Chapter 2

2K 73 4
                                    

Akane

Hindi dapat ako nagpadalos-dalos. Marahil nadala lang ako ng aking emosyon dahil kaunting panahon nalang ang natitira sa akin. Ang mas malala ay buhay ko ang nakataya dito.

"Ayos ka lang ba Akane?" Tanong ni senyorito.

Hindi ako nag-abalang tumingin sa kaniya dahil baka pagsisisihan kong napunta ako sa mundong ito.

Hindi ko maipaliwanag ang kilabot na nararadaman ko kanina. Bakit parang kilala ako ni David? Wala akong maunawaan sa mga nangyayari.

"Hayaan muna natin siya baka gusto niyang mapag-isa ngayon." Rinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan ni Senyorito.

Hindi ko lubos akalain na magiging tagapagsilbi lamang ako sa mundo ito. Ibang-iba sa kinamulatan ko.

Habang nakaupo ako ay napatingala ako sa kalangitan. Napatanong sa sarili kung bakit hinayaan kong umabot sa ako sa ganitong sitwasyon. Bakit? Hindi ko alam kung magiging ayos ba ang kalagayan ko dito.

Ang bughaw na kalangitan at ang mga alapaap. Idagdag mo pa ang malamig na simoy ng hangin mula sa kanluran na dumadampi sa aking balat.

Napapikit ako at dinama ang hangin pero hindi ko inaasahan na mayroong gagambala sa akin.

"Hey, bitch." Aniya sabay sipa sa akin. Hinayaan ko siya dahil baka may prolema ito sa pag-iisip. Hanggang sa kaya kong umunawa ay gagawin ko.

"You know what? You're such a whore disguising as an angel. Bakit ka ba dikit ng dikit kina Denver?!" Sigaw niya at sinabunutan ako. Napahawak ako sa kamay niya para ilayo ito sa akin.

Binanggit niya ang pangalan ni senyorito marahil ay tungkol ito sa kaniya kung bakit galit sa akin ang babaeng ito.

"I will kill, you!" Sigaw niya muli at tinulak ako sa damuhan. Natumba ako at hindi nakapalag kaagad.

Dapat ba akong lumaban? Ayaw kong makasakit muli ng mortal at ipinangako ko iyon. Pero hindi naman tama na hindi niya ako hinayaang magpaliwanag at basta na lamang pinagbuhatan ng kamay.

"Durga!" Sigaw mula kung saan na nagpatigil sa akin. Katapusan ko na ba?

"Hazel, itigil mo 'yan!" Sigaw ng kung sino mula kung saan.

"Huwag kang makealam! Dapat tinuturuan ng leksiyon ang malanding ito!" Patuloy ako nitong pinagsasampal habang nakapatong ito sa akin.

Sinasalag ko ang bawat hampas niya sa akin para hindi ako mapuruhan. Maya-maya ay tumigil ito at naiyak dahil sa inis. Biglang may humawak sa kaniya at inakap ito. Samantalang ako ay nanatiling nakahiga sa lupa.

Hindi ko mamukhaan kung sino dahil puno ng luha ang aking mga mata.

Narito pa rin ako ngayon, nakahiga pa rin sa damuhan at pinapakiramdaman ang sarili. Napapikit nalang ako at napaluha. Ang sakit ng katawan ko, hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kaniyang galit sa akin.

Rinig ko pa rin ang kaniyang mga hikbi at pag-alu sa kaniya ng kung sino. Nagalit ba ito dahil ako ang tagapag-silbi ni Senyorito? O baka naman dahil mang-mang ako at walang pakinabang.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa ito?"

Nagmulat ako ng mata at tuluyang napahikbi nang mapagsino ang kaharap. "D-damon," tawag ko sa kaniya sa pagitan ng mga hikbi.

Tinulungan niya akong makabangon at kapagkuwan ay niyakap ng mahigpit.

"Patawad, Durga kung nahuli ako ng dating. Hayaan mo at hindi na ito mauulit," paliwanag niya habang hinahaplos ang aking buhok.

My Maid Is A Goddess [Completed]Where stories live. Discover now