Chapter 9

996 51 0
                                    

3rd person's POV

Kinabukasan ay naghintay sina Hazel, Kristoff, Ryle at Josh kay Akane sa gate ng University. Napapadyak si Hazel nang dumaan si Adara sa harap niya at hihilahin na sana nito ang buhok niya nang hawakan ni Kristoff ang kamay niya.

Nanlumo naman ito at napatingin kay Kristoff. "Paisa lang! Hindi naman 'yon mamamatay dahil lang sa isang sabunot!" Maktol niya na nagpatawa kay Josh.

"Talaga ba? Isa lang? Kung 'di ka pa nga aawatin baka nakalbo mo na si Akane noon!" Asar nito sa kaniya at inis na tinanggal niya ang kamay ni Kristoff sa sa kamay niya at nilapitan si Josh

"Bwesit! Ipapaalala pa talaga, ha!" Singhal niya dito at binatukan.

Naiwan sa ere ang kamay ni Hazel nang may humila kay Josh palayo sa kaniya at itinago ito sa likuran niya.

Parang nakakakita ng multo si Hazel nanag mapagsino ang kaharap. "A-Akane!" Utal niyang bati. Napangisi naman si Josh na nakatago sa likuran ni Akane.

Pinandilatan niya ito ng Mata at binaba na ang kamay na sana ay ipambabatok niya ulit dito.

"Babes! S-Si Hazel inaaway ako, oh," parang timang na sumbong ni Josh kay Akane at hindi naman maipinta ang mukha ni Ryle.

"Bakit kayo nag-aaway? Iwan ko kaya kayo dito?" Kunot-noong sabi ni Akane at sabay-sabay silang napailing.

"Gago ka talaga Josh! Pahamak kang kingina ka!" Bulyaw niya dito nang makaalis si Akane. Ipinatawag ito sa Dean's office para tanungin ukol sa nangyari sa pageant.

Gusto nilang sumama pero hindi pumayag si Akane at ayaw niyang madamay pa ang nga ito. "Josh, huwag kang dikit ng dikit kay Akane, pakampi ang peg mo, ha? Epal! Pasapak nga isa," aambaan na naman siya ni Hazel ng sapak nang magsalita si Ryle.

"You think, Akane will be fine?" Tanong niya habang nakamasid sa labas at pinapanood ang nga estudyanteng dumadaan sa corridor.

Nilapitan ni Hazel si Ryle at saka inakbayan. "Alam mo Ryle, praning ka na. Hindi ka naman dati ganiyan, ah!" Sita niya dito at napalingon naman sa kaniya si Ryle.

"Ang sabihin mo, in-love kana Kay Akane!" Bulong ni hazel sa kaniya at tinaasan pa siya ng kilay at may mapaglarong ngiti sa labi.

Napatawa naman si Ryle sa sinabi niya kaya nagtaka siya. "Who knows?" Bulong niya din kay Hazel na nagpalaki sa mga mata nito.

"Holy shit— you do?!" Gulat na tanong niya dito at sinundan kung saan magpunta. Si Kristoff naman ay nakatingin lang sa kaniya at kung hindi niya alam na mag-pinsan si Ryle at Hazel ay iisipin niyang may namamagitan sa kanila.

"Hazel," tawag niya dito. Napatingin sa kaniya ang tatlo na nagbubulungan.

"Ano iyon?" Tanong ni Hazel habang pianupunasan ng tissue ang labi. They're at the cafeteria right now and Akane was nowhere to be found. Baka naparusahan na iyon o ano.

Bunuga siya ng malakas na hangin bago nagsalita. "Can we talk?" Tanong niya dito habang nilalaro ang tinidor.

"Nag-uusap naman tayo—"

"Can we talk, privately?" Tanong niya dito at muntik pang masamid si Josh habang ngumunguya ng lasagna. Napatingin sa kaniya si Ryle at inabutan ng tubig.

May pahampas-hampas pa ito sa dibdib na nalalaman. Akala mo naman ay talagang nabilaukan dahil sa gulat, ang sabihin mo ay dahil sa takaw. Walang hiya, puro pambuburaot lang naman ang alam niyan.

"O-Okay?"

Naunang lumabas si Kristoff at sumunod naman si Hazel at lumingon muna sa dalawa na nakatingin din sa kaniya.

My Maid Is A Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon