Chapter 8

1K 51 0
                                    

3rd person's POV

Nabalita sa buong Unibersidad ang gulong nangyari sa beauty pageant noong nakaraang gabi kaya naman mainit sa pandinig ng mga ito ang pangalang Akane.

Mayroon kaseng isang video ang nag-viral tungkol sa pananakal niya ay Adara sa pageant at nang makita iyon ni Ryle ay napamura siya ng malakas. Galit siya dahil sa una lang naman pala ang mga suporta ng mga ito, ngayon kung ano-ano na ang mga salitang binabato nila kay Akane.

"Tangina! Sinong gago ang nag post ng video na iyan?" Galit nitong sigaw habang nasa cafeteria sila. Hindi pa rin pumapasok si Akane at wala silang kabali-balita tungkol sa dalaga.

"Ryle, kumalma ka nga! Alam namin na nag-aalala ka sa kaniya, kami din naman pero huwag ka namang pahalata. Pinagtitinginan tayo rito," awat ni Josh kaya naman napaupo ito ulit sa upuan at napakuyom ang mga palad.

"Hazel, Okay ka lang ba?" Tanong ni Kristoff Kay hazel na tulala sa isang direksiyon.

Nang lumingon sila ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nila nang makitang magkasama si Adara sa isang lamesa at masayang nag-uusap.

"Gaga talaga ang babaeng 'yan!" Sigaw ni Hazel at akmang susugudin si Adara at Denver nang pigilan siya ng tatlong lalaking kasama niya.

Yakap-yakap ni Kristoff sa baywang si Hazel habang ang dalawa naman ay mahigpit ang hawak sa magkabilang braso niya.

"Tumigil ka nga! Para tayong timang na nagyayakapan dito!" Untag ni Josh nang mapagtanto na ang awkward pala ng posisyon nilang apat.

"Bitaw na!" Inis na sigaw ni Hazel sa kanilang tatlo.

"Sure na 'yan? Kalmado kana?" Tanong ni josh sa kaniya at galit niya itong tinignan.

"Alam mo, sasapatusin na kita!" Bulyaw niya dito. "Tsk. May araw din sa akin ang babaeng iyan, parang linta ang gaga!" Galit na sabi niya at padabog na kinuha ang bag sa upuan. "Tara na! Nababanas ako sa pagmumukha nila," aniya at nag-martsa palabas ng cafeteria.

"Weh?" Asar ni Josh at may pabunggo pa sa balikat. "Baka naman nagseselos ka?" Pang-aasar nitong bulong Kay Hazel na narinig ni Kristoff.

Pasimpleng sinulyapan ni Josh ang katabi para malaman kung anong reaksiyon nito at gulat nang makitang nakatiim-bagang at nakakuyom ang ng palad.

Alam nilang matagal ng may gusto si Kristoff Kay Hazel at ang isa naman ay napakamanhid at walang kaalam-alam na nasa tabi niya lang pala ang nagmamahal sa kaniya.

Biglang tumakbo si Hazel kaya humabol sila kahit walang kaalam-alam kung ano ang nangyayari.

"Anong meron?!" Parang timang na sigaw ni Josh sa dalawang nagtatatakbo din pahabol Kay hazel.

"Hoyyyyyy! Lalaking naka-cap at naka white sneakers! Humarap ka sa akin!" Sigaw ni Hazel habang habol ang hininga. "Potangina!"

Bigla na naman itong tumakbo at sumunod na naman ang tatlo. Biglang huminto si Hazel di kalayuan kaya naman napahinto din sila bigla at sabay-sabay pang natisod. Ang ending ay nadapa silang tatlo at pinagtitinginan sila ng mga estudyante.

"Pota, worst day," bulong Kristoff at pinagpag ang maong pants bago tinignan si Hazel.

"Bakit ba kase tayo tumakbo—"

"Please naman! Parang awa mo na, nasaan si Akane? Gusto namin siyang makita. Gising na ba siya? Ano? Ayos lang siya? May sugat, pasa or ano? Sagutin mo naman!" Naiiyak niyang tanong sa lalaki habang nakaluhod at nakahawak sa dalawang kamay nito.

"Hazel!" Tawag nila dito at nilapitan para patayuin pero ang tigas ng ulo ng babaeng 'to at walang pinakinggan. Hindi nito inalintana ang dami ng estudyanteng nakakakita sa kaniya.

My Maid Is A Goddess [Completed]Where stories live. Discover now