CHAPTER 30

281 21 2
                                    

Maymay's POV

Pagkatapos nilang humingi ng tawad, nagpaalam na muna ako sa kanila na ako'y maliligo at pagkatapos ay agad na akong pumasok sa bahay upang mag-bihis mabuti nalang at tumalikod yung mga lalaki kaya di nila nakita ang nakatapis kolang na katawan

Mabilis lamang akong nabihis, simpleng pulang sando lang ang sinuot ko't pantalon na di gaanong masikip saakin, basta kung ano lang ang nahablot kong damit saaking cabinet yun na yun.

"pumunta kayo dito para lang humingi saakin ng tawad?" taka kong tanong ng mapasulyap sakanila

Lumapit si Donny at tinulungan akong maglabas pa ng ibang gamit sa pagluluto

"dahil yun ang dapat may, isa pa maling mali yung ginawa nila niloko nila hindi lang ako pati ikaw, at yun yung mas ikinagagalit ko, kung ako lang mapapalagpas ko pa e'. pero pag ikaw na dinamay, ibang usapan na yun." seryoso niyang tugon habang mataman akong pinakatigigan matapos naming mailabas lahat

Nahihiya tuloy akong napapasulyap sa mga kasamahan niya dahil si Donny parang ako lang yung nakikitang tao, kanina pa kase siya nakatitig ni di ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o napapangitan lamang siya sa pagmumukha ko.

"ah okay." nasabi ko nalamang at agad ng umiwas ng tingin, ang awkward..

tyaka fyi nadin no? di pa ako nakakaget over sa nangyari samin kagabi! jusme! paano kung natuloy yun? Apaka rupok!

inilagay ko na ang dalawampung piging ng saging na saba, para mabalatan ko na..

ng bigla akong awatin ni Donny kaya ako napaangat at kunot noong napatingin sakanya

"bakit?" taka kong tanong

"Let them do it." Aniya sabay lingon kina sasha sa aming likuran

Gulat akong napatingin sakanya

Seryoso? Sila papagawin ko ne'to e halata masyadong maarte yung sasha, ni kahit nga ata kutsilyo takot yan e'

Sa isip ko

"Wag na Donny! Nakakahiya, at tyaka hindi sila sanay sa ganitong gawain kaya wag mo ng ipilit to sakanila.." sabi ko saka sinimulan ng magbalat, marahan ko namang isinilid saaking tenga ang kaunting nakalugay kong buhok

"--- at isa pa Donny, alam ko namang gusto molang silang pagbayarin sa ginawa nila, humingi na sila ng tawad at sapat na saakin yun, dapat matuto tayo laging magpatawad hindi ba?" Tumingala pakong ulit para titigan siya sa mata

Ang kanina'y walang ekspresyong mga mata niya'y nagnining-ning na sa kislap ngayon.. sumilay narin ang ngiti niya sakanyang labi, hindi ko alam kung bakit?

May nasabi ba akong nagpangiti sakanya? Sa pagkakaalam ko kasi hindi naman ako nagbibiro -_-

"Nginingiti-ngiti mo riyan? Seryoso yung tao dito.." sabi ko ng nakanguso

Umupo siya sa tabi ko't kinuha saaking kamay ang hawak hawak kong kutsilyo pagkuwa'y hinagkan naman ng isa niya pang kamay ang kamay ko..

Nakangiting nakatitig saaking mata nasiyang dahilan para magwala na naman yung puso ko, kaya agad kong iniwas ang aking mga mata

"Uy, Donny.. nandito yung mga kaibigan mo!" Pag-iwas ko

"*laugh* it's okay may, we're actually enjoying the show." Sabi ni miggy na mas lalo lang nagpainit ng aking pisngi

"Bakit ba napakabait mo! Kagigil kadin eh, alam mo yung tamang example sa taong pa fall? Ikaw yun." Natatawa niyang sabing may bahid ng sinseredad

Pafall daw.~_~

"Pano mo naman nasabi?" Tanong ko

Lumingon siya sa kinaroroonan ng mga kaibigan

"Mmm.. well, kasi ako kung ako ang nasa sitwasyon mo, hindi ko sila agad-agad patatawarin e' yung gawin kang bitag? At gamitin makuha lang nila gusto nila? Hindi okay saakin yun," Sabi niya

Ibinalik saakin ang paningin at muling nagsalita

" but yeah.. your right, if we we're a real child of GOD then we must forgive. Sana lang talaga lahat kagaya mo may." Dagdag paniya

Ramdam ko naman ang tindi ng init sa aking pisngi, idagdag pa ang napakabilis na tibok ng aking puso.. lumulundag sa tuwa na halos di ko na mapigilan ang aking nararamdaman.

"Sira!" Asik ko sabay hampas sakanyang balikat

Dahil sa sobrang kilig hemweee.^,^

*eherm*

Napalingon kami kay miggy

"Uhmm~ang mabuti pa may, tulungan ka na namin, kahit kaming mga boys nalang please? Kahit ayaw mo mag pupumilit na ako, kesa naman manakit paa ko dito kakatayo at kakatitig sa inyong dalawang mag lovebirds e'noh?" Natatawang suhestyon ni miggy

Na di ko na nagawa pang tanggihan dahil sa agad siyang gumawa ng apoy gamit ang kahoy at posporo..
Namangha panga ako sa sobrang bilis.

"Ang galing! Marunong ka pala niyan?" Di makapaniwala kong tugon

"Oo naman! Parang bonfire lang din naman to!" Sagot niya

Tinulungan narin ako ni Donny at Ezikel sa pagbabalat ng saging, lumapit si chester sa kinaroroonan namin.. halatang balisa kaya ako napasulyap sakanya

"Uy, may problema ka ba ser?" Taka kong tanong

Napakamot siya sakanyang batok

"Ahh kasi, gusto kong tumulong kaso ano ba yung maitutulong ko?" Aniya

Natawa nalamang ako sakanyang ekspresyon, tinuro ko sakanya ang kawa sa gilid ko at ang asukal

"Anong gagawin ko dito?" Saad niya

"Ilagay mo sa lutuan tapos lagyan mong mantika para makapagsimula na ako sa pagluluto." Sagot ko ng hindi siya nililingon

"Wow! Nakakaenjoy din palang magbalat ng saging no?" Pabirong saad ni Ezikel na halata ngang nag eenjoy sakanyang ginagawa ganun din si Donny, nag-uunahan pa sila sa pagbabalat nito

Mga isip bata XD

Nasabi ko nalamang.

----

Pagkatapos naming magbalat, tumayo na ako't ibinuhos na ang pulang asukal sa kawa, mainit na kasi ang mantika

"Uy, tumabi na muna kayo ha? Baka matamaan kayo ng mantika." Pag papaalala ko

Agad naman silang tubabi, ibinuhos ko na ang pulang asukal..

Aantayin ko na munang mag caramelize yung asukal at pagkatapos ay pwede ko ng ilagay ang mga saging na saba na nabalatan namin.

----

Ng makita kong nag caramelize na nga ito'y isa isa ko ng inilagay ang saging..

"Mmm... ang bango!" Dinig kong tugon ni Chester at Miggy

Nginitian ko lang sila

"Wuy may penge niyan pagka naluto na ha?" Ani Ezikel

Natatawa naman akong tumango sakanya, shempre naman bibigyan ko sila isa isa ano, baguhan palang kase sila sa ganitong trabaho kaya dapat lang na matikman rin nila yung lutong naging parte sila sa pag-gawa

"Huy! Magbayad kayo hindi pwede yung hingi hingi!" Asik ni Donny nasiyang inirapan ko

Tahmoto.

"Donny, okay lang ano ka ba, tyaka di naman ako malulugi kung isa isa ko kayong bibigyan ano? At tyaka tumulong kayo sakin, so dapat lang na bigyan ko kayo." Sabi ko

Iniangat naman niya ang kanyang dalawang kamay pahiwatig na sumusuko naraw siya kunwari, nahampas ko nga. Ang kulit din e'

"Ayan ka na naman sa pahampas hampas mo! Bigyan mo ko dalawang bananacue ha? Bayad sa pagiging sadista mo!" Aniya

Urghh! Kagigil .. --_--

[MAYDON ]"The Girl I've Once Met" BOOK 1Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu