7

54 11 0
                                    

***

"BABY-BEEEEYB!! Andaya mo naman eh. Akala ko ako ang magiging first dance mo." Nilampasan ko si Marius na sasalubong sana sa akin.

Simula kasi kagabi ay 'yon na ang bukang-bibig n'ya. Hindi raw s'ya makapaniwalang pangalawa lang siya. Tsk tsk.

No'ng 18th birthday ko kasi, hindi kami nagpaparty. Simpleng kainan lang 'yon at walang kung ano-ano pang ganap. Mga regalo lang ang natanggap ko at iba't ibang uri ng bulaklak galing sa iba't ibang tao. Pero dancing with 18 roses? No.

Nagrereklamo nga no'n sila Liah at lalo na 'to si Marius. Akala mo naman sila ang celebrant.

"Baby-beyb naman." Umupo siya sa sofa na nasa tabi ng sofa na inuupuan ko. "Marius, wag kang magreklamo d'yan. Eh halos hindi mo na nga tigilan pagsayaw kay Liah kagabi eh."

Nakita ko ang bahagyang pagkagat n'ya sa labi n'ya kaya napailing na lang ako, he's so whip. Kaso torpe, tsk tsk. Sa kalokohan lang magaling eh.


"Sige na nga, titigil na ako. Pero kamusta ang first dance? Parang ayaw ka pa ibigay sa akin kagabi eh." Nakita ko ang panunudyo sa kaniyang mukha at hindi rin maitatago ang pang iinis sa kaniyang boses.

"You know what? Umuwi ka na lang. Ang aga-aga e' ang ingay mo." Sahalip na sumagot ay iyon ang sinabi ko.


Nagpout naman s'ya at saka isinandal ang likod sa sofa. Tanda ng hindi pa niya nais umuwi sa kanila.


"Wag mo naman ako itaboy, baby-beyb. Aalis na nga ako sa Sabado eh." Oo nga pala, babalik na s'ya sa Australia.

"Goodmorning, miloves" bati ni Liah ng makalabas sa kaniyang silid.

"Good—"

"Goodmorning din, lalabs ko." Hindi ko mapigilang mapabaling ng tingin kay Marius.

Gago talaga 'to.

"Yak, hoy lalaki! Mandiri ka nga!" Kita ko ang iritasyon sa mukha ni Liah pero sa halip na tumigil si Marius ay lalo lang n'ya itong iniinis.

Tumayo ako at inayos ang throw-pillow sa inupuan ko. Bumalik na lamang ako sa aking silid upang maglinis ng katawan.

Pupuntahan ko nga pala si Mr. Vallejo ngayon para kunin 'yong pointers ko. Hindi siya makakapunta dito dahil masama raw ang kaniyang pakiramdam.

Wala rin naman akong ginagawa kaya pumayag na ako sa pagpunta roon. Hindi naman iyon gano'n kalayo. Sakto rin na dadaan doon si Marius kaya makikisabay na lang ako.

"BABY-BEYB! Tapos kana ba?" Saad ni Marius habang kumakatok, sakto rin naman na handa na ako.

"Yup, bababa na rin ako." Narinig ko ang papalayo n'yang yabag kaya naman chineck ko muna kung maayos ba ang lahat bago ako lumabas.

Nakaupo siya sa sofa at tila may iniisip. Ni hindi nga n'ya ako napansin eh. Tiningnan ko s'yang maigi, it's a rare sight for me. Ni hindi ko nga siya nakikitang tulala eh.

"Problema?" Tila nabalik siya sa kasalukuyan at tumingin sa akin.

"Oh, baby-beyb! Kanina ka pa ba?" Hindi n'ya sinagot 'yong tanong ko pero hinayaan ko na lang. Tulad ng sinabi ko dati, we're somehow close pero hindi abot sa punto na pati problema ng isa't isa alam namin.

"Let's go?" Yaya n'ya, nauna s'yang maglakad kaya naman sumunod na lang ako.

Naging tahimik ang biyahe namin, hindi gaya ng ibang pagkakataon na puro pangbibwisit at pagkekwento ng kung ano-ano ang ginagawa n'ya.

Our Last Dance (CS1)Where stories live. Discover now