1

1.1K 41 2
                                    

Parang basang sisiw si Celeste habang kinukuha ang mga sinampay sa likod-bahay ng mansion el Delgado.

Isa siya sa maraming alipores ng mag-asawang sina Don Hildebrando at Ginang Natividad. Laki sa karalitaan si Celeste kaya naman wala siyang magawa nang ipagbili siya ng kaniyang mga maralitang magulang katumbas ng bayad sa pagkakautang nito sa nasabing pamilya.

Edad kinse siya noon ng magsimula siyang mangatulong sa mag-asawang Delgado. Kilala sa kanilang bayan ang mag-asawa sapagkat sila lang naman ang may nagmamay-ari ng halos kapatagan at mga lupaing tinataniman ng tubo, niyogan at maisan doon.

Bantulutot na winaksi ni Celeste ang mahabang kumot na nakasampay sa isang may kataasang sampayan doon, kaya naman halos matumba siya sa paghila nito.

"Bulaga!" iyon ang bumungad sa kaniya sa pagitan ng kumot na nasa kaniyang harapan.

"Ay! Ano ka ba señorito!" hintatakot na turan niya habang sapo ang sariling dibdib.

Nakangiti lamang sa kaniya si Miguel na siyang panganay na anak ng mag-asawang Delgado.

"Sorry, pero wala kasi akong magawa sa loob eh," kamot-ulong sambit nito sa kaniya. Hindi maitatagong nananalaytay sa dugo ni Miguel ang isang pagiging Delgado. Nakuha kasi niya ang tikas at kagwapohan ng kaniyang amang si Don Hildebrando na may dugong Kastila.

"Gusto mo ng tulong?" anyaya ng binata sa kaniya. Kagaya niya'y nasa sekondarya na ito. Dese syete na ito kumpara sa kaniya, kaya madalas itinuturing niya itong nakakatandang kapatid.

Kemeng tumango si Celeste at kinuha ang banyerang paglalagyan ng mga sinampay.

"Oh, kung mapilit ka. Hayan!" irap na sambit ni Celeste. Ang totoo ay natutuwa siya ngayon sa presensya ni Miguel. Sa tatlong anak nina Don Hildebrando, si Miguel ang nakapalagayang loob niya dahil mabait ito at matulungin.

Hindi kagaya ng dalawang nakababatang kapatid nito na palagi na lang siyang binibigyan ng sakit ng ulo o kaya'y ginagawang katuwaan.

Kapwa naglalakad sina Miguel at Celeste nang biglang may pumatid sa dalagita dahilan upang mabitawan nito ang dalang puting mga ponda.

"Aray!" sumubsob siya sa paanan ng nakangising binatilyo, alam niya kung sino ito, walang iba kung 'di si Marcus.

"M-marcus!" gigil na sambit ni Miguel sa kapatid na halatang hindi nagustuhan ang ginawa nito kay Celeste.

"What?" sambit naman ni Marcus habang nakataas pa ang dalawang kamay sa ere.

"Ano bang kabulastugan 'yang ginagawa mo?" asik ni Miguel sa kapatid.

"What? Come on, bro h'wag kang praning. I'm just having fun. You see?" pagak pang tumawa ito sabay asinta sa gawi ni Celeste na noo'y dahan-dahang tumayo at nagpagpag.

"Hindi magandang biro 'yan, Marcus. Isusumbong kita kay Papa!"

"Okey, go on." Sabi pa nito na nagpapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa ni Celeste.

"You know what? Magsama kayo!" iyon lamang ang sambit ni Marcus at noo'y tinalikuran na sila.

"Ayos ka lang ba Celeste?" nag-aalalang tanong ni Miguel kay Celeste.

"Ayos lang...nasanay na ako r'yan kay Marcus." Pilit na ngiti ng dalaga na noo'y nag-iiwas ng tingin kay Miguel.

Kapwa nila pinulot ang mga nahulog na kumot at ponda, kasabay n'on ay ang pagdating naman ng mag-inang sina ginang Natividad at Manuel.

Ito ang bunsong kapatid ni Miguel, gaya ni Celeste ay magkasing edad lamang silang dalawa magka-klase sa pinapasukang sekondarya.

"Oh, hijo. Nariyan ka pala." Bungad ng ina nila na noo'y hawak-hawak ang isang mamahaling bag. Binalingan naman ng ginang si Celeste na noo'y parang natatakot sa ginang.

Dark Secrets Series : Her Sweetest Revenge 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon