Chapter 12

1.3K 53 1
                                    

3rd person's POV

Halos hindi makagalaw ang mga kaibigan nito nang tignan sila ni Adara. Nakuha nila si Ryle nang umalis si Adara sa pwesto pero si Akane naman ang napahamak.

"Tumayo ka diyan Akane! Bwesit ka! Kahit kailan ay sagabal kayo ng malandi mong Ina! Simula nang isilang ka ay lahat ng atensiyon nasa iyo! Isa kang sakim sa atensiyon!" Galit na galit na sigaw nito.

• • •

Josh

Nagulat kami nang magbago ng anyo si Adara. Halos mapaatras kami dahil sa lakas ng impact nito sa amin. Habang si Akane naman ay gumagapang palayo sa kaniya.

"Si Akane, tulungan natin siya!" Iyak ni Hazel at astang lalapit kay Akane na nakaluhod at nakalapat ang dalawang palad sa sahig. Nakayuko lang ito at hinahabol ang hininga.

Akmang magbabato si Adara sa amin ng kung anong umiilaw na bagay ay tumalsik kami palayo at biglang may harang na nabuo. Tumama ang mahika ni Adara sa barrier na ginawa ni Akane.

Hanggang ngayon ba naman?! Tangina, Akane! Unahin mo ang sarili mo! Parang gusto kong isigaw 'yan sa kaniya. Inuna niya pa kaming lahat na nasa cafeteria bago ang sarili niya. How could you be so selfless, Akane?

"Gaga ka! Uunahin kita at isusunod ko ang lahat ng nandito! Lumabas ka diyan, Akane!" Sigaw nito at iniikot ang tingin sa loob ng barrier. Nasa loob silang dalawa at lahat kami ay nasa labas. Nagtago si Akane sa likod ng natumbang mesa at napatingin sa orasan.

Napahawak ito sa dibdib niya at napapikit. Nag-aalala ako para sa kaniya. Sa lahat ng mga babaeng naging malapit sa akin ay siya lang ang nakagaanan ko ng loob. Maliban kay Hazel, warfreak ang babae na iyon. PSH.

Nakasuot ng dress si Adara na hapit na hapit sa katawan niya. Kulay violet ito na hinaluan ng itim. Nakalugay rin ang mahaba nitong buhok at may kung ano marka palpulsuhan. Maganda siya kung tutuusin pero kabaliktaran niyon ang ugali niya.

Pinagsisipa niya ang lamesang madadaanan at pinapatamaan ng kaniyang mahika. Nag-ikot ito at ganoon rin ang iwas ni Akane dahil nakikita niya ang anino nito.

May babaeng tumakbo palabas pero bago pa siya makalabas ay nagsara iyon kaya napasalampak ito sa sahig at nanginginig sa takot.

"You're not going anywhere, darling." Saad ni Adara. Nakapasan si Ryle sa akin at kahit nahihirapan ay ayaw kong ilapag siya. Para sa oras na kailangan naming tumakbo ay madali naming magagawa iyon.

"Please, palabasin mo na ako," umiiyak na sabi ng babae pero umiling lang si Adara.

"Akane! Putangina lumabas ka na kung hindi ay papatayin ko ang babaeng ito!" Nanatiling nagtatago si Akane sa may mesa at hawak palapulsuhan. Akane? Bakit hindi ka lumaban? Tanong ko sa isip pero halos mapatalon ako ng sumagot ito sa akin.

"Hindi pa pwede Josh," aniya.

"Isa!"

"Dalawa!"

"Tatlo!"

Bilang ni Adara at sumigaw. "Durgaaaaa! Bwesit ka!"

Napangisi si Akane ng tawagin siya nito sa pangalang iyon. Parang kinilabutan ako nang bigla siya lumingon sa direksiyon namin at ngumiti.

"Mahal ko kayo," bulong niya bago lumabas sa pinagtataguan.

"Shit. What is she doing?!" Tarantang tanong ni Denver. Hindi namin alam kung paano basta kakampi na namin siya.

"Mabuti naman at nagpakita ka na!" Sigaw ni Adara pero ngumiti lang siya dito.

"Akala ko nga hindi mo na ako tatawagin," sagot niya dito.

My Maid Is A Goddess [Completed]Where stories live. Discover now