•14•(mission)✔️

969 101 0
                                    

***

Third person POV

Nakita ng ibang elites na tumango si Rex sa binatang si jake na commoner lamang. Nakita din nilang masayang tumango din Ang lalaki kaya kumunot ang noo nila. Close ba si Rex sa mga commoners? Noon si nik na laging kasama nito kahit subrang ingay at nakakairita ang lalaking iyun ay hinayaan Lang iyun ni Rex na parang okay lang sa kaniya na mag ingay ito knowing rex? Ayaw na ayaw niya sa maiingay o kaguluhan. Tulad noong una itong tumapak sa cafeteria ay kulang nalang wasakin niya Ang buong cafeteria dahil sa subrang galit niya. Ang reason? Ayun subrang ingay daw paano ba naman karamihan ng mga babae nagtitilian madaming kinakausap nag tatanong sa kaniya. Sa galit niya  lahat ng sakop sa 10 meters malapit sa kaniya ay naging yelo Hindi lang yun sinunug niya din ang mga pagkain ng lahat. Diba Ang saklap.

Kaya simula non kung andiyan si rex hindi sila nag iingay masyado, normal na usap at kwentuahan lang Wala ding nag titiliian pag dumaan siya.

Napabuntong hininga nalang ang ilang kaklase ni Rex dahil alam nilang malakas ito kisa sa kanila. Pero kahit ganon gusto nilang maging kaibigan ito Ang iba para lumakas pa sa paningin ng iba. Alam Kasi nilang lahat ng nakakalapit o nakakaibigan ni rex ay malalakas kaya tinitingala din ang mga ito. Katulad nalang ni Nik kahit nasa huling level sila ng mga clan ay siya parin ang binibigyan Ng attention dahil sa tingin nila ay malakas ito katulad ni rex.

At ngayun si Jake naman naging attentive na Ang mga Tao sa laban dahil nakita nilang malapit Ito Kay rex ay iniisip nila na baka kakaiba din itong si Jake. Hindi maiwasang mag silos ng ilan mapa lalaki man o babae dahil minsan lang mamamansin si Rex at sa mga taong may potential Lang Ito. Kung Ang ilang nag seselos ganon din Ang ilang elites gusto talaga nilang maging kaibigan si rex Yung totoong kaibigan talaga. Kaso Hindi nila alam kung paano ito kakausapin dahil sa paraan ng pag tingin nito sa kanila ay para sila Yung pinaka masama at mahihinang Tao sa mundo nila. Kaya hindi nila alam kung paano aakto sa harap nito. Napapatahimik na nga sila kung mag sasalita ito paano pa kaya kung e approach pa nila? Maliban Kay Lucy syempre hindi ito naiilang o natatakot sa Aura ni rex dahil nadin hindi pinaparamdam ni rex ang bigat ng aura nito Kay lucy sa kadahilanang kaibigan Ito ng kapatid niyang si Sophia napa paka bias diba? Ganon talaga si rex kaya masanay na kayo.

Balik Tayo sa labanan habang Ang lahat ay nakatutok sa laban ay hindi naman mapigilan ni hiro ngumisi dahil sa isip nito makikita ng lahat kung paano niya lampasuhin si Jake sa harap ng lahat at titingalain din siya katulad ni rex. Habang si Jake naman ay blangko Lang nakatingin sa kalaban niya pero sa loob loob nito ay hinahanda na niya ang sarili at gumawa na ng Plano kung anong strategy Ang gagamitin sa laban nila ni hiro.

"LET THE BATTLE BEGIN!!" pag katapos sabihin ng mc yun ay nag simula nadin ang laban nila Hiro at Jake. Kapwa silang nag palaban ng enerhiya sa kamay nila at bumuo ng magic circle pariho silang nag mula sa Landkan territory kaya kapwa silang marunong gumamit Ng mahika.

"Dito kana mamatay Jake kaya humanda ka!
Lightning blast!" Sigaw ni hiro Kay Jake at agad na pinatama ang lightning blast nito. Agad na sinakop ng malahiganting kuryenti si Jake at pumulupot Ito sa kaniya pero nakatayo lamang siya doon at hindi man lang natumba o umatras kaya nainis si Hiro at  pinatamaan Niya pa lalo ng kapangyarihan Niya ngayun Hindi na galing sa kamay niya kundi sa langit na mismo. Dumilim Ang kalangitan na aakalain mong uulan o may bagyo dahil sa kapal ng ulap.

Crikkk

Boghss

May tumama na kidlat Kay jake sa lakas nito ay nakalikha Ito Ng pagsabog napuno Ng mala usok na buhangin ang paligid dahil nadin sa pag sabog.

Tales of the  Son's General✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon