PEMPEM 20

109 6 0
                                    

January 24, 2016

Dear Diary,

   Gusto ko sanang magkwento sayo pero ano namang maikekwento ko e buong araw lang akong nakahilata sa bahay.. linggo kase ngayon..

   Gusto ko sana bisitahin kanina si aNdreI asAwaq pero pinigilan ko yung sarili ko.. T.T paulitulit kong sinasabi sa sarili ko na..

   "Huwag kang marupok!! Nagtatampo ka sa kaniya diba??!!! Panindigan mo!!!!!!"

   Ayun.. T.T saka alam ko naman na di rin ako papapasukin sa malaking bahay niya tapos pagkakamalan na naman akong katulong.. T.T

   AY!

  Naalala ko yung panaginip ko kagabi diareh..

   Ganito yung nangyari sa panaginip ko..

   May isang puti at mahabang sintas na deretso ang biglang lumitaw sa isang madilim na paligid.. umiilaw iyon kaya nakikita ko kahit madilim.. Tapos mayamaya pa, biglang may lumitaw na isa pang sintas na katulad na katulad ang itsura ng puting sintas pero ang pinagkaiba lang niya sa puting sintas ay ang kulay nito.. kulay pula ito..

   Mayamaya ay biglang gumalaw ang dalawang sintas at namalayan ko na lamang na pumupulupot na ang mga sintas na iyon sa isa't isa. Hanggang sa tuluyan nang mapagisa ang sintas ay biglang naghiwalay ang mga iyon at nagulat ako sa nakita ko..

   Ang dalawang sintas ay nagkahalo ang kulay.. hindi.. hindi naghalo ang kulay kun'di nagkaroon ng tig-kalahating kulay. Kung ang dalawang sintas kanina ay pula at puti lamang, ngayon naman ay pareho nang mayroong kalahating pula at kalahating puti ang dalawang sintas..

   Diareh, ano kaya ang ibig sabihin nung panaginip na yun?????

   Ay teka..

   "May dalawang sintas akong pagbubuhulin at paglalaruan ko ang kapalaran nila."

    0_0

 
   0____0

    0_________0

     >.<

    Hindi naman siguro ako yung isa sa mga sinasabi niyang sintas diba???!!!

  Kasi kung ako yon... ano ang mangyayari sa akin?? At sa isa pang sintas na sinasabi niya????? Anong ibig sabihin niya sa pagbubuhulin???? Ano ba talagang pinaplano niya?????

>_____________<

   HELP ME, DIARY.

Nalilito na ngayon,,
p3mPeM❇️

Ang Diary ni Pempem [SEASON ONE]Where stories live. Discover now