Epilogue

2.1K 72 6
                                    

Josh

It's been four years since that happened. Pagkaalis nila ay siya ring pagbalik sa normal ng lahat. Wala ng gulo at kung ano-ano pa.

Walang naka-alala sa mga nakasaksi maliban nalang sa amin. Nanatiling lihim iyon at walang kahit sino pa ang makakaalam.

Bilang tanda ng pagkakaibigan ay tinupad namin ang kahilingan ni Damon na huwag iparating kay Denver ang mangyayari kay Akane.

Nasaan ka na kaya ngayon babes? Masaya ka ba diyan? Sana ay hindi mo sinisisi ang sarili mo sa mga nangyari. Alam kong ginawa mo ang lahat kahit na buhay mo ang kapalit ay nagsakripisyo ka para sa amin.

Nakagraduate kami sa college at lahat kami ay may trabaho na. Ngayon ay birthday ni Denver at nandito kami sa bahay nila. Hindi niya pa rin makalimutan si Akane. Sa apat na taong lumipas ay wala siyang naging girlfriend.

Kada birthday niya ay si Akane ang gusto niyang regalo na hindi namin maibigay-bigay. Si Hazel noong una ay nagalit kay Akane pero kalaunan ay napatawad niya ito.

"Wala ako sa lugar niya para husgahan siya. Ayaw kong magalit sa kaniya, sana ay masaya siya kung nasaan man siya ngayon." Sambit nito sa amin nang mag-graduate kami.

Ang tagal na rin pala. Napangiti ako nang makita siyang nakaupo at tumatawa kasama si Denver. Tama ang iniisip mo. Buhay si Ryle at dahil iyon kay Akane.

Wala silang kaalam-alam na hinatulan ng kamatayan si Akane. Wala ring paramdam si Damon sa amin hanggang ngayon. Napatingin sila sa pwesto ko at napatayo.

"Josh!" Sigaw nila saka kami nagyakapan.

"Happy birthday, 'tol! Pakiss nga!" Biro ko sa kaniya at hindi maipinta ang mukha nito

"Yuck. Bakla!" Aniya at sabay kaming nagsitawanan.

"Banyo lang ako saglit." Paalam ni Ryle kaya naman tumango kami at pumunta na sa garden nila Denver. Gusto niyang dito gaganapin ang birthday niya dahil napanaginipan niya raw na dinala siya ni Akane sa nature park.

Hinayaan namin siya sa gusto niya. "Happy birthday, son!" Bati ni Tita Madeline at niyakap ang anak. Maging ako ay niyakap niya rin at may namumuong luha sa mga mata.

"Thanks, Mom."

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday. Happy birthday Denver!" Sigaw namin saka pinahipan ang kandila sa kaniya.

"Anong hiniling mo?" Tanong ni Hazel na nagpatigil sa amin.

"Ganoon pa rin. Walang pinagbago." Aniya at ngumiti sa amin.

Napalingon kami nang may marinig na ingay. Nagtaka pa kami sandali kase sa una ay hindi namin mabosesan.

"Tangina naman Damon! Ano ba iyan? Regalo ba iyan? Ibibigay mo yan sa kaniya? Bobo!" Boses ng hindi pamilyar na babae.

Napahinto ang dalawa nang makitang nakatingin kaming lahat sa kanila. Siya yung babaeng kasamang sumundo kay Akane. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya.

Napangisi ito sa amin at itinulak si Damon sa amin at ganoon naman ang pagmamaktol ng isa. "Tangina Aila. Kailangan bang itulak mo ako?" Galit nitong sabi.

"Ah. Ano, maligayang kaarawan Denver." Sabi niya at inabot kay Denver ang regalo.

"S-Salamat," halatang may hinahanap ito kase kanina pa palinga-linga sa paligid pero bumagsak ang balikat niya nang hindi mahanap ang babaeng minamahal niya.

"D-Damon." Tawag ng isang boses na nagpanigas sa aming lahat. Bigla nalang itong sumulpot at humawak sa braso ni Damon.

"A-Amane." Utal na tawag namin. Hindi kami pinansin nito kaya napakunot ang noo namin.

My Maid Is A Goddess [Completed]Where stories live. Discover now