Chapter 5

1.2K 54 0
                                    

Denver

Napatingin ako sa relo ko. Tangina ang tagal namang magbayad parang isang damit lang naman iyon ah!

"Denver!"

Napatingin ako sa pinanggagalingan ng sigaw. Nakita kong hindi makapaglakad ng maayos sina Josh dahil sa dami ng shopping bags na dala. What the hell?

"Denver! Tulungan mo kami, gago ka!" Naiiyak na sabi ni Ryle. What's wrong with these people? Nitong nakaraan ay binilhan din namin si Akane ng damit at ngayon meron na naman!

Si Hazel, kung bilhan ng damit si Akane akala mo si Barbie lang. Lahat nang sinusukat ni Akane ay binibili niya. Tangina! Parang ako tuloy ang napapagod para kay Akane.

"Uuwi na ba tayo Senyorito?" Tanong ni Akane habang kumakain ng ice cream. Napadaan kami sa isang ice cream parlor at sabi niya ay gusto niyang matikman ang ice cream. Wala naman akong karapatang tumanggi. Syempre, si Akane 'yon, eh.

"Maya-maya na Akane! Sabado na bukas at walang pasok! Matagal ka naming Hindi makikita," nakasimangot na sabi ni Ryle nang biglaang mag-aya ito na uuwi na. She must be tired now.

"Sige. Kung iyan ang nais mo." Sagot niya Kay Ryle at napatingin sa akin. "H-hindi ka naman nagmamadali 'di ba, Senyorito?"

Napaisip ako. Wala naman akong gagawin sa bahay pagka-uwi so why not? "Gusto mo na bang umuwi?" Balik tanong ko sa kaniya at umiling naman ito.

"Fine."

"Ayon! Akala ko pagbabawalan mo si babes!" Masiglang sabi ni Josh. Isa pang babes at babangasan ko na talaga 'to. Hindi niya ba alam na naiirita ako sa kaniya kapag tinatawag niyang 'babes' si Akane?

"Sige, maglibot tayo ulit! Uuwi na mamaya si Akane," sabi ni Kristoff. Paalis na sana kami at napansin namin na nakatulala ito sa isang direksiyon. Hindi niya ata napapansin na natutunaw na ang ice cream niya.

"Akane,"

"Huh? Ayos lang naman ako. Uwi na tayo?" Aniya at niligpit ang gamit. Parang wala sa sarili si Akane. Kung hindi pa pinunasan ni Ryle ang kamay niya ay hindi niya pa malalaman na puno iyon ng ice cream na natunaw.

"Anong problema, Akane? May nararamdaman ka bang kakaiba? May masakit ba sa iyo?" Pang-ilang tanong na namin iyan sa kaniya pero hindi naman sumasagot.

"Ano ba kase ang nangyari? Bigla lang nagkaganyan 'yan. Dapat Kasi hindi na tayo nagpumilit na nanatili pa kahit saglit lang," nagtataka naman si Hazel. Nakatingin lang si Akane sa malayo habang may binibigkas na kung ano.

"Baka napagod lang iyan. Uuwi na kami, punta nalang kayo sa bahay bukas kung gusto niyo siyang makita," sabi ko at nilapitan si Akane.

Nang hawakan ko ito sa braso at napalingon ito bigla. Hindi ko maintindihan, ang mga mata niyang berde parang nag-iba ng kulay. Napakurap pa ako ulit pero walang nangyari.

"Papatayin niya ako," nanginginig na sambit niya.

Nagkatinginan kaming apat, "Ano ang sinasabi mo Akane? Uuwi na tayo, huwag ka nang matakot."

Hindi kaya ay may phobia or multiple disorder si Akane? Bigla nalang kase nagbago ang mood niya kanina. At ano itong sinasabi niyang papatayin siya? Sinong papatay sa kaniya? I won't let that happen.

"Iuwi mo na yan Denver, pupunta nalang kami sa inyo bukas. Kami na magdadala ng mga pinamili natin kanina," suhestiyon ni Kristoff at tumango naman ako.

Tamang-tama pagkalabas namin ng mall ay naghihintay na roon ang driver namin. Iginiya ko si Akane papasok sa sasakyan at sinara ang pinto nang makapasok ako.

My Maid Is A Goddess [Completed]Where stories live. Discover now