•9•(show off)✔️

1.1K 118 3
                                    

***

Third person POV

Sa loob ng isang silid na tinatawag nilang HMO o head master office ay nandoon si Rex kakadating niya Lang dito sa academy, tinayo Ang academy sa isang island na tinatawag na Zirgun island at malayo ito sa territory nila o kahit sanibang bansa. at Ito siya ngayun nakipag titigan sa taong naka upo ngayun sa gitna. Kanina noong papasok nasa ay dito siya agad napunta, Sa tingin Niya ay Ito ang head master Ng academy kaya yumuko siya sandali at nag pakilala.

"Greetings I am Rex aléxein Aeneas from Toirer territory" pormal niyang pakilala ang matandang lalaki Naman ay tumango Lang na parang Hindi na nagulat ng Makita o malaman Ang pangalan ni Rex sapagkat dahil Ina anaasahan na Niya talaga Ito. Namamangha lamang siya dahil sa aking lakas Ng batang Rex Hindi niya mawari Kung anong antas na Ito dahil parang may nakaharang dito upang Hindi Niya makita ang profile ni Rex.

Rex POV

"You're one year late Young Master Rex so Alam Kong Alam mo na Ang patakaran Ng academy nato" Sabi Niya kaya tumango na Lang ako kahit Hindi ko sure kung alam ko nga ba?. Kahit ganon nanatili lang ako at hindi nag salita.

Tumayo Ito kaya tumayo nadin ako nakatingin Lang ako sa kaniya. Council yes he is one of the council sila yung nag ti-train sa mga studyante na may kakaibang katangian.

"Sumunod ka sakin" Sabi Niya at agad na nag lakad palabas kaya walang ingay Lang akong sumunod. Habang nag lalakad ay napansin kong walang katao-tao sa paligid siguro dahil nasa kaniya-kanya silang silid aralan ngayun, oras Ng klase kasi, kaya malaya kong nakikita ang magagandang desinyo ng academy nato. Napuntahan ko nato noon nong naglalakbay ako. Pero hindi ko magawang makapasok dahil may barrier silang nilagay.

Napatingin ako kay hmmm wait Hindi ko pa Alam ang pangalan niya. I realized na ako Lang pala ang nag pakilala kanina at siya naman ay hindi pa. Pero dapat diba na mag pakilala siya? How rude.

"Walang mag to-tour sayo dahil sa kadahilanang walang nag volunteer na students o kahit na mga guro. Kaya Wala akong magagawa pa at kailangan kitang ilibot sa buong academy bago Tayo tumungo sa test room."Sabi niya.

"alright head master..."

"Oh! my bad I'm sorry if I didn't introduce myself anyway I am Louis griltz Head master of this academy" pakilala Niya kaya tumango nalang ako. Nag iba bigla Ang tuno nito. Pero tumalikod na siya ulit.

Nag simula na kami ulit mag lakad. Nilibot nga namin ang academy pero dahil nga Ang lawak nito at Kung mag lalakad  Lang kami ay baka abutan kami ng isa o dalawang araw kakalibot lang nito yup ganon kalawak Ang academy. Kaya gumamit kami ng tinatawag nilang mind control engine o yung gamit na lumulutang gamit lamang Ng isip na kumucontrol dito ay pwede mo n Ito gamiting sasakyan kaso nakatayo ka nga lang hassle kasing umupo madulas.

Bawat madadaanan naming lugar ay klaro niyang eni-explain sa akin. South Kung saan naka locate ang classrooms, practice area, cafeteria, school clinic, then sa North Kung naka locate ang arena Ang Sabi niya dito daw hiniheld Ang lahat ng event mapa leveling man o occasions. Then West dormitory one for girls and one for boys. Last is East forest zone dito ginagawa Ang mga tast o dito din makukuha Ang mga gagamitin sa pag gawa ng halamang gamot pero kung iniisip nyung simple at payapa Ang gubat na Ito diyan kayo nag kakamali. Dahil nandito din ang mga wild beast the rare one. Hindi basta bastang hayop ang nakatira dito I heard na Ang may Ari Ng academy mismo ang nag lagay ng mga Ito dito that I don't know why.

"Bakit may mga deadly beast sa forest zone? Hindi bat mapanganib ito Lalo na sa mga ordinary students?" I asked curiously. Humarap naman siya sakin.

"Then kailangan mong mag survive"sagot nito kaya kumunot Ang noo ko.

"survive? Hinahayaan nyu ang mga Bata dito na mamatay lang?"

"syempre hindi" huminto Ito at humarap sakin.

"lahat ng nakapasok dito ay may potential sa pakikipag laban at pwede pang lumakas at tyaka anong bata? Hindi na kayo mga bata nasa tamang edad na kayo para mabuhay Ng kayo lang" seryosong sabi nito.

"Sa tingin mo ba mabubuhay ka sa gubat o sa labas Ng academy nato kung hindi mo alam kung paano ipagtangol Ang sarili mo? Andito kayo para hasain Ang mga kakayahan nyu kaya walang Lugar Ang takot kung gusto mong mabuhay" yeah his right. Kung patuloy mong tatakbuhan Ang problima at takot mo sa huli talo ka parin. Kasi hindi mo sinubukang luban. Anong silbi na mabuhay Kung nabubuhay kalamang sa takot?

Hindi na ako sumagot dahil tumigil na ito sa isang tabi at humarap sa isang malawak na pintuan. Double door

"Andito na tayo sumunod ka sa akin" Sabi niya kaya sumunod na Lang ako sa kaniya. Pag pasok ko ay agad na sumalubong sa akin Ang nakakasilaw na liwanag. Kaya bahagya akong napapikit pero sandali lamang Ito dahil madali Lang akong maka adjust sa liwanag.

"Ngayun malalaman natin kung hangang saan Ang kaya mo young master Rex" sabi ng tinig na Alam kong Kay HM Louis Yun kaso Hindi ko na siya mahagilap. Nilibot ko Ang aking paningin. Napagtantong nasa isang silid ako pero puro puti lang ang makikita mo mapa sahig,dingding,o kisame ay puti.

Pinakiramdaman ko Ang aking paligid. Alam ko Ang mangyayari ngayun. Show off  yan Ang tawag nila dito parang exam ganon. Pero dahil nga nasa kakaibang mundo ako expect na nahindi Ito magiging madali.

Maya-maya lang ay may naramdaman akong papalapit sa akin. Kaya iniwasan ko Ito. Arrow woah! Muntik na ako doon ah? So ito yung exam na sinasabi nila?

Ilag Lang ako Ng ilag sa mga lumilipad na mga pana. Lahat Ng iyon na saakin lamang nakatutulok at patungo. Hangang sa dumami na ang. Arrows kaya mabilis akong kumilos para makaiwas kasabay non Ang pag Bali ko sa mga pana kaya habang tatagal ay paunti unti Ang umaataki sa akin

Nang matapos Ang nakakamatay na arrow attack napalitan naman mages elements. Nagulat pa ako pero hinayaan ko nalang. Nag concentrate muna ako ererelax ko muna ang sarili ko.

Unang lumabas Ang land o sand element kinulong ako nito nang buhangin na may lupa? Pinigilan ko munang huminga para Hindi ko malanghap ang buhangin. Subrang lakas nito na nahihirapan na akong makalabas. But this is not my end. Hindi ako nag palakas para lang bumagsak sa exam nato.

Tinipon ko ang energy sa kanang kamay ko at lumikha ng magic circle at blinlock ang buhangin. Unti unti Kong nilakasan Ang magic ko kaya unti unti din nitong inaalis Ang mga buhangin na nasa paligid ko. Nang mawala na ay agad akong gumawa ng panibagong magic circle at lumabas sa kamay ko Ang ice element power ko kaya ginawa Kong yelo Ang buong paligid para Hindi na maka labas Ang buhangin. Ano nga bang Laban Ng buhangin sa yelo? Magiging solid Ang buhangin kaya mahihirapan itong gumalaw.

Third person POV

Nagulat ang mga guro na nadoon na nakatingin ngayun kay Rex ganon din Ang head master Ng academy. Hindi nila alam na kaya nitong gumawa Ng yelo. Naguguluhan sila Kung paanong meron nitong si Rex Isa siyang warrior kaya iniisip nilang lakas Ang gagamitin nito para sa show off. Ang show off ay exam na ginagawa Ng mga bagong students na mag aaral dito. Dito din binabasihan kung anong class ka ilalagay talo man o panalo.

"Impossible!" Sigaw Ng isang guro kaya napatingin ulit sila Kay rex at Ganon din ang reaction nila.

"P-paanong..."

"Ice and fire!!" Sigaw ulit Ng isang guro. Tutuk na tutok sila sa nangyayari sa loob ng test room na iyun. Nagulat sila ng ilabas ni Rex sa kabilang kamay Ang ice at sa kabila naman Ang fire element.

"Hindi ma aari! B-blue! Blue flame!!"

Blue fire element ay matagal nang nawala sa mundo nila matapos mamatay ang huling taong nag tatagalay nito Wala din itong naging anak o kapatid para pasahan kaya ngayun nakikita nila ulit Ito at Kay rex pa na punta. Blue fire ay Isa sa mga pinakamalakas na element sa mundo Kung Sino man ang nagtataglay nito ay walang dudang malakas ang taong Ito.

"Just who really are you Rex aléxein Aeneas"




To be continue

Tales of the  Son's General✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon