CHAPTER 37

283 21 3
                                    

Maymay's POV
-----

Hindi ko aakalaing darating si Donny sa Hospital pagkatapos ng matindi naming pagbabatuhan ng mga linyang masasakit kani-kanina lang

Ni hindi ko rin lalong inakala na magpupumilit parin siya na ako'y tulungan kahit pa tinanggihan ko nasiya.

Tapos Ninong niya pa talaga yung Doctor ni lolo..

Ng marinig ko ang kanyang sinabi'y halos lumundag na ako sa tuwa, sa pag-asang magagamot na si Lolo

Nagkamali ako ng inakala kong katulad lamang siya ng ibang mayayaman, dahil siya hindi niya ako tinalikuran kahit pa minsan o madalas naman talaga siyang nagseselos sa mga walang katuturang mga bagay

----

Ng magpaalam ang kanyang tito saamin, pumasok na muna sina patricia at terry sa loob ng kwarto ni lolo kaya nagkaroon na ako ng pagkakataong Lapitan si Donny..

At kahit pa medyo naiilang ako dahil sa mga kadramahan namin kanina'y hindi ko na napigilang mapalundag at yakapin siya

Ng mahigpit..
Yung yakap na halatang miss na miss ko na siya..

Ilang araw din kaming hindi nagkita at nung nagkita naman kami.. puro pasakit pa..

Napakabilis ng tibok ng puso ko ngayon at alam kong ganoon din siya, iginawad niya ang kanyang magkabilaang braso saaking likuran at ang isa namay sa aking baywang at mahigpit narin akong niyakap pabalik
Ang kanyang mukha ay kanyang ibinaon saaking leeg ..

"I'm sorry... kanina.." Sa wakas ay nasabi ko

Dinig kong natawa siya ng kaunti sa narinig.

"Ako nga dapat ang mag sorry diba? *sigh* i miss you.." aniya

Nagyakapan lang kami ng halos tatlongpung minuto at ng kami ay kumalas saaming yakapan saka lang namin napansin ang mga matang nakatingin saamin.

. yung iba'y napapangiwi, yung iba nama'y kunot ang noo habang yung iba nama'y nakangiting nangungutya saaming dalawa

Napayuko nalamang kami ni Donny dahil sa kahihiyan, Naramdaman ko ang kanyang mga daliri na pinipindot-pindot ang aking kanang kamay at kinalauna'y sinakop na ito mg kanyang kamay

Nasa ganoon lamang kaming sitwasyon hanggang sa dumating na ang Doctor na kanyang tito.

Dahilan para agad kaming mapabitaw sa aming paghahawak kamay

Lumapit saamin ang doctor ng nakangiti

"It's settled. May Donor na agad yung lolo mo ihja at bukas na bukas din, pwede na namin siyang operahan. Trust me, it will be successful" sabi nito

Sobra naman akong nasiyahan sa narinig kaya't ako'y napatalon at napasigaw ng *Yes!* sa nakakabinging paraan

Bahala na yung mga taong nakatingin uy,

Muli kong sinulyapan si Donny ng nakangit

"Salamat talaga Donny ah? Pati narin po ikaw Doc!" Sabi ko

Nangingiti lamang silang tumayo
At pagkuwa'y nagpaalam naman ang doctor upang kunin si Donny saakin para kumain ng Dinner

Napangiwi pa ako dun, pero agad din namang napawi ng marinig ko si Donny na may binulong saaking tainga

"Labyu." Maikli pero sobra sobra ang dating nito para saakin dahilan para ako ay mamula..

Huli na ng mapagtanto kong nawala na pala sila saaking paningin

"Ang swerte mo sa boyfriend mo ihja! Gwapo na mayaman pa!" Napalingon ako sa nagsasalita

Isang babae, na medyo maypagka gurang na, nginitian ko siya

[MAYDON ]"The Girl I've Once Met" BOOK 1Where stories live. Discover now