12

39 10 0
                                    


(A/N: Hii!! Five more chapters to go tapos epilogue na HAHAHAHA. I told you, maikisi at mabilis lang ang Series na 'to. Well, hindi ko lang sure sa CERRIDWEN Series 2 and 3 kung mas mahaba iyon kaysa rito kasi hindi ko pa naman iyon nasisimulan, pero tingin ko naman ay 20 chapters lang din aabutin no'n.)


MAG-ISA at tahimik akong nakaupo sa likod, lumipat na ako ng pwesto. Kung kanina ay nasa unahan ako, ngayon naman ay nasa likuran na.

Nagpaiwan sila Psyche sa pwesto namin kanina, naiinis but I can't blame her. I know na wala syang idea. Tinawag pa ako Eros kanina nung paalis ako pero hindi ko s'ya pinansin, magsama sila.

Tama nga si Sir Ralf nung dinescribe n'ya yung anak n'ya sa akin dati, babaero. tsk tsk, pare-pareho lang sila.

Bakit hindi man lang s'ya umiwas kanina nung hinalikan s'ya ni Psyche. Hindi man lang ako pinakilala kay Psyche bilang nililigawan n'ya.  How dare him?! Two timer!


"Okay ka lang?" umupo s'ya sa tabi ko. I know this man, it's been a year simula nung huli ko s'yang makita.  Sa pagkakaalam mo ay lumipat sila sa Australia ng pamilya n'ya at doon nagtayo ng panibagong negosyo.

"I'm fine" sagot ko

"Hindi naman ikaw yung tinatanong ko, Elle, yung baso" napatingin ako sa basong hawak ko, ang higpit pala ng pagkakahawak ko roon.

"Kamusta? Tagal nating hindi nagkita." pag-iiba ko sa usapan.

"Yeah, nakatanggap lang kami ni Hestia ng invitation kaya umuwi muna ako."  saad n'ya.

"So, may boyfriend kana?" tanong na agad kong ikinailing.

Nga pala, this guy is Aga. He used to court me pero gaya ng lagi kong ginagawa, pinagtabuyan ko rin s'ya.  Ang pinagkaiba lang sa iba kong manliligaw, naging magkaibigan kami kahit papaano.

"Hindi mo pa ako pinapakilala sa girlfriend mo." sabi ko, balita ko kasi ay may niligawan s'ya ilang buwan matapos ko s'yang busteden.

Narinig ko ang bahagya n'yang pagtawa bago napailing-iling. "I don't have a girlfriend. Lets say na muntik na, kaso ayaw n'ya raw pala sa akin." natawa ako dahil do'n.

"Pangit mo raw kasi." natawa rin s'ya dahil sa sinabi ko.

"Yuh, kala mo naman hindi s'ya nagkacrush sa akin." inirapan ko s'ya kahit totoo naman ang sinabi n'ya. 


Nagkacrush ako sa kan'ya dati tapos nung nalaman n'ya 'yon ay kinrushback n'ya ako kaya naman bigla nalang nawala feelings ko sa kan'ya. Niligawan n'ya ako pero i turn him down agad-agad at sinabing friends hanggang lang kami, crush lang yun at hindi aabot sa ibang estado ng relasyon. Desisyon kasi ako.



"Epal" muli s'yang tumawa dahil sa naging sagot ko.


"So, walang nanliligaw sayo ngayon? Ligawan kita ulit." bakas ang pang-aasar sa kan'yang boses dahil alam naman n'ya ang magiging sagot ko.



"Gago" halos mapahawak ako sa aking tyan sa katatawa dahil sa gulat sa mukha n'ya.


"N-Nagmura ka?" halos hindi makapaniwalang tanong n'ya.  Ano ba kasing nakakagulat sa pagmumura ko at lahat sila gano'n ang reaksyon kapag naririnig akong magmura.



"Hindi, guni-guni mo lang yun" muli kaming tumawa, nakita ko ang bahagyang pagtingin dito nila moma dahil siguro sa napapalakas ang tawa naming dalawa.


Our Last Dance (CS1)Onde histórias criam vida. Descubra agora