•16•(mission part 3)✔️

924 104 0
                                        

***

Third person POV

Nag lakbay ang anim at sabay na hinarap ang mga beast na humaharang sa kanila. Sa pag kakataong Ito Nakita nila Kung paano makipag laban si Rex tunay na nakakahanga ang galaw ni rex at paraan ng pakikipag laban. Kahit na nakakatakot na Ito minsan.

Wala Kasi ito awang pinapaslang ang mga halimaw na parang sanay na sanay itong pumatay.  Pero kahit kailan hindi pa ito gumamit ng kapangyarihan, nakikita nila ang isang totoong mandirigma sa katauhan ni rex talaga namang nakakamangha.

Nang makalabas sila ay agad silang pumunta sa malapit na syudad una nilang na daanan ay ang Certtu o lugar ng kalakalan. Napaka misteryoso ng Lugar nato.

Sakay ng kabayo ay pumasok sila dito. Hindi mahigpit ang lugar sa kahit anong nilalang kaya kung sino-sino ang napupunta dito mababa man o mataas ang katayuan mo s buhay. Lungga din Ito ng mga masasamang tao o tinatawag nilang bandido. Samot sari din Ang patayan sa lugar nato kaya kung mahina ka ay mag isip kanang mabuti bago ka pumasok baka buhay mo ang kapalit Kung magkakamali ka.

"Certtu.."Mahinang sambit ni Rex nang makababa na sila sakto lang din sa pandinig ng kasamahan niya.

"Naka punta kana dito rex?" Tanong ni Lucy humiwalay agad ito kay Brandon at lumapit Kay rex, sa pag tanong niya napatingin ang lahat Kay rex.

"Impossible mahirap makapasok dito Tayo nga nahirapan kanina kung hindi lang tayo nag tulungan baka naging tanghalian na tayo ng mga halimaw papunta palang dito." Si Brianna Ang sumagot sa tanong niya.

"Pero Brianna hindi ikaw ang tinatanong ko si rex diba?" Mataray na sabi ni Lucy kay Brianna. Nanatili lang nakatikom ang bibig ni Rex at hindi nalang pinansin ang dalawang babae.

"Tama naiyan kailangan na nating kumilos, ayun kay head master dito tayo kukuha ng impormasyon para malaman kung paano makakapunta sa tirahan ng Titan o kung saan Ito matatagpuan. mag hiwa-hiwalay tayo para mabilis tayo makakuha ng impormasyon." Paliwanag ni Kyle kaya nakinig sila ng mabuti dito kahit ang dalawang babae na kanina ay masamang nakatingin sa isat-isa ay nag seryoso nadin.

"Hurry up guys..." sambit bigla ni Mike kaya napatingin sila dito. At doon lang nila na pansin ang mga taong nakapaligid sa kanila. Maliban kay rex na kanina pa Ito napansin.

"Partner ulit kung Sino ang kasama nyo kanina yun na makakasama nyo, mag kita kita nalang ulit tayo dito,, mag madali na tayo"pag katapos sabihin yun ni Kyle ay mabilis na itong nawala sa.kinatatayuan niya kasama si mike. Ang naiwan nalang sina Lucy, Brandon, Brianna at si rex.

"Amm pwede naman siguro na tayo nalang mag kasama--"katulad kanina hindi natapos ni Lucy ang sasabihin sana nito kay rex. Gusto sana nitong pagpalit ng kasamahan at gusto niya si rex ang makakasama niya kaso nga lang kinaladkad agad siya ni brandon at bigla nalang silang nawala sa lugar. Ginagamit nila ang mga kakayahan nila para mabilis maka alis doon. At ngayun sina Brianna at rex ulit ang natira.

"Saan--" hindi na natuloy ang sasabihin ni Brianna dahil nagulat Ito sa ginawa ni rex sa kaniya. Bigla Kasi nitong pinulupot ang braso sa bewang niya kaya mag kadikit nanaman ang katawan nila.

'shit!'

Sambit nalang ni Brianna sa isipan niya. Hindi niya makuha kung bakit ganito kumilos o umakto si rex sa kaniya kung sila lang dalawa. Nalilito din siya kung ano ba talaga ang gusto nitong ipahiwatig sa mga kilos nito dahil minsan nakikita niya na ganon din Ito sa ibang babae kaya hindi niya maiwasang masaktan dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"A-anong g-ginagawa mo?" Tanong nito Kay rex mahina Lang at sapat na para marinig ni rex. Kaya lumingon si rex sa kaniya at tinignan siya sa mata.

'ang lapit!'

Hindi niya alam kung bakit nanghihina ang tuhod niya mabuti nalang naka alalay si rex sa kaniya.

Kahit ganon hindi sumagot si Rex sa tanong niya. Na ikinalungkot naman niya. Pero umiwas lang siya ng tingin upang hindi makita iyun ni Rex.

***

Someone POV

Sa isang madilim na silid Kung saan naka upo sa isang truno  ang isang nilalang na tinatawag nilang Lord Titan Ang pinunu ng mga mga Titans Ang matinding kalaban Ng mga Tao. Humihithit Ito ng tabako na dahilan kung bakit amoy usok dito  habang Ang Isa pa niya kamay ay ma pisa-sang sariwang puso ng Tao, kakamatay niya lang ng tao at sakto din sa tanghalian niya.

Maya-maya may pumasok sa silid nayun at tinignan niya lamang Ito.

"Pag bati kamahalan nandito ako upang mag ulat. "Agad na sabi ng bagong dating nanatili itung nakayuko sa harapan.

"Siguraduhin mong masasahayan ako sa balita mo Nhar" nakakakilabot ang boses nito at puno ng uturidad pero wala man Lang epik sa taong nang ngangalang Nhar Ang banta nito.

"May nakakita na sa immortal" agad na sabi nito kaya nagulat Ang pinunu nila. Pero hindi nag tagal at ngumisi din Ito agad. Yung tipong mangingilabot ka.

"Umalis ka at hanapin mo ang mababang immortal nayun at dalhin sakin!" Utos nito kaya agad na naglaho si Nhar ma silid at naiwan lang Ang pinunu nila. Mabilis niyang nilantakan ang puso ng tao na nasa kamay niya.

***

"Rex!" Lumingon si rex sa taong tumawag sa kaniya at doon nakita niya si mike at kasama nitong si kyle. Nang makalapit ay agad itong nag tanong sa kaniya.

"Wala paba Sina brandon? Bakit mag iisa ka? Nasaan si Brianna?" Hindi sumagot rex dahil Ina alala Niya kung saan Sina brandon kasama Ang dalawang babae. Pag katapos Kasi nilang makahanap ng impormasyon ay agad silang bumalik Kung saan ang tagpuan at sunod non nag pakita naman sina brandon at Lucy. At pagkatapos non nag paalam ang dalawang babae para makahanap ng cr ayaw pa ng dalawa na mag pasama pero pinasunod ni rex si Brandon sa dalawa. Pero hangang ngayun dumating na Sina Kyle wala parin Ang tatlo.

"Rex" nabalik Lang sa ulirat si rex ng tapikin ni Kyle ang balikat nito.

"Anong nalaman nyu?" Tanong niya kay kyle. Bumuntong hininga muna si Kyle bago sumagot.

"Kunti lang ang nalaman namin pero makakatulong Ito. Nalaman namin Kung saan ang Isa sa mga lungga ng mga Titan at pinuntahan namin Ito agad Isa itong matayug at malawak na istraktura, kakaiba Ang desinyo nito dahil gawa sa salamin ang dingding nito. At dahil napag alaman namin na dito sa Lugar ng Certtu ang tinatawag nilang  pinto na hindi namin pa namin alam kung anong ibig sabihin." Paliwanag niya kaya tumango tango si rex.

"Pinto..."

"Isang lagusan! maaaring pintuan patungo sa Lugar ng mga Titan--"napatigil sila ng makitang nagkakagulo ang mga tao. Mabilis na hinanda nila Ang sarili upang malabanan ang kahit na anong humarang sa kanila.

"Anong nangyayari?" Hinili bigla ni rex Ang isang lalaki n tumatakbo habang nag sisigaw.

" M-maymaymayy Titan! U-umalis nakayo umalis na Tayo!!" Subrang balisa at takot Ito habang nangingig at nanlalaki ang mata.

"Titan?" Rex. Mabilis na tumango Ang lalaki at napapalunok.

"O-oo! May kinuha silang tatlong Tao!" Sabi pa nito kaya Hindi maiwasan nila Kyle at mike na hindi kabahan.

"Sino-sino ang mga kinuha nila?" Tanong ulit ni rex sa lalaki pero umiling Lang Ito.

" H-hindi k-ko kilala! Basta! Isang lalaki at dalawang babae!"





To be continue.....

Tales of the  Son's General✔️Where stories live. Discover now