5

52 11 0
                                    

***

Nauna na sila mommy sa mansyon nila moma. Tutulong kasi sila sa pag-aayos niyon. Susunod na lamang ako kapag magsisimula na.


Gabi pa naman iyon gaganapin, pupunta ako roon ay bago mag 7:00 o'clock para naman hindi agaw eksena ang magiging entrance ko, ayoko pa naman sa atensyon ng mga taong ni hindi ko man lamang kilala.


Nakahiga lamang ako sa kama at nakatingin sa kisame ng biglang mag vibrate 'yong cellphone ko.

2 new messages from: bebelabs <3


Kunot ang aking noo dahil sa notification at sa nickname na nakalagay sa nagpop up na message. Pakialamero talaga, akala ko'y makikitawag lang s'ya kahapon, pinalitan pala ng name. Tsk.

Binuksan ko ang mensahe na nagmula sa kaniya.

From: bebelabs <3

Isasabay sana kita mamaya, kaso sasama pala sila, tito. Kita na lang tayo sa venue, beybi-beyb ko. <<33

From: bebelabs <3

Ganda ng nickname ko d'yan ha, 'wag mo palitan. ^-^


Napakawala ako ng buntong hininga bago pinatay ang cellphone ko. Hindi pa pala ako nakakabati kila moma at dido. Mamaya na lang siguro, sana naman hindi sila magtampo kung mamaya pa darating ang bati ko.

Alas 10 pa lamang ng umaga. Nakapag-almusal na rin ako kanina ng tinapay at 'yong gatas na dala ni yaya Melda. Sabi ko pa nga sa kaniya ay dapat hindi na s'ya nag abala pa dahil marami rin silang inaasikaso pero sabi niya'y minsan na nga lang daw n'ya ako mapagsilbihan kaya huwag ko nang tanggihan pa.

Nakahanda na rin mga gamit na gagamitin ko mamaya kaya naman boring na boring na ako dahil wala akong mapagkalibangan. Ayoko naman manood ng t.v dahil gaya nga ng sinabi noon ni Liah, paulit-ulit lang iyon. Nagsasawa na rin ako.

Sa libro naman, nabasa ko na lahat ng nabili kong libro. Wala na rin akong makitang libro na nagugustuhan ko kasi halos nabili ko na lahat.

Nakahiga pa rin ako sa kama at nakatitig sa kisame, at doon ko rin nagsimulang tanungin ang sarili ko.

Napakaboring ba talaga ng buhay ko? I mean, mga hobby ko. Na halos bahay lang nang bahay? Walang kaibigan, maliban sa mga pinsan ko at kay Marius. Walang ibang napagkakalibangan pero okay lang, i mean... Yes, boring minsan pero mas napapagod kasi ako pagnakikipag socialized ako sa iba eh.

Tila ba, napakalaking hamon ng pakikipagsalamuha para sa akin. Parang nakakapagod bumati ng bumati at ngumiti ng ngumiti sa iba. Tapos sa huli, malalaman mo mga gold digger at manggagamit pala kaya ka kinaibigan. Tsk tsk, mas okay na talaga ang ganito kesa gano'n.


"Ate Amber, gusto mo po kumain? Nagluto po si nanay ng adobong manok." Tawag ni Mel mula sa nakasaradong pinto.

I let out a sigh before leaving my bed. "Lalabas na ako, kumain na rin kayo." Sagot ko bago isinuot ang slippers ko at lumabas.

Chineck ko muna kung maayos ba 'yong iiwan kong higaan bago ako nagtungo sa kusina. Nakaupo na silang pamilya roon at nagsisimula na magsandok ng pagkain.

"Wow naman, masarap po ba 'yan?" Mapang usisa ngunit may halong pang-aasar na tanong ko kay yaya Melda. Pero sa halip na siya ang sumagot ay si Mang Pido ang nagsalita. "Syempre naman, ma'am. Luto ata ng asawa ko 'yan." Sagot n'ya at nagsimulang tumawa ang mag-ina.

Our Last Dance (CS1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora