CHAPTER 7

352 26 4
                                    

---

"Aba't si Prince charming gusto pa ata tayong maagawan ng pulutan!" Sabi nung isa pang siraulo

Humagalpak sila ng tawa na para bang akala nila nakikipaglaro lamang ako sakanila.

Dahil sa galit na kanina ko pa gustong ilabas ay agad ko silang sinugod at pinagsasapak. Hindi naman nila agad nagawang umilag dahil nga sa busy sila sa pagtatawanan na para bang mga uwak!

Napaatras naman yung kalbo ngunit agad kosiyang nasipa sakanyang ibabang parte dahilan ng pagpilipit niya sa sobranng sakit

Nasapak ako nung mabalbas na lalaki na kasing tangkad ko mabuti nalang at sa balikat ko lamang iyon tumama

"Donny! Magiingat ka!" Dinig kong pagaalalang sigaw ni May

Dahilan ng mas lalong paglakas ng aking loob nasiyang nagpatumba sa tatlo
Lahat sila'y nagsipag takbuhan ng aakmang sasapak pa ako ulit.

Mabuti naman.

Akala ko gusto pa nila ng round 2 e'
Napangiwi naman ako ng maramdaman ko ang kirot saaking kabilang balikat dulot ng pagsapak saakin kaya't napahawak ako roon.

"Naku! Donny nasaktan ka!" Pag aalala niyang sabi

Nginitian kosiya't iniangat pa ang aking mga kamay para maipakita sakanya na okay lang ako kahit pa feeling ko ang sakit sakit talaga ng braso ko

naku naman, ang hirap palang mag bida-bidahan ano?

"Okay lang ako, E- Ikaw ba?" Balik na tanong ko

"Okay lang, buti nalang dumating ka. Salamat talaga Donny, Naku! Kung ka pa siguro dumating ay malamang sa malamang magtatagumpay yung mga yun sa binabalak nila o di kaya'y patayin ako't magugulat kanalang kinabukasan palutang-lutang nalamang ako sa dagat!" Aniya na may halong pagyuko't pagkagat sa kanyang ibabang labi

Nahihiya basiya?

Agad ko namang iniwas ang aking mga mata sa kanyang mga labi dahil baka iba na naman ang maisip ko't baka tuluyan na nganiya akong layuan.

"Salamat ah?." Muli niyang pagpapasalamat na may sinseredad.

Tumango lamang ako't napasapo saaking buhok. Pilit itinatago ang kilig na nadarama ko o kung kilig nga ba tong nararamdaman ko

"Syanga pala, bakit ba kase gabing gabi na lumabas kapa? Kita mo tuloy nakatagpo ka ng tatlong siraulong manyakis." Kuryoso kong sabi

Nahihiya siyang tumingin saakin at tumingkayad ng kaunti para lang mailapit ang kanyang bibig saaking tenga, umiskwat ako ng kaunti para di siya gaanong mahirapan sa kung ano man ang ibubulong niya saakin

"Pupuntahan kasi dapat kita." Maikli niyang sinabi ngunit matindi ang tama nun saakin na naging dahilan upang tumindi ang pagbilis ng aking puso

Nailunok ko pa tuloy ang aking laway
Suminghap ako ng hangit saka muling napasapo saaking buhok sabay suklay pa rito

"P-pupuntahan mo pala ako?" Pilit kong inayos yung tono ng pananalita ko baka kase ako'y pumiyok dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko

Ngumiti siya ng matamis saka tumango

"Oo naman ano! Diba nga sabi ko sayo kahapon kita tayo ulet! Sobrang busy ko kase sa araw na to ang dami kong ginawa, nagbenta ako ng Isda sa palengke tapos gumawa pa ako ng mga puto para maibenta ko naman sa kabilang bayan at nagsimba narin ako kahit pa sabado ngayon. Nagpasalamat dahil sa sold out lahat ng paninda ko!" Mahaba niyang sabi

Na mas lalo lang nagpamangha saakin sakanya

"Sana di kanalang pumunta pa, ta'mo tuloy muntikan kapang mapahamak. What if di ako dumating?" I added

"Tsk. Ayoko kasing ma guilty Donny! Pano kung nag aantay ka nga dun saken tapos di ako dumating edi magagalit ka sakin nun! Haynaku! Tyaka alam ko namang hindi ako pababayaan ng Diyos ano' tignan monga't Dumating ka oh diba? Ang  lakas ko sakanya Donny!" Aniya

Napangisi nalamang ako't ginulo ang buhok niya

Cute mo talaga.

Sabi ko sakanya sa aking isipan

"Nextime may, pag gabi na wag kanang lumabas ng bahay ninyo, babae ka panaman at nagkalat na ang mga bastos ngayon. Di lahat mapagkakatiwalaan may, Mag-iingat ka." Paalala ko sakanya

Ngumuso naman siya't tumango

Tsss that lips.

"Okay sige! Nextime hindi na ako lalabas ng bahay lalo na pag gabi na! Promise koyan sayo!" Aniya sabay angat ng kanyang kamay at inilapit saakin ang kanyang pinakamaliit na daliri

Kunot noo ko naman siyang tinignan

"Anong gagawin kojan?" I ask

Inirapan niya ako't kinuha ang aking kamay saka ito inangat, pinili niya lamang ang pinakamiit koring daliri saka ito inilapit sakanyang daliri

What's this? Infinity?

"Tawag dito Pinky promise Donny. So promise ko sayo di na ako lalabas ng bahay pag gabi na okay?"

Natawa nalamang ako sakanyang turan. Nakakaaliw siya.

[MAYDON ]"The Girl I've Once Met" BOOK 1Where stories live. Discover now