10

42 10 0
                                    

(A/N: KUNG INIISIP N'YO NA PARANG MEDYO MABILIS YUNG DALOY NG KWENTO, MABILIS TALAGA. NADALA KASI AKO SA MIDNIGHT UNIV KO NA SA SOBRANG HABA AY HINDI KO NA NATAPOS. AND ALSO, MAIKSI LANG KASI DAPAT 'TO, SHORT STORY NA AABOT LANG DAPAT SA SAMPONG CHAPTER ANG HABA KASO HINDI KAYA NG 10 CHAP LANG. I'M SURE NA HINDI ITI AABOT NG 20 OR 25 CHAPTER KASI MEDYO MABILIS NGA ANG MGA PANGYAYARI. ANYWAYS, ENJOY READING! AND ADVANCE HAPPY NEW YEAR!!)

-----

"UHM, Elle, may gagawin ka ba bukas?"  agad akong tumango bilang sagot.

"Pinapapunta ako ni moma sa mansyon nila eh." dagdag ko pa.


Kagagaling lang namin sa swing kaya naglalakad kami ngayon pauwi sa bahay. Halos apat na linggo na rin kaming nagkakasama, walang bago, he's still courting me at unti-unti na rin s'yang pumapasok sa sistema ko.


Sometimes, I think i have a little crush on him na. Masyado rin kasi siyang makulit like his cousin kaya hindi malabo na nagkakasundo kami sa ilang bagay.


Minsan nga ay nagugulat na lang ako nasa labas na s'ya ng bahay namin at may bitbit na isang supot ng tinapay. Hindi rin naman siya nagtatagal sa loob ng bahay dahil may mga kailangan din siyang gawin.


Napapansin na rin nila daddy ang bagay na iyon kaya lagi nila akong tinatanong kung sigurado na ba ako, bagay na hindi ko masagot dahil alam kong hindi.


Hindi siya nagsalita kaya agad akong tumigil sa paglalakad at humarap sa kaniya.


"Natahimik ka ata?" magsasalita sana siya pero nakita ko ang pag-aalinlangan sa mata n'ya.



"Spill" tanging saad ko kaya naman napabuntong hininga muna siya bago nagsalita.


"Uhhh, Nagsasawa ka na bang kasama mo ako palagi?" diretso s'yang nakatingin sa akin at handang hinatayin na isampal ko sa kan'ya ang sagot ko.


"Kapag ba sinabi kong oo, titigil at didistansya kana?" agad s'yang umiling, bago pa man niya makita ang pagguhit ng ngiti sa aking labi ay tumalikod na ako't nauna na ulit maglakad.


Naramdaman ko ang muli n'yang pagsunod at halos mapalundag ako ng maramdaman ko ang paghawak n'ya sa kamay ko.


Gusto ko mang tanggalin ang pagkakakapit n'ya ay hindi ko magawa dahil hindi n'ya hinahayaang makakalas ko. Hinayaan ko na lamang iyon hanggang sa makarating kami sa bahay.


Bago kami makarating ng tuluyan sa tapat ng bahay ay may kinuha s'ya sa bulsa n'ya at inabot iyon sa akin.


"What's this?" isa iyong kahong kulay itim, hindi ko pa iyon binubuksan.


"Basta, you can check it later. Sa ngayon, pumasok kana sa loob dahil magdidilim na." tiningnan ko muna yung kahon at isinilid iyon sa pouch na dala ko.


"Ingat ka pag-uwi" saad ko ng tuluyan ka kaming makarating sa bahay. Ngumiti siya at inantay n'ya muna akong makapasok sa loob ng bahay bago s'ya nagtungo sa kaniyang kotse at pinaharurot iyon paalis.



"NAPAPADALAS ata ang pag-alis mo?" agad na napataas ang aking kilay ng makapasok ako sa loob ng bahay.


"So? And kindly answer me, why are you here?" napamangot siya dahil sa turan ko.


"sungit mo talaga, minsan na nga lang tayo magkita eh. Wala man lang bang FLEUR!! LONG TIME NO SEE AH, NAMISS KITA! " she's trying to imitate my voice, as if naman gusto ko siyang makita.


Nakaupo s'ya sa sofa habang nakaindian sit, may nakapatong na throwpillow sa mga binti n'ya habang ngumunguya ng kung ano.


"hindi mo sinagot ang tanong ko, why are you here?" pag-uulit ko ng tanong. Ibinaba ko ang pouch na hawak ko bago ako umupo sa sofa para maghubad ng sandals.


"Well, nagpapahinga si Seren eh." saad n'ya na agad ko namang naintindihan.


"May nangyari ba?" agad na tanong ko, sa aming tatlo, sa kan'ya ako nag-aalala.



"Knowing her, hindi s'ya papayag na may pagsabihan ako. Hindi ko rin naman alam buong kwento eh. So, hindi natin s'ya masisisi." sagot ni Fleur.



I felt bad for Seren, he's too strong and fragile at the same time. Kung hindi mo s'ya kilala ay aakalain mong mahiyain lang s'yang tao but mas malala pa iyon. She's too precious for us.


Tumahimik kami matapos iyon, tatayo na sana ako ng bigla akong may maalala.


"Aray! Hoy, sadista ka!" agad na napahawak si Fleur sa ulo n'ya dahil sa batok na ginawa ko, hindi naman iyon gano'n kalakas.



"Saan mo dinala si Seren nung nakaraan ha?! Kung ano-ano tinuturo mo kay Seren!" nakita ko ang paglaki ng mata n'ya dahil sa sinabi ko.



"Pinagkiss ko lang nama-" hindi pa s'ya natatapos magsalita ay agad s'yang nanakbo palayo.


"Napakainosente ni Seren, Fleur! Kung ano-ano pinagagawa mo sa pinsan ko, malandi ka!!" napuno kami ng bangayan, yeah. Bukod kay Liah at Marius ay isa rin si Fleur sa nakakabangayan ko tuwing napapadpad s'ya rito.


I love them, they are Seren's friends, si Leu na para nang nakababata kong kapatid, si Fleur na pwede ko nang maituring na bestfriend ko.  I treasure all of them, maliban sa isa.


Matapos kong kumain ay nagtungo na sa banyo upang maglinis ng aking katawan. Nagbabad ako roon for almost one hour bago ko napagdesisyonang magbihis na.

Nang matapos ako ay nagtungo agad ako sa aking study table para ligpitin ang mga gamit doon. Napakag-exam na ako last week at gaya ng inaasahan ko ay nakapasa naman ako. After ng exam ko na iyon ay pahinga na muna ako. Kung baga sa school ay bakasyon muna.



Hindi rin nagpapakita si Mr. Vallejo dahil gaya ko, magbabakasyon din daw muna s'ya at ipapahinga ang gwapo n'yang mukha, tsk.

-

HABANG nililigpit ang mga gamit na iyon ay natabig ko ang nakabukas kong pouch dahilan para mahulog iyon at lumabas ang laman.  Nakita ko ang saradong box na inabot ni Eros kanina.


I nearly forgot about that thing. Dinampot ko nag pouch upang itabi at kinuha ko naman ang box para tingnan ang laman no'n.


Agad na napakunot ang noo ko ng buksan ko iyon. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya.


"[hello? kumain kana? i miss you]" sunod-sunod na saad n'ya pero hindi ko iyon pinansin.


"What's this? I already told you na I hate alahas" saad ko at natahimik naman s'ya sandali.



"[I know, but that's uhh, that's not just a necklace.]"


"What do you mean?" not just a necklace? May portal ba 'to patungo sa kabilang mundo? tss.


"[You see, may maliit na black button sa likod nung heart pendant right?]"


Agad kong tiningnan yung sinasabi n'ya at saka ko lang napansin na meron nya. Silver ang necklace pero dahil maliit ang button na nakalakip do'n ay hindi agad iyon mapapansin kung hindi mo uusisain.

"Yes, I saw it na"

"[Corny man pakinggan pero...]"

"pero?"

"[Can you press that button kapag handa ka nang papasukin ako sa buhay mo? Kapag sigurado ka nang tatanggapin mo ako? K-Kapag, uhh, mahal mo na rin ako? ]"


-----☆-----

Our Last Dance (CS1)Where stories live. Discover now