WAKAS (PART 1)

43 10 0
                                    


(A/N: medyo mahaba po ito dahil nandito yung paliwanag at dahilan ni Eros na hindi ko binanggit sa previous chapters)

--

"IKAW, Xanth! Magsama kayo ng ama mo!" saad ni mama. Pitong taon pa lang ako no'ng iniwan n'ya kami.


"M-Mama" nagmamakaawa na ako sa kan'ya na huwag n'ya kaming iwan pero isa lang ang sinabi n'ya na dala ko hanggang paglaki.


"Ikaw, Eros! Nakakapagod kayong mahalin! Hindi n'yo deserve mahalin! At kahit kelan hindi ko kayo minahal! Kasalanan n'yo lahat kung bakit ako naghirap ng ganito! Tandaan mo, iiwan ka ng taong mahal mo!"


-

"DAD, I'm going home na." saad ko at nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang linya.


"[Ngayon na ba?]"

"Mamaya pa po" nag-usap lang kami sandali ni dad bago ko ibaba ang telepono.

Nagbakasyon lang ako sa Australia for 5 years, oo, bakasyon, may pastry shop din ako na pinatayo rito eh. I love creating pastries especially piyanono. That's a sponge cake roll na mabili sa Pilipinas. Mabenta rin iyon sa shop ko dahil nga ako lang ang may ginagawang gano'n.


Ako ang owner ng pastry shop na yun pero iniwan ko na yun sa pinsan kong si Marius, total aalis na rin naman ako at mag-istay na sa Pilipinas, s'ya na bahala roon.

.



"WHAT if ibenta ko na?" mapanghamong saad n'ya.


"Bahala ka." sagot ko, nag-aayos na ako ng gamit ko dahil uuwi na nga ako. Nag-iwan lang ako ng ilang pamalit kung sakali mang magbabakasyon ako rito.



"Susunod rin kasi ako roon bukas" pagdadahilan n'ya, so ibig sabihin ay wala ngang magbabantay? May sarili namang business na inaasikaso sila tita kaya alam kong wala rin silang oras para masilip ang shop ko.



"Close mo na lang" suhestyon ko, hindi naman na s'ya nagsalita. 



Busy s'yang may kachat sa phone kaya naman sumilip ako sandali. Nakita kong nagsend ng larawan   ang babaeng kausap n'ya. Tatlo silang naroon. Isang babaeng mataray ang mukha, isang maamo at isang- wait, I think I already saw that girl.




"Oh, chismoso ka" mabilis na inilag ni Marius ang phone n'ya tanda ng ayaw n'ya iyong ipakita.  Tsk, chickboy. 


--




"HELLO, dad!" sinundo ako ng erpat sa airport at doon ko rin nalaman na imbitado pala kami sa anniversary ng Cerridwen, sikat ang apelyedong iyon dahil sa yaman at ganda ng ugali ng pamilya.  Ang alam ko rin ay nagtatrabaho si dad sa kanila.



At dahil wala ng akong nadalang damit ay kailangan kong bumili ng maisusuot. Mabuti na lang talaga at kilala ako ng mommy ni Psyche kaya hindi ako nahirapang maghanap ng isusuot.



Si tita Thea kasi ang may-ari ng ilang branches ng mga boutiques dito sa Pilipinas, bukod sa branded na ay makakapagtiwaalan pa.


Nang makapasok ako sa boutique ay nakita ko si tita na may kausap at tingin ko'y tinutulungan n'ya iyon sa paghahanap ng damit.



Papunta na sana ako sa men section ng mag mapansin akong babaeng palinga-linga sa kung saan.  Tila tinitingan kung may tao ba sa pupuntahan n'ya o wala.


Nang mapagtanto niyang wala ay tsaka s'ya naglakad patungo roon, hindi ko alam kung anong nangyari pero sa halip na sa men section ako pumunta ay sa girl section.



Our Last Dance (CS1)Where stories live. Discover now