6

55 11 0
                                    

***

"Oh, here's the devil" mahinang bulong ko pero alam kong narinig n'ya iyon dahil nakaramdam ako ng malakas na hampas sa aking braso.

"Devil ka ryan! Hindi mo nga kami inuwian ni Seren, miloves, ng ilang araw tapos ganiyan ka sa amin." Hindi na ako nagsalita pa o sumagot pa sa mga sinabi ni Liah dahil as usual, hindi s'ya titigil.

At dahil masquerade party 'to, may mga maskara silang hawak na hanggang ilong lang ang natatakpan. Gayon din ang ibang bisita. Pero dahil mainit, hindi ko muna isinuot ang pula kong maskara at ganoon din ang dalawang ito.

Tiningnan ko si Seren na nakaupo rin sa isa pang upuan malapit sa akin na nakatingin sa isang sulok. Doon ko natagpuan ang apat na lalaking mga seryosong nag-uusap-usap. I can't clearly saw their faces dahil sa mga sout nilang maskara pero tingin ko'y matanda lamang sila ng dalawa o tatlong taon kaysa amin.

Kita ko ang kaba sa mukha ni Seren kaya kinapitan ko s'ya sa balikat. "What's the matter?" Agarang tanong ko. Umiling na lamang s'ya at nag-iwas ng tingin, ayaw nanaman n'yang sabihin.

Hindi ko na s'ya pinilit pa dahil kapag ginawa ko iyon ay iiyak lamang s'ya sa balikat ko at baka isipin ng mga naririto na nasisiraan na kaming mga apo ng Cerridwen.


Sabagay, may sira naman talaga si Seren dahil kung ano-ano pinaggagagawa n'ya sa buhay n'ya pero mas malakas sira nung isa kong katabi na bigla na lamang titili, tatawa at sisigaw pag may napapadaang gwapo sa harap n'ya.

"Good evening, ladies and gentlemen." Napatingin kami sa unahan at doon nakatayo si moma habang hawak ang mic at nasa tabi n'ya naman si dido.

Ngayon ko lang din napansin na sobrang dami na pala ng tao, masyado kasing natuon ang pansin ko sa dalawang presensya ng mga katabi ko. Na isang may sira sa ulo at isang may kung anong dinadala.

"I would like to thank to all of you for coming to our 24th wedding anniversary." Ang tagal na nilang magkasama ni dido, wedding anniversary pa lang nila 'yan, ano pa kung 'yong relationship anniversary nila ang pag uusapan.

If I'm not mistaken, 30+ anniversary na nila sa darating na December 25th, yep pasko. Papasko raw kasi iyon ni moma kay dido eh. Kaya doble celebration kami every Christmas.

Nag speech pa sila sa unahan pero wala na akong naintindihan dahil pumasok na muna ako sa loob ng mansion. Kinausap ko kasi 'yong isa sa nag aasikaso ng buffet na nais ko mag-uwinng pagkain kaya nagpapatabi ako ng pagkain.

Marami pa ring pagkain ang nasa loob at hindi pa nailalabas kaya inuhanan ko na. Madali naman silang pumayag dahil alam nilang isa ako sa apo nila moma kaya hindi na ako nahirapan pa.


Matapos iyon ay bumalik na ako sa aking pwesto, tapos nang mag speech sila moma at 'yong host na ang nagsasalita. Hindi kasi pwedeng tumayo si moma ng matagal kaya naman kumuha sila ng host para iyon na lang ang mag-asikaso at magsabi ng mga bagay-bagay.


Tulad ng pasasalamat sa mga kilalang tao na naimbitahan achuchu.


Nangmakabalik ako sa aking upuan ay sakto ring may tatlong pares nv paa na palapit din sa aming pwesto. Si Liah ang unang nakapansin kaya naman sabay kaming nagbaling ng tingin ni Seren sa tatlong iyon.

"Oy, Mr. Vallejo!" Nakangiti at masiglang bati ni Liah. Idol na idol n'ya talaga si Mr. Vallejo eh. May suot siyang black mask at ganoon rin ang dalawang kasama n'ya.

"Hello, Liah-ganda." Bati pabalik ni Sir.

Bumati siya sa akin at saka nagpaalam na aalis muna saglit para batiin sila moma.


Our Last Dance (CS1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora