Chapter 3

1.7K 66 2
                                    

Akane

"Durga," tawag sa akin ni Damon. Napatingin naman ako sa kaniya. Nagtataka.

Isinama niya ako dito sa bahay niya at nagpapasalamat ako dahil nandito siya para tulungan ako. Hindi ko na siya tinanong kung paanong naririto siya. Ang alam ko lang ay nasaktan ako.

"Bakit, Damon?" Tanong ko at umiwas ng tingin kapagkuwan. Nakaupo ako ngayon sa isang upuan na may malambot na sapin. Ang tawag daw dito ay sofa.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya na nagpatigil sa akin. "Paano ka nakapunta sa mundong ito Durga?" Tanong niya pa ulit.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa kung saan. Batid kong sumunod din siya sa akin. "Alam mo ang dahilan kung bakit ako naririto Damon, hindi mo na dapat itinanong pa," sagot ko sa kaniya. "Dahil ba sa kaniya, Durga?" Kahit hindi niya sabihin ay alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Nagpakalayo-layo na nga ako dahil ito lang ang tanging paraan na naiisip ko.

"Oo. Hindi na ako magtataka kapag nalaman niyang buhay pa ako. Alam mo ang ugali niya Damon dahil lang sa inggit ay nasira ang pakikitungo namin sa isa't isa." Huminto ako at humarap sa kaniya. Nasa labas na kami ng bahay niya at nasa Hardin.

"Sabihin mo sa akin, Damon. Sabihin mong magbabago pa siya, dahil kung hindi alam mo kung ano ang mangyayari. Kaya nais kong hingin ang tulong mo. Kung maaari ay balitaan mo ako tungkol kay Senyorito at sa mga kaibigan niya habang nandito ako sa poder mo," sabi ko sa kaniya at nagpaalam na nagpapahinga na.

Ilang linggo rin akong nagkulong sa bahay ni Damon. Wala akong naging balita tungkol sa kanila. Hindi ko inakalang sa sandaling panahon na inilagi ko rito ay mahuhulog ang loob ko sa isang mortal. At ang mas hindi katanggap-tanggap ay ang pagkakaiba ng antas namin sa buhay.

Siya ang aking pinagsisilbihan at ako ay ang kaniyang alipin lamang.

• • •

Josh

(Hi! Baka may nakacrush sa akin diyan, baka gusto mong jowain na kita?) Charot ang harot ni Josh ksksk.

Kakatapos lang ng klase namin, and tadaaa! Mag m-mall kami ngayon dahil birthday ni Hazel! Sinabi niyang ililibre niya kami ng samgyupsal!

Simula nung umalis si Akane ay may nakita kaming pagbabago kay Hazel, nag-usap rin ng masinsinan si Hazel at Denver. Nagkaayos na sila at tanggap na niyang hindi siya ang gusto ni Denver.

Akala ko nga noong una ay may sampalan na magaganap pero wala! Shuta! Yun ang magandang balita, nagkaayos na sila pero hanggang ngayon ay iniiwasan pa rin kami ni Axel.

Sinabi niyang hangga't hindi bumabalik si Akane ay hindi rin siya makikipag-usap sa amin. Lagi niyang kasama sina Dave at Adara.

"Josh! Tara!" Sigaw ni Ryle habang hila-hila si Denver.

"Get off me, Ryle or I'll shoot you down!" Banta sa kaniya ni Denver. As usual tatawa lang si Ryle at patuloy na hihilahin si Denver pasakay ng kotse.

"Oh please Denver, shoot me." Maharot na sabi niya sa isa kaya naman nasapak niya ito. Napatawa naman kaming lahat dahil sa kakulitan ni Ryle.

Simula noong umalis si Akane ay siya ang tagapagpatawa namin at unti-unti rin namang ngumingiti kahit papaano. Kahit sandali lang kaming nagkakilala no Akane ay hindi ko itatanggi na magaan ang loob ko sa kaniya.

"Let's go shopping!" Malakas na sigaw ni Hazel sa front seat. Si Kristoff ang driver namin ngayon. Hindi kami nagdala ng sariling sasakyan dahil magastos sa gas. #LifeHacks (charott)

Pagkarating namin sa mall ay agad na sa samgyupsalan ang punta namin. Minsan napapatakip nalang si Denver ng mukha dahil sa hiya. Sino ba naman ang hindi mahihiya, e, ang ingay-ingay namin.

My Maid Is A Goddess [Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن