'to, ramdam kong pinagpapawisan na rin ako dahilan upang hindi ko din maibuka ang mga mata ko o maigalaw man lang ang daliri ko. Teka─ano bang nangyayari? Huwag mong sabihin nasa impyerno ako? So dito ako napunta? Tsk hindi na dapat ako magulat sa mga kasalanan ko noong nabubuhay pa ako tinanggap ko na, na hindi talaga sa langit ang bagsak ko kung hindi sa impyerno. Naputol lang iniisip ko ng may marinig akong ingay.
Tok Tok Tok
What? Bakit may kumakatok? Perhaps nasa isang kwarto ba ako dito sa impyerno?
Tok Tok Tok
For another time kumatok ulit. Gusto ko sanang magsalita kaso hindi ko pa kayang ibuka ang bibig ko.
"Kapatid?" at nag salita na ito, base sa tinig isa itong batang babae? Anong ginagawa ng bata sa impyernong ito? Akala ko ba yung mga bata hindi napupunta dito kasi mga inosente sila? At saka kapatid? Kailan pa ako nag kapatid na babae? Sa pagkaka-alala ko lalaki ang kapatid ko at matagal na siyang namatay.
"Patawag lady Sophia pero pinagbabawalan po ng heneral na may bumisita kay young Master Rex" Sabi ng isang boses lalaki sa pinto. Ngunit wala talaga akong maintindihan. Sino ba yung young Master Rex? At Sophia? Wala akong kilala sa mga ito.
"Hindi ninyo naiintindihan! Kailangan kong puntahan ang kapatid ko at painumin siya nito kasi ito yung lunas sa lason na nasa katawan niya at kung matatagalan pa ay baka mawala na nang tuluyan ang kapatid ko!" sabi ulit ng batang babae.
"At sino nagsabi na pwede mong gawin 'yan Sophia?" may narinig ulit akong bagong boses.
Third person's POV.
"At sino nagsabi na pwede mong gawin 'yan Sophia?" sabi ng lalaki. Kaya napalingon silang lahat dito, agad namang nagbigay galang ang mga gwardyang inutusan ng heneral na mag-bantay kay Lucas.
"Kapatid" bigkas ni Sophia sa kapatid niya. Ito ang ikalawang anak ng heneral na ama nila.
"Wala kang karapatang tawagin akong kapatid dahil wala akong kapatid na kasing-hina at walang kwentang kagaya mo!" nangdidilim ang expression nito. Kahit mabigat ang kalooban ni Sophia dahil sa sinabi ng kapatid niya ay hindi niya pinahalata na naaapektuhan siya dito. Sobrang sanay na siya sa ugali nito kahit na ang kapatid niyang si Rex ang unang anak ng heneral ay ganon din ang ugaling pinapakita sa kaniya, pero hindi niya magawang magalit o kamuhian ang mga ito dahil sila lang ang meron siya. Pero kahit magkatulad ang ugali ng dalawang magkapatid hindi pa rin ibig sabihin non ay magkasundo ang dalawa. Sa totoo niyan, magkaaway ang dalawa niyang kapatid. Nag-aaway sa posisyon ng kanilang ama. Laging nagku-kompetinsya kung sino ang malakas o kung sino ang matalino. Sa madaling salita parang mga bata tsk.
"Patawad young Master Jico pero gusto ko lang ibigay ito kay young Master Rex dahil ito lang ang gamot sa lason na nasa katawan niya. Hindi pa siya isang master rank kaya hindi kaya ng katawan niya ang ganoong lason" deretsong sabi ko. Hindi alintana ang matatalim niyang titig sakin kasabay nang pananatili ang aking postura upang ipabatid na hindi ako naapektuhan sa awrang pinapalabas niya.
"Hah! Lapastangan! Anong karapatan mong magbigay ng kahit ano dito? Isa kalang anak ng walang kwenta mong ina!"
Napayuko nalang ako sa narinig, gustuhin ko mang magalit at sumbatan siya ay hindi ko magawa. Anong laban ng labing-tatlong taong gulang na bata? Pinipigilan kong huwag umiyak, ayaw kong magmukhang mahina. Dahil buong buhay ko dito ay ganito laging nangyayari kahit na ang aking ama ay ganon din ang turing sakin. Hindi ako pinapaburan nito dahil isa akong babae. Dito sa mundo kung saan lalaki ang mas angat.
Nang sinubukan kong iangat ang ulo ko para humarap ulit kay Jico, nabigla nalang ako ng isang sampal ang ibinigay niya sakin. Sa lakas ng sampal niya ay napaupo ako habang hawak-hawak ang pisngi ko, dahil dito hindi ko na napigilang umiyak. Nakatingin ako sa mga gwardya at lahat sila ay nakatayo lang na parang walang nakikita o naririnig sa mga nangyayari.
Lumapit si Jico sakin at handang saktang ako ulit.
"Anong kaguluhan jto?" binalot ng pagka-bigla ang buong sistema ko sa boses na umalingawngaw sa buong bahay ngunit hindi maikaila kung paano rin manginig ang katawan ni Jico sa pagkagulat.
Lucas POV
Walang gana akong nakatingin ngayon sa kanila. Habang sila naman ay parang nakakita ng multo dahil sa takot ang nakikita ko sa mga mukha nila.
"Again, bakit kayo nag-iingay sa labas ng kwartong ito?" mahinahon kong sabi sa kanila pero kahit na ganon pinaparamdam ko parin sa kanila na hindi ako na sasayahan sa mga pinagagawa nila.
"Kapatid!" napabaling ang tingin ko sa batang babae na naka upo sa sahig. Kita ko din ang pamumula ng kabilang pisngi nito.
"P-paanong n-na gising k-kana?!" Sabi naman ng lalaking nakatayo sa tantya ko isa o dawalang taong gulang na mas bata ito sa akin. Paano nga ba ako nagising?
Flashback
Habang nakikinig ako sa kanila ay pinipilit kong gumalaw. Sa kagustuhan kong makagalaw ay nakaramdam ako nang parang isang enerhiyang bumalot sa buo kong katawan, naiibsan na rin ang sakit na kanina ay tuluyan na ngang nawala; ang sakit na naramdaman ko. Hanggang sa naimulat ko na ang aking mga mata.
Bumungad sakin ang madilim sa paligid. Tinignan ko ang aking mga kamay at nagulat dahil maliit ito at sobrang bata? I mean, hindi naman as in pero bata pa ang kamay na 'to eh. Sa edad 25 years old, hindi na ako mag-eexpect na ganito ang mga kamay ko dahil sa klase ng trabaho na meron ako ay talagang masasagad ang balat ko. Ngunit kung titignan ko 'to, para akong mayamang binatilyo na sobrang inalagaan at kahit mainitan ay bawal tsk. Pinakiramdaman ko ang aking paligid at ramdam kong ako lang mag-isa sa silid na ito. Maya pa'y sinubukan kong bumangon at nagawa ko ngang bumangon. Sinubukan ko ding suriin ang paligid, ang ini-imagine ko'y nagbabagang paligid ay nag iba. Nasa isa akong kwartong mas higit ang malawak kaysa totoo kong kwarto. Kakaiba din ang desenyo na parang medieval era ang tema. Kakaibang structure at interior sa gilid. Nakapukaw ng aking paningin ang isang wide mirror kaya sinubukan ko ulit na bumangon at tumayo. Nagawa ko naman ito ng walang kahirap-hirap saka lumapit sa salamin. Doon nabigla at nanlalaki ang matang nakatingin sa reflection ko mismo. At bigla na lang may mga imaheng lumilitaw sa isipan ko na para bang mga alaala. Hindi lang 'yon, napakadami pa, kaya hindi ko mapigilang hindi magulat sa nalaman.
"A-anong......"
Pak
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa narinig. I almost forgot na may nag-aaway pala sa labas ng silid na 'to. Mabilis akong pumunta sa pintuan para buksan ito at tuluyang lumabas.
End of flashback
Doon nga nakita ko ang lalaki na papasugod doon sa batang babae. Alam ko naman kung bakit namumula ang pisngi ng bata dahil iyon sa lalaking ito.
"Young Master Rex!" Sabay sabay na sabi ng mga lalaking naka-armor na parang mga knight. Agad silang lumuhod nang ibaling ko ang tingin ko sa kanila. Ramdam ko ang takot ng mga ito. Saan naman sila natatakot o nararapat na itanong ko ay kanino? Ngunit sa anong dahilan?
"Young Master Rex" tinignan ko ang batang nagsalita kahit hindi ko alam kung ako ba ang totoong tinutukoy niya. Nanahimik lang ako at hinintay ang sasabihin niya, kita ko dmrin kung paanong manginig ito ng makasalubong ang paningin namin. Kahit na pilit niya itong tinatago ay pilit itong isinisigaw ng kanyang mga mata.
"Paumanhin sa gulong ginawa namin young Master Rex pero andito ako upang ibigay sayo ang gamot para sa lason na nasa katawan mo . Pero sa nakikita ko maayos na ang iyong kalagayan kaya naman ipagliliban ko nalamang ito, patawad sa pang-gugulo ng tulog mo kapatid" sabi niya. Nagulat naman ako dahil hindi ko ini-expect na ganon ito ka-pormal pero syempre hindi ko lang ito pinahalata.
"Pumasok ka" sabi ko at tumalikod pero ramdam kong walang sumunod kaya humarap akong muli.
"Ang sabi ko pumasok ka Sophia"
To be continue......

YOU ARE READING
Tales of the Son's General✔️
AdventureLucas died because of the betrayal of his friends. He is a trained killer which is known as assassin. they are paid to kill but of course he does not kill just anyone he always makes sure that the sins of the person he kills are serious. He is not l...