CHAPTER 32

265 18 0
                                    

●●●

Sa paglipas ng mga araw, hindi na gaanong nagkikita sina Donny At maymay..

Sinubukan ni maymay na mag apply sa isang call center agency pero hindi siya natanggap ng subukan siya nitong pagsalitain ng ingles, maging sa mga interviews na ibinabato sakaniya'y hindi niya gaanong naintindihan kaya't naisipan niya nalamang na mag apply sa isang fastfood chain sakanilang bayan

Agad din naman siyang natanggap dahil sa magiliw niyang katangian na isa sa unang hinahanap na kaugalian ng isang crew, She was so happy ng malaman niya kinabukasan na tanggap nasiya sa trabaho at pwede na siya agad-agad magsimula

---

Samantalang si Donny naman, busy sa mga online meeting nila ng kanyang guro sa States, nagkaproblema kasi sa schedules ang dapat na 2weeks nilang bakasyon ay naging 1week nalang. At dahil nga isa sa top students si Donny pagdating sa arts at artistic designs, siya ang napili ng kanyang profesor upang gumuhit ng bagong disenyo ng future museum nila sa mismong paaralang pinapasukan niya, it was one of the most known and luxurious school in states kaya hindi matanggihan ni Donny ang Offer lalo pa't sobrang laking karangalan iyon para sakanya

"Oh! I'm so happy for you son! Congrats!" Masiglang tugon ng kanyang ama

Halos di naman maipaliwanag ng kanyang ina ang nararamdaman kaya't napapaluha ito sa sobrang kaligayahang nakakamtan ng anak kahit pa ito ay hamak na first year college palang.

"So when will you go back to states?" Tanong ng kanyang tito na si gary

"As soon as possible tito, i barely need to go back to states, isa pa kailangan ko pang planuhin yung aking ididesenyong museum. Siguro bukas, monday morning." Sagot ng binata bagamat may gumugulo sakanyang isipan ay isinantabi niya muna iyon dahil sa sobrang excitement na nadarama

"Cool! Then i'll book you a flight right now Dune, see you when you see us as soon as we go back to states as well, but for now ikaw na muna while we? We will be enjoying the rest of our days here." Saad ng kanyang ate ella na may halong panunukso

He knew what's she think.

Maymay

Naibulalas niya sakanyang isipan.

"Uhmm dad, mom, uhm.. can i just go to my friend for a minute? Magpapaalam lang ako baka kase bukas nasa trabaho nasiya't di ko nagawang magpaalam.." sabi niya ng may lungkot sakanyang boses

Napangiti naman sakanya ang ama at tinapik siya sakanyang balikat

"Do what you must son."

Pagka rinig niyon ay dagli siyang lumabas ng kanilang bahay at nagtungo kina maymay, di alintana ang mga kaibigang napasinghap sa biglang pagsulpot niya galing sa loob ng resthouse

"Dune! Saan ka pupunta?" Dinig niyang tawag sakanya ng pinsang buo na si miggy

"Kina maymay! I'll be right back! I just gotta say goodbye!" Sagod niya ng di lumilingon sa kausap

---

Halos habulin niya ang sariling hininga ng sa wakas ay nakarating nasiya sa mismong tapat ng bahay nina maymay

Mabilis niyang tinungo ang mismong pinto ng bahay nina maymay ng bigla siyang nagulat sa hindi inaasahang
Nasaksihan

Maymay was hugging a man he never knew, nakatalikod si maymay samantalang hinahagod ng lalaki ang likuran nito

Ng bigla itong mapasulyap sa gawi niya dahilan para ito ay mahinto sa pag hagod ng likod ng dalaga at kunot noong mapatitig sakanya

Nag init ang kanyang pakiramdam, habang nakamaang bagang silang pinakatitigan.. Napayapos siya sakanyang kamao dahil sa kagustuhan ng manakit nito

And by that moment he knew that he was deeply mad as hell..

Pakiramdam niya niloko na naman siya sa ikalawang pagkakataon, pilit niyang pinapakalma ang sarili at umalis nalang sa kanyang kinatatayuan

Pero yung tingin ng lalaki sakanya na para bang nangungutya pa ito't pinagpatuloy pa ang pagyapos sa likuran ng babaeng kanyang napupusuan ay napasuntok siya sa mismong dingding ng bahay ng dalaga, dahilan para mapapitlag ang dalaga at mapalingon sakanyang kinaroroonan

Gulat man ito ng makita siya'y agad naman iyong napalitan ng lungkot at umiyak

gusto man itong tanungin ng binata'y hindi niya magawa.. pakiwari niyang nagmamanhid ang kanyang buong kalamnan habang nagpupuyos naman sa galit ang kanyang pakiramdam

Agad niyang nilisan ang lugar at patakbong umalis roon

Nakita naman iyon ni maymay kaya ito dagli ring lumabas ng kanilang bahay upang habulin ang binata

Gabi na at malamig narin ang simoy ng hangin..

Napakadilim at tahimik na tanging mga ilaw nalamang ng mga bituwin sa himpapawid at tindi ng tibok ng kanilang mga puso ang kanilang nagsisilbing liwanag sa gabi at naririnig

Kahit pa hinihingal ang binata'y tuloy parin siya sakanyang pagtakbo
Ngunit mabilis at maagap si maymay kaya agad siya nitong nahabol at nahawakan sa braso

"Donny!" Pagtawag nito sakanya

Hindi niya ito pinansin bagkus ay agad niyang iwinaksi ang kamay nitong nakahawak sakanya

"D-donny? May problema ba?" Halata sa tono ng pananalita nito ang lungkot , humihikbi pa ito kaya't lalong nangunot ang noo ng binata

Anong iniiyakan niya? Yung scene na nakita ko sila ng lalaki niyang nagyayakapan o ang pakiramdam na may mayakap siyang ibang lalaki maliban saakin? Tss. Do I really know her.. am i really her first kiss?

Saad niya sakanyang isipan saka galit na tinapunan ng tingin ang dalaga.

Napayuko nalamang si maymay dahil sa mga matang iyon, puno ng galit at sakit na kahit siya'y hindi niya malaman kung bakit..

Nalaman na kaya nito na nasa hospital ang kanyang lolo joe? Kaya ba ito umiiyak dahil dun? Mga katanungan sakanyang isip..

"D-donny.. bat ka napadalaw sa bahay?" Aniya na pilit itinatago ang paghikbi

Ng marinig ang sinabi ng doktor na may sakit ang kanyang lolo sa bato at stage five na ito'y halos maglumpasay na si maymay sa sobrang sakit at pighati.
Ng nasa trabaho siya kani-kanina lang ay biglang tumawag ang kanyang pinsan na si patricia sakanya, at ang sabi nito'y isinugod sa hospital ang kanyang lolojoe dahil sa matinding pananakit ng tagiliran nito

Dati niya pa napapansin na minsan sumasakit ang tagiliran ng kanyang lolo na isa sa senyales na may sakit sa bato ang isang tao, hindi rin ito gaanong nakakaihi at palaging namumutla..

Kaya't dahil sa sobrang gulat at pag-aalalay agad
na nagtungo si may sa hospital na pinagdalahan ng kanyang lolo, sumama naman sakanya ang kanyang manager na naging kaibigan niya narin sa una palamang nilang pagkikita, bading kasi ito kaya't agad niyang nakasundo lalo pa't sa tuwing breaktime nila'y palagi silang nagbibiruan nito

"Ihja nasa stage five na ang sakit sa bato ng iyong lolo kailangan nang sumailalim ng iyong lolo sa dialysis o kidney transplant.at kung hindi agad natin ito maagapan ay baka mahuli na ang lahat.."

Mga katagang binitawan ng doktor nasiyang paulit-ulit na bumabalik sakanyang isipan

Umuwi lamang siya sakanyang tahanan upang kumuha ng mga gamit ng kanyang lolo habang nasa hospital pa ito, namamaga ang mga mata habang naglalagay ng mga damit nito sakanyang lumang bag.. sinamahan siya ni terry na kanyang manager at ng makita nito ang sobrang panlulumo at halos walang tigil ng pag iyak ng kaibigan ay kanya na itong niyakap para tumahan.

----

Muling napasulyap ang dalaga kay Donny na kanina pa matalim ang mga paningin sakanya dahilan para siya ay mapalunok

[MAYDON ]"The Girl I've Once Met" BOOK 1Where stories live. Discover now