•17•(kneel)✔️

850 101 5
                                    

Rex POV

"Puntahan natin ang Lugar nayun Kyle" Sabi ko dito kaya tumango lang Ito sakin so mike naman nakasunod lang. Habang mabilis kaming tumatakbo at iniiwasan ang mga nagkakagulong tao. 

"Hayst sinabing hindi gagawa ng gulo eh" inis na sabi ni Kyle pero nababaksan parin nang pag alala Ang expression nito para sa mga kaibigan niya. Hinayaan ko nalang muna siya at inisip kung anong gagawin. Nag dadalawang isip ako baka kasi patibong lang Ito o baka totoo na Sina brandon nga ang nasabing kinuha ng mga Titan, kung ganon kailangan ko silang iligtas bahala na.

"Rex sigurado kaba dito? Hindi pa natin o hindi hindi mo pa nakakasagupa ang mga nilalang naiyun masyadong mapanganib kung lulusob tayo"rinig kong sabi bigla ni mike, pero hindi ako lumingon at binilisan pa ang takbo ganon din ang ginawa nila.

"Wala nang oras" Sabi ko.

"Pero hindi natin kaya ang lakas nila!" Sigaw ni mike siguro ay nangangamba Ito dahil nga walang kasiguraduhan kong anong mangyayari sa amin, pwede kaming mamatay, sa totoo Lang hindi ako nag alala para sa sarili ko pero nag alala ako para sa mga kasamahan ko. Kaya huminto muna ako at humarap sa kanilang dalawa.

"Maari kayong umalis at iligtas ang sarili nyo maari ding sumama kayo at iligtas natin ang kasamahan natin nasa inyu yun at hindi ko kayo pipilitin" pagkatapos kong sabihin yun ay tumakbo ulit ako. Alam ko na kung saan ang teritoryo ng Titan dahil na aamoy ko na sila mula dito.

***

Huminto ako sa isang puno at nag tago sa likod nito, may naramdaman kong dalawang presyensya na papalapit sakin.

'Tsk sasama din pala'

Napailing nalang ako at hindi na pinansin ang dalawang kasamahan ko at tinignan nalang Ang limang building na nasa harapan ko. Nag masid ako sa paligid at nakitang walang nakabantay ni Isa dito.

'Expected naba ang pag dating namin?'

Sabi ko sa isipan.

Third person POV

Crack

Tunod ng butong nabali, sunod ang malakas na sigaw.

"Ahh!" Nang gagaling Ito kay Brandon. Punong puno na Ito ng pasa at naliligo nadin Ito sasariling dugo.

"Brandon!" Rinig niyang tawag ni Lucy sa kaniya. Inangat niya ang kaniyang ulo kahit na nahihirapan ay nagawa parin nitong gumalaw at tinignan si lucy may mga pasa nadin ito. Kaya hindi niya magawang hindi maawa dito dahil sa natamo. Nagaglit din siya sa sarili dahil hindi niya magawang ipagtangol ang babaing Mahal niya oo tama may pagtingin siya kay Lucy matagal na pero nauunahan siya lagi ng takot kaya hindi niya magawang umamin ng nararamdaman niya. Papalapit na ang lalaki kay Brianna na matindi din ang natamong sugat pinipilit pa niyang tumayo para harapin ang lalaki pero isang sinampal lang ay tumilapun agad si Brianna. Nanlalaki ang mata Brandon ganon din si Lucy.

"N-no! Brianna!" Sigaw ni Brandon at pinilit tumayo. Nang makatayo ay mabilis siyang kumilos at pinuntahan si Brianna nang makita niya ang kalagayan ng kaibigan niya ay mas lalo Lang siyang na ngamba.

"Ugh!" Hinawakan ng lalaki ang ulo ni Brandon na akala mo'y isang laruan lang at hinagis Ito papalayo tumama naman Ito sa pader, masyadong malakas ang pag bato sa kaniya kaya bumaon Ang katawan niya sa ding-ding nayun. Napaubo nalang siya ng dugo. Kitang kita na nahihirapang na silang tatlo.

"I-lang u-ulit ko bang sasabihin sayo na hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mong immortal!! " Sigaw naman ni Brianna kahit na nahihirapan na Ito ay nakikitaan parin Ng tapang ang mukha nito. Pilit na inaalis ni Brandon ang katawan sa ding-ding upang tulungan si Brianna kaso mukang natusok ang katawan niya sa makapal na bakal.

Tales of the  Son's General✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon