ESPESYAL NA KABANATA

47 10 0
                                    

(A/N; ANNYEEEONG!!! I'm not sure kung may kasunod pa akong update after nitong special chap. Ang plano ko kasi is maglagay ng P.O.V ng ibang side character pero pag-iisipan ko muna kung gagawin ko ba. HAPPY NEW YEAR, EVERYONE!!)


-

(A/N: kindly play Huling Sayaw by Kamikazee acoustic version while reading this chapter)


SOMEONE'S POV


Nakatayo ako sa may terrace habang nakatingin kila mommy habang karga-karga ang dalawang bata sa tigkabilang bisig ko.


Sa edad na 70 ay mahina na ang kanilang katawan subalit nagagawa pa nilang tumayo at magsayaw, bata pa lang ako ay halos gabi-gabi ko nang pinanonood ang pagsayaw nila mommy at daddy sa salas, sa kusina at sa hardin ng aming tahanan.


Ang mga pagtingin na ibinibigay ni daddy kay mommy, at ang pagtititigan nila na tumatagal ng ilang oras. Gusto ko rin no'n, pero alam kong ang makatanggap ng pagtingin na iyon ay isa sa bagay na hindi ko naranasan kahit kailan sa kadahilanang hindi ko matingnan sa mata lahat ng nakakasalamuha ko dahil sa takot na nararamdaman ko.


"TING!" narinig kong tunog ng bell, hudyat ng pagtawag sa akin ni daddy.


Masyado na silang matanda para makasigaw pa maya kinailangan kong gumawa ng paraan kung paano nila ako matatawag kung sakaling malayo ang kinaroroonan ko sa kinaroroonan nila.


Binitawan ko muna sandali ang mga batang hawak ko bago ako naglakad sa patungo sa hardin kung saan nakatayo sila mommy at daddy.

"Bakit po?"


"Anak, can you play this again?" nakangiting tanong ni mommy gamit ang maliliit niyang boses.


Tatlo kaming magkakapatid pero dahil humiwalay na ang dalawa kong nakatatandang kapatid ay ako ang naiwan dito sa bahay. Dumadalaw naman sila para silipin sila mommy pero madalang dahil may sarili na silang pamilya, unlike me na sa edad na 39 ay naghahanap pa rin ng totoong pagmamahal.


(A/N: She have her own story po so tatapusin ko na rito yung p.o.v n'ya tungkol sa pagmamahal na yan HAHAHA. Baka kasi mawili ako't madulas ay maspoil pa kayo ng super.)


Kinuha ko ang speaker na hindi gano'n kalakasan dahil alas 8 na rin halos ng gabi, baka mabulabog yong natutulog sa katapat at katabi naming bahay.


"On loop po ba, mommy?" tanong ko.


"Isa na lang, anak. Pagod na kami ni daddy mo kaya isa na lang." tumango ako dahil sa sinabi n'ya, paano sila hindi mapapagod eh halos nasayaw na ata lahat ng slow song dito eh.


Pinatugtog ko iyon at nagsimula na ulit silang sumayaw.



--

THIRD PERSON'S POV


Habang tumutugtog ang kanta ay unti-unting bumabalik lahat sa ala-ala nilang dalawa.


Mga panahon kung kailan sila unang nagkita, bagay na ngayon na lang ulit nila naalala.


Napangiti ang matandang babae habang inaalala kung paano noon tumungo ang lalaki sa tuwing inaaya at pinipilit siya nitong sumayaw.


Ang mayabang, makulit at nakakainis nitong pagmumukha ay tila naging maamo kapag tinititigan n'ya ito.


Eros, Eros, Eros, dumaan ang napakaraming taon ay napakarami rin nilang pinagdaan, hindi lang tuwa, kilig at saya gayo'n ang sakit at alitan subalit hindi ang pagsisisi.


"Hon?" tawag ni Elle sa asawa na tingnan mo pa lamang ay alam at batid mong inaantok na.


"Yes, hon?"


"Mahal na mahal kita, Eros. Palaging ikaw ang aking una't-huli" nakahawak siya sa kamay ni Eros habang sumasabay ang paa at katawan nila sa tugtog.

"Mahal na mahal din kita, Elle. Kayo ng mga anak natin." hinalikan n'ya si Elle sa noo, sa tungki ng ilong at sa labi.


"Is this our last dance, hon?" naiiyak man ay nakangiting tumango ang babae. Sapat na ang mahigit limangpung taon nilang pagsasama rito sa lupa para masabing sobra pa sa sobra ang pagmamahalan nilang dalawa.


"Pagod na ako, Eros. Alam kong pagod kana rin. May pamilya na rin ang mga anak natin, yung bunso naman natin, alam kong kaya n'yang gumawa ng sarili n'yang desisyon. Kung tatanggapin ba n'ya ulit kung sakaling bumalik o kung tatanggapin n'ya ang pag-iisa. Matalino s'yang tao" saglit siyang tumingin sa anak n'yang bunso na nakamasid sa mga batang naglalaro sa terrace.



Nakatalikod ito sa kanila kaya hindi nila batid na umiiyak na ito dahil sa naririnig. Masyado nang mahina ang pandinig nilang dalawa kaya hindi nila naririnig ang mahihinang hibi ng anak. Tanging tugtog lamang at ang sarili nilang usapan ang naririnig nila.



"Magpahinga na tayo, mahal ko." ngumiti ang matandang lalaki bago niyakap ng mahigpit ang asawa.


"Hindi ka napagod isayaw ako nang paulit-ulit pero sa ngayon, paalam na sa ating huling sayaw, hon." pagsabay ng babae sa kanta


Nagsimulang magligpit ang bunso nilang anak kaya naman umuna na silang mag-asawa sa pagpunta sa kanilang silid para magpahinga.


"Hon"


"Yes, hon?"



"Sana..."


"Hmm?"


"Sa susunod na paggising ko, ikaw pa rin ang makakatabi ko."


Iyak at tangis ang naririnig sa loob ng bahay ng mag-asawang Vallejo, namahinga na sila gaya ng sinabi nila. Dahil pagkatapos ng huling sayaw nila kinagabihan ay hindi na sila parehong nagising kinabukasan.

-




Our Last Dance (CS1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ